Nagtakbuhan ang mga tao sa kung saan sa gitna ng gubat ay may eroplanong bumagsak...may bahagi pang nasusunog dito..'Kawawa naman.Saan kaya galing ito?Tiyak kong wala ng ligtas sa loob' ng isang ginang na nakikiusyuso
'Oo nga,Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa..
Nagsidatingan ang mga pulis at unti unti ng pinapalayo ang mga tao.
May tinanong din sila kung sinu ang nakakita sa mga pangyayari..Abala ang lahat sa labas ng sa loob ay....
Unti unting gumagalaw ang mga katawang kanina lang ay nakahandusay at wala ng buhay..
Nangingisay pa ito na waring sinasaniban..Tumutulo ang mga laway..
Kahit bali bali ang mga butoy pilit tumatayo...Laspag na laspag ang mga katawan at parang namumuti na dahil sa sobrang putla ng mga balat..
Dahan dahang nagsitayuan at naghahanap ng pintuang malalabasan...
Umuungol...
Naghahanap ng katawang makakain para maibsan ang gutom na nararamdaman..
Samantalang....
'Naririnig nyo ba iyon?Parang may mga ungol..nakakakilabot naman pakinggan..' ng isang pulis na kinakalampag ang isang pintuan para mabuksan at mapasok na ang loob.
'Baka may buhay pa..
'Imposibleng may mabuhay pa nito..halos wala na ngang hitsura tong eroplano eh mga tao pa kaya sa loob?
Hanggang unti unti ding nabuksan ng mga pulis ang pintuan at nagmamadaling pinasok ang loob sa kagustuhang may mailigtas sa mga tao..
Nag walang anu anuy...
Namilog ang mga mata ng mga kapulisan sa nasaksihan sa loob..
'ZOMBIES'
'Zombiiiiiiiiiiesss!!!!
Pero bago pa sila makalabas ay dinambahan na silalang ng mga ito..
Sobrang lakas at agad nagkalasog lasog ang kanilang mga katawan..
Parang hayok sa laman at nilalamon ang kanilang katawan...
Agad nakabawi ang ilan at binunot ang baril at pinaputukan sila pero ni hindi man lang ito nasaktan..
Agad na nagsilabasan ang mga iilang pulis sa eroplano na syang ikinagulat ng lahat...
'Takboooo,Zombieee'!!!
'Takbo kayo lahat..Dali!!
Hindi naman magkaintindihan angna mga tao at mga pulis sa labas at gulat na gulat sa inasta ng mga pulis na nanggaling sa loob ng walang anu anuy nagsilabasan na ang mga Zombies na sinasabi ng mga ito...
Duguan..
Ang ilan ay bitbit pa ang mga bituka at atay na parang chewing gum lang na nginunguya..Nagsitakbuhan ang mga tao..Nagsisigawan.Hindi alam ang gagawin..
Ang mga pulis naman ay Pinaulanan ng putok ngunit hindi man lang ito nasasaktan..
Nabigla rin sila ng makita ang ibang kasamahan na pulis na naging Zombie na rin papalabas sa pintuan ng eroplano...
'Dyos ko..Anu ang nangyayaring ito'
Sambit ng heneral sa nasaksihanKitang kita nya ang bilis at bagsik ng mga halimaw.. kinakain ang kanyang mga tauhan..Pati ang mga taong naaabutan ng mga ito..
Hinihila ang mga kamay..paa.. ulo hanggang sa maputol ang mga ito..Binubuksan ang mga tiyan para makuha ang laman loob..
Walang magawa ang heneral kundi magdasal sa nakikita..Hanggang sa isang Zombie ang humarap sa kanya na wala ang kaliwang kamay..
Dinambahan sya nito at kailan may ay hindi sya patatalo..
Nakipaglaban din sya at sinuntok ng napakarami ang halimaw..Ngunit Hapong hapo na sya ay hindi man lang niya ito nakikitaan ng sakit dulot ng suntok na binigay nya..Hanggang sa lumapit na rin ang isa pa,dalawa,tatlong zombies sa kanya at pinagtulungan sya..
Dilat na dilat ang kanyang mga mata habang unti unti syang pinagpepyestahan ng mga Zombies..
BINABASA MO ANG
FLIGHT ZO666
HorrorHalos dalawang taon pinag gugulan ni Dr.Shemedrick ang proyekto nila ng Kapartner na scientist na si Mr.Vulgari ang HZV o Zombism Virus. At sa wakas ay natapos din ito..Mag eeksperimento sila sa mga hayup sa tagong lugar sa Pilipinas kung saan naghi...