VI

37 1 0
                                    

September 18, 2015


Dear diary,


Sorry kung hindi ako nakapagsulat. Naging busy po kasi ako this past few days because of our Prelim Examination and tambak tambak na projects, activities.

Pero alam mo diary? Nagpapasalamat talaga ako na hindi kami natuloy umuwi kanina mga 3pm, nakasakay na sana kami ng jeep nun kasama si Ingrid at Alyannah pero nakalimutan nilang ipasa yung project nila kaya bumalik kami. 

Pagkabalik namin sa school, inantay ko silang matapos sa project nila at nung bumalik na sila Alyannah at Ingrid. "Flare, nakita ko si Kuya Babe mo", Yannah. "Oh? Talaga? Saan?" sabay na sabi namin ni Ingrid.

Eh sa wala na akong gana maglakad, at nakakapagod na din. Nagbabasa nalang ako ng wattpad story habang naglalakad. Huminto bigla silang dalawa at nabunggo ko sila. "Ano ba? Uwi na tayo, wag na kayong huminto diyan please. Inaantok na ako" sabi ko. Pero si Alyannah may sinabi, yun yung nagpalakas uli ng mood ko. Sumaya ako bigla. Sabi niya kasi "Andyan si Kuya Babe oh, pauwi na din ata siya."

And so we followed him with his friends. Nung nasa labas na kami ng gate, nagaantay pa ng jeep. I took that moment to take pictures, but ang awkward lang, nakita ako nung kasama niya at tumititig talaga sa akin at ngumiti. Napailing pa siya at bumulong kay Kuya Babe at sa barkada nila. Nakakahiya yun. 

Plano talaga namin na nun nasumabay sa kanila, nagbabakasakali na sa Welcome Rotonda din siya bababa. At nung nakasakay na kami, pumwesto talaga ako malapit sa kaniya. Kung wala lang talaga yung kaibigan niya, magkatabi na sana kami pero okay lang nakakakilig pa din kasi ang lapit lapit ko sa kaniya! Ang gwapo! Promise! 

Yung katabi ko naman na kaibigan niya palaging tumitingin sa akin. Alam ko na sa sarili ko nun na alam na nila, alam na niya na may gusto ako sa kaniya. Eh sa nahuli na nga ako diba?! Hahaha. Kahit sa labas ng jeep lang ako nakatingin, nakikita ko sa peripheral vision ko na tumitingin siya sa akin. May dala din siyang folder nun eh. Hinanap ko anong pangalan ng kaibigan niya at course niya. Para paraan para malaman anong pangalan ni Kuya Babe. Pero I failed, so ang ginawa ko nalang ay tumitig sa kaniya, kinikilatis bawat angle niya, yung mata niya, yung buhok niya, yung ilong niya, yung bibig niya, yung leeg niya, yung uniform at bag niya. Ang gwapo talaga niya! Nakakaiyak.

Nahuhuli ko din siyang tumitingin sa akin. Feeler na kung feeler eh sa nahuli ko siya?! Anong magagaw niyo? Okay lang na sabihin niya akong weird, basta nagkasabay kami ng sakay sa jeep masaya na ako nun.

At nung pumara na sila, di ko ma express eh, huminto siya sa harap ko at tumingin sa akin. Nakayuko pa siya nun, wala namang tao sa unahan niya para huminto siya. Sinadya nya kaya yun? Ano ba kasi gusto niya? Baka may bet sila ng barkada niya. Naiiyak ako e. Gusto ko siyang mahalin pero ayokong magmahal ng mag isa.

"Flare. Alam ko na pangalan ni Kuya Babe. Binasa ko ID niya" sabi ni Ingrid. Na curious agad ako at tinanong kung ano pangalan. "Di ako sure sa last name ah? Michael Ford Del Carmen ata or De Guzman. Search mo nalang sa facebook yung dalawa. Basta pangalan niya Michael Ford". Ang ganda ng pangalan niya, lalo akong nahulog! Di ko mapigilan ang ngiti ko, sa wakas nalaman ko na din anong pangalan niya. Sa wakas, worth it ang pagaantay ko. 

Nung naka uwi na ako, diretsong upo sa sala at nagfacebook. Hinanap ko din siya, after all the search and tries kung ano ang tamang surname niya, nakita ko din siya. Nakita ko na siya. Nalaman ko na anong totoo niyang pangalan. Ang saya ko sobra. Para akong binigyan ng napakaraming Ferrero Rocher. Ang sarap sa pakiramdam na may alam na ako sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam na hindi lang hanggang yan ang malalaman ko sa kaniya.

He skates and play bowling pala. Ang galing. Nag champion siya sa bowling competition. Tapos he also wears a Scapular, pasok na pasok sa Ideal Guy ko. Ang gwapo niya. Alam ko na ibang information niya. Nakakatuwa lang. Ang saya. Ang gaan sa loob. Nahuhulog na ata ako. 

                                                                                                                                                                     Love, Flare    


This One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon