Epilogue II

49 1 0
                                    

HIS POV "THE UNVEILING TRUTH"

                  

"Hoy pre! Lapitan mo na. Natutunaw na siya sa mga titig mo oh" sabi ni Lester. "Napaka torpe mo talaga eh no?" Terrence said. Pero di ko pinansin, I'm just looking at you from afar.

  Limang taon na ang dumaan pero  hanggang ngayon natotorpe pa din ako. Di ko makuhang lapitan ka, hanggang tingin nalang ako. Sa tuwing nagkatitigan tayo, gusto kong ngumiti at lapitan ka pero natatameme ako. Di ko makuhang makipagkwentuhan sayo, kasi natatakot ako. Baka di mo ako gusto. Na baka may boyfriend ka na.

Naalala ko pa noon ng una kitang makita sa Gymnasium, Salubong 2015, ang ganda ng mga ngiti at tawa mo. Parang wala kang pakialam sa mga taong nasa paligid mo, di ka katulad sa ibang babae na nagpapaka-demure para lang makuha atensyon ng mga lalake. Simpleng simple ka lang. Yung mga mata mo sa tuwing tumatawa ka, nakakahawa din. Naalala ko pa yung sinabi ng kaibigan ko. "Hoy pre. Bat ka ngumingiti mag-isa dyan? Nababaliw ka na ba?", "Hoy gago! Usod na. Sino ba yang tinitingnan mo sa taas?!" At dun na bumalik ang presensya ko. Nung nakaupo na ako sa area namin, hinanap kita ulit pero umalis ka, na may kasamang lalaki. Sino kaya yun? Inantay kita at bumalik ka, nakikipag kwentuhan ka sa mga kaibigan mo at nakakatuwa kang panuorin, ang lakas mong tumawa na may hampas hampas pang nalalaman. Nung nagpalabas na sila ng balloons, parang huminto lahat kasi tumayo ka at kinuha yung yellow and violet balloon. Gusto kitang bigyan ng isa pang balloon pero di ako makakilos, natorpe ako! Puta! At nung patapos na yung program, pumunta na ako malapit sa exit door at di ko tinanggal yung tingin ko sayo, pero lintik tong kaibigan ko hinila ako kasi nakaharang daw ako sa dinadaanan. Loko ang gago. At nung tumingin ako ulit sayo, shit tol! Nakakabading! Nakatingin ka sa akin. Yung mga mata mo, ang gaganda! Di ko mapigilan ngumiti. Pumunta kayo sa photo booth at nagpapicture, ang cute cute mo, alam ko namang nahihiya ka nun kasi iba yung smile mo. Inantay ko pa talaga na matapos yung picture niyo para lapitan ka pero di na naman ako makagalaw at di na kita nakita non.

Iniistalk kita, ang hirap mong hanapin nung una pero nalaman kung BS Pharma pala yung course mo, inalam ko anong schedules mo. Sa tuwing kumakain kayo sa labas at tatawid kayo sa kalsada, nakakatawa kang panuorin. Natatakot ka talagang tumawid ng kalsada. "Oy pre. Ayan ka na naman. Bat di mo malapitan? Mauunahan ka talaga nyan." Jeff said. "Di ko kaya pre" was the only replied he get from me.

Nung nasa bookstore ako at nasa stairs kayo kasama kaibigan mo, di ako makagalaw. Nakita kitang tumitingin sa akin ng paulit2. Gusto kitang ngitian pero baka masabi mong babaero ako. Umalis ako nuon para umihi at nung pagbalik ko sa pwesto, nakatingin ka pa din sa akin. May binulong ka pa sa kaibigan mo at tumingin siya sakin, tumawa pa kayong dalawa. At umuwi na ako, 30mins after.

Naalala ko pa din yung nasa gate ka, may inaantay ka ata nun. Nung nasa tapat na kita, sinulyapan kita at nahuli kitang nakatingin din sakin. Hawak hawak mo pa cellphone mo nun, may katext ka ata. Siguro boyfriend mo. Nung bumalik na kami galing sa Shakey's akala ko may tumawag sa akin, kahit Kuya lang yun pero lumingon ako at tiningnan kita at nagsisigawan kayo. Di ko na lang pinansin, di na ako nagpaligoy ligoy pa pupunta na sana ako sayo ng nakasakay ka na ng jeep kaya hanggang tingin nalang ang nakuha ko pero hawak mo na naman cellphone mo. Pabaya talaga, nasa jeep na nilalabas pa din cellphone kaya di ko tinanggal yung mga tingin ko hanggat di pa nakakaalis yung jeep. Ngumiti ka, nakita ko yun. Nakaka bading yung mga ganito pre!

At ang pinaka hindi ko malilimutan na pangyayari nung nagkasabay ng sakay sa jeep. Kinakabahan talaga ako nun, akala ko tatabi ka sa akin. Panira naman kasi itong si Terrence! Ayan tuloy, siya yung katabi mo. Tas palagi ka pa naman niyang sinusulyapan at tinitingnan. Nakakainis! Nakakabading at nakakaselos! Gusto kong magpalit kami ng upuan kaso di ako makagalaw, hanggang yuko lang ako. At nung nagbayad ka na, inabot mo sa akin. Iniisip ko na mahahawakan ko ang kamay mo at yun na nga! Nahawakan ko, ang lambot ng kamay mo. Pagkatapos kong ibigay yung pera, tiningnan kita ayun pala nakatingin ka din sa akin. Gusto kong ngumiti at magpakilala, pero di ko magawa.

This One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon