Prologue

134 2 0
                                    

Naramdaman mo na ba yung feeling na mainlove? Yung tipong kapag nakikita mo siya parang nakikipag racing sa kabayo yung puso mo. At di mo matatago ang ngiti mo. Yung tipong mapalingon lang siya sa daan mo pakiramdam mo sinadya niya yun at ang ganda mo. Yung tipong pag na huli mo siyang nakatingin din siya sayo, at nag titigan kayong dalawa. Yung tipong itinabi ka sa strawberry mas mapula ka kapag nandiyan siya. Yung tipong, pag sinasabi ng kaibigan mon a nandyan siya, mapapahinto ka talaga at hahanapin siya. At kapag may babaeng lumalapit sa kanya, nagseselos ka na.

Yung tipong kahit mabansagan kang stalker ayos lang basta nakakuha ka ng stolen picture niya, okay lang basta malaman mo kung ano na ang daily happenings sa life niya. Anong oras siya umuuwi, anong oras siya pumapasok, anong oras break time niya.

Yung tipong kung saan siya pumupunta, sinusundan mo na. Gusto mo siyang sundan saan man siya magpunta kaso parang nakakahiya at ayokong umasa. Pero Kuya, sana naman. Sana.

At aminin mo, at the end of the day, ang dahilan ng ngiti diyan sa mukha mo ay dahil sa taong kinababaliwan mo! Kahit di mo siya kilala, kahit color lang ng bag, at kulay ng ID lang ang alam mo sa kanya.

Sabi sa science "Only one thing can occupy one space at a given time" Ang hirap naman nun.

So ibig sabihin, isang babae lang ang pwedeng magoccupy ng puso niya hindi ba? Paano pala kung hindi mo na nga makuha attention niya, may kaagaw ka pa? Sino ba naman ang hindi magka crush sayo? Nakakalaglag ka kaya ng panty, pati vajayjay ko laglag na. HAHAHA!

Na kahit anong sunod mo sa kanya, minsan lang siya tumitingin sayo or sa direksyon mo. Kahit anong pageefort mo makuha lang atensyon niya, di ka parin niya pinapansin. At kahit masakit, hindi mo makukuha yung attention niya. 

Yung pakiramdam na.. Kung alam lang niya na nageexist ka, e di hindi na niya kailangan tumingin pa sa iba! Sana naman Kuya wala ka pang girlfriend... Sana.

Minsan kasi hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. At hindi lahat ng makukuha mo ginusto mo. Pero Kuya, maghihintay ako sayo. Magiintay ako sayo, kahit pa fall ka.

Eh paano kung hanggang tingin ka na lang sa kanya. Paano kung hanggang ikaw lang nagkagusto sa kanya. Do you want to continue liking him? Do you want to continue your one-sided-love or titigil ka na lang kung kalian mas maaga pa at di pa malalim. Di ka pa nahulog ng tuluyan sa kanya? Do you want to take a risk and love him one-sidedly or stop this shit and moved on?

Di mo siya kilala. Di mo alam pangalan niya. Di mo alam anong course niya. Ang alam mo lang sa tuwing nakikita mo siya, napapangiti ka at nakaka inlove siya. Gusto na ata kita. Sino ka kaya? Sana mapansin mo ako. Sana malaman mong crush kita.

This is my story. However, I just want to warnyou. This is about love... But this is not a love story. Kind of. 


This One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon