Reeanna's POV
Nang may bigla akong naisip.........
''Hmm.....sister....pwede po bang humingi ng request?'' Tanong ko na may pagaalinlangan
''Sure,what is it?'' Sabi ni sister nang nakatingin sakin
''Uhmm.......gusto ko ho sanang ipaalam si Abby kung pwede hong siyang sumama sakin sa mall,kung pwede lang ho naman'' sabi ko sabay ngiti and hoping na sana pwede
''Oo,pwede naman pero ang kailangan mong tanungin ay si Abby kung papayag siya'' nag-nod siya habang sinasabi niya ito at natuwa naman ako
Ngayon kailangan ko lang kumbinsihin si Abby
''Ahh,sige ho okay lang po tatanungin ko lang po siya'' nag nod naman si sister saken
Lumapit ako kay Abby na umaakyat sa slide kaya hinitay ko siya sa dulo ng slide
Nang nakaslide na siya papunta sakin nakangiti siya
''Hi po,thank you for letting me play'' sabay ngiti uli
Napangiti din ako
Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya dito ng hindi nawawala ang ngiti niya
''Abby right?'' Mas lumaki pa yung ngiti and she nodded
''Hmm...may itatanong lang ako sayo.......gusto sana kitang isama sa Mall,kung gusto mo,then ibibili kita ng mga gamit na gusto mo'' paliwanag ko sa kanya at nakaktuwa dahil hindi siya nangangawit ngumiti at ang sweet niya talaga ngumiti
''But what if sister doesnt want po?'' Nag-pout siya ng onti
Ngumiti muna ako at ''pumayag na si sister,nagpaalam ako sa kanya bago kita tanungin'' tinaas niya ng onti yung ulo niya then a bright smile shined on her face
''Okay then,I'm coming with you!'' Mas malaki pa ang ngiti niya ngayon
Tumakbo siya papasok ng orphanage,magbibihis siguro
Tuwang-tuwa talaga siya
Siguro mas matutuwa yan mamaya kapag nakarating na kami doon
''Pumayag ba siya Ms Reeane?'' Tanong ni sister sakin,nag nod naman ako
''Opo,tuwang-tuwa pa nga po siya ehh'' nakangiti kong sabi
''Gusto mo ba siyang puntahan?'' Natuwa naman ako roon at pumayag naman ako agad
''Sige ho'' pagpayag ko
Pumasok na kami sa loob mismo ng orphanage,at maganda naman ito,air-conditioned pa
Buti naman maganda ang orphanage na 'to,pwedeng-pwede kay Abby
Hinatid ata ako ni sister sa kwarto ni Abby
''Eto ang kwarto nila Abby,kasing-age niya ang mga batang nasa loob nito,sige pumasok ka na'' sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto
''Salamat po'' pagpasok ko ay ramdam ko agad ang lamig,pero okay lang naman,sanay naman ako ehh
Tinignan kong mabuti ang kwarto at.....okay naman,malamig dito,masarap matulog,pwedeng-pwede magpahinga at ,tama lang para kay Abby at sa mga bata dito
Nakita ko si Abby na lumabas mula ata sa banyo o sa isang dressing room dahil nakabihis na siya and her suit perfectly fits her
Hmmm.........mabilhan nga to mamaya ng damit,madali lang siyang kuhaan at bagayan ng damit dahil maganda ang katawan niya
