Her POV
Papunta ako ngayon sa practice room ng aking ka-forever. Sino pa nga ba edi si Kim Hanbin a.k.a B.I. leader ng iKON, singer, rapper, dancer and songwriter. Oh ha? San ka pa complete package na! Kaya mahal na mahal ko yan eh! Gwapo na masipa pa, sikat, matalino at oh so mahal na mahal ko.
Ako nga pala si Hanna Jang, 18 yrs old at wala na kayong pake sa'kin. ^_^v Work at sa puso ni Hanbin. Yuck jejemon masyado. Hahahaha. Ge. -_-
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako labas pasok sa YG Entertainment especially sa practice room ng iKON ano?
Well sinuhulan ko lang naman si Papa YG ng collectible toys na nididisplay niya sa office niya. Hoy wag kayo mahal kaya isa non limited edition pa ang hirap kaya maghanap non. :3
Okay back to Hanbin my love, may dala nga pala akong sandwiches para sa kanya and para na rin sa mga asungot niyang kasama. -_-
Alam kong pagod na pagod na naman sila kakapractice para sa debut nila. Andami na rin nilang pinagdaanang hirap para lang maabot ang pangarap nila. Saksi ako sa paghihirap ni Hanbin doon, pagkagaling niya sa training ay pagod na pagod na ito at hindi na rin siya masyadong nakakakain. Aish paano nalang siya kung wala ako? ^o^Wait wait wait! Kung akala niyo sasaeng fan ako ni Hanbin nagkakamali kayo dahil ako ay isa sa pabebe girls. Chos! Ang totoo niyan kababata ko siya, bestfriends kasi ang mga mama namin at dahil naniniwala sila sa friendship goals pati araw ng kapanganakan namin pareho. Astig noh?
Mula pagkabata magkasama na kami hanggang middle school magkasama kami pati sa iisang condo. Mainggit kayo! Hahaha :P
Ngunit dahil nagdebut na siya as a leader of a boygroup kailangan na niyang lumipat ng condo kasama ang mga members ng iKON.Masaya ako para sakanya. Hindi talaga ako nalulungkot. Hindi talaga. Promise, hindi ako nalulungkot.
Waaaaaaaaaaaaaah bogoshipo neo gaejassaeki~ T.T
Waaaaah~ Teka iba na tong dinadaanan ko ah! Hay lumagpas na pala ako ang haba kasi ng POV ko eh. >.<
Balik. Balik. Balik.
Ayan nandito na ko. Sumilip ako sa pinto at sakto namang break na nila. Nakita kong isa-isa na silang umupo paraagpahinga at ang iba nama'y nagpupunas ng kanilang pawis. Ang hot talaga nila. *o*
Pero kay Hanbin pa rin ako noh!Nagulat ako ng biglang tinanggal ni Jinhwan ang kanyang damit na basang basa na ng pawis. Gawd! HELP! BAKIT NIYO AKO PINAPARUSAHAN NG GANITO KAGANDANG TANAWIN? HINDI KO KAYANG TIGNAN! /_O\
Habang pinagnanasahan este tinitignan ang katawan ni Jinhwan ay biglang may tumayo sa harap ng mukha ko, nakayuko kasi ako enebe. Sino ba tong bastos na humarang sa mukha ko? Ang ganda na ng view eh.
"ANO BA TUMABI KA NGA DYAN!" Pilit ko siyang itinutulak na hindi pa rin tumitingin kung sino ang bwisit na nakaharang.
Hindi pa rin ito natitinag sa kinatatayuan niya. Marahas kong inangat ang aking tingin para makita kung sino ang daot sa mome---
Ay bastos!
Agad niyang tinakpan ng tuwalya ang mukha ko. Amoy na amoy ko ang pabango ng may-ari ng towel. Parang pamilyar ha saa-- PATAY! >_<
"You're harassing my members."-Hanbin
Agad kong tinanggal ang towel sa mukha ko. Nakita kong nagpipigil ng tawa ang mga members nito. >\\\\\\\<
"H-hoy! Hindi kaya! Grabe ka naman makabintang. Tumingin lang harassment na agad? Di ba pwedeng nahagip lang ng mata ko? Ang OA ha" depensa ko
"Oh! Hanbin nahagip lang pala ng tingin eh. Tapos doon na na-stick hindi ba Hanna?" Kantyaw ni Bobby at doon na humagalpak ng tawa ang mga asungot. -\\\\\-
"Tss" sabi nalang ni Hanbin my loves habang naglalakad palayo sa akin at umupo sa sulok ng room.
-_________-+
I glared at them. Agad din naman silang tumigil at saka sinundan si Hanbin my loves.
"Here, I made a sandwich for all of you" I handed him a sandwich.
At dahil may salitang ALL. Agad na nagsilapitan ang mga asungot at pinagpiyestahan ang dala ko. Ang bilis ha. -_____-
"Thanks" sabi nito bago abutin ang sandwich na gawa ko. Buti pa to may pa-thank you eh yung mga asungot wala.
I sat beside him at nangingiti dahil omayghad kahit pawisan and pagod na pagod siya bakit ang gwapo pa rin nitong nilala sa tabi ko. >_____<
Pasimple ko siyang inamoy. Ohlalala~ Ang bango pa rin! Lalaking-lalaki yung pabango niya. Ayieeeeee kinikilig ako! Handang-handa na akong magpakasal sa'yo Kim Hanbin! >____<
"Noona para kang aso dyan" natauhan lang ako ng marinig ko ang boses ni Chanwoo. I looked at him and ang mga gago nakangiting aso habang tinitignan ako.
Nahihiyang tinignan ko si Hanbin at ayan cool na cool lang siyang kumakain ng sandwich na dala ko. Napangiti ako dahil napansin kong malapit na niya itong maubos.
"Hinay-hinay lang baka matunaw yan" singit ni Bobby at kumagat sa hawak niyang sandwich. -______- Eh kung sakalin ko kaya to?
"Noona bakit hindi nalang ako ang titigan mo. Handa akong matunaw para sa'yo" Junhoe winked at me.
Naghiyawan ang mga asungot. Kaloka di ako prepared sa banat niya. >///////<
"Woooooooo"
"Naks June!"
"Ang bangis mo pre"
"Nakow!"
"Booooooooom!"
Isa pa to! Alam naman niyang nasa harap namin ang Hanbin ko. Baka mamaya magselos 'to! Tinignan ko si Hanbin , tapos na pala siyang kumain. :3
"Baka ito gusto niyo?" I showed my fist to them.
"Basta galing sa'yo noona tatanggapin ko kahit gaano kasakit man yan" hirit na naman ni June habang nakapout pa ito.
Samo't saring hiyawan na naman ang naririnig ko galing sa mga members.
"Hoy Hanbin ipagtanggol mo naman ak---- Asan na yun?" Tanong ko sa kanila. Paglingon ko sa tabi ay wala na pala si Hanbi doon. -_-
"Kanina pa umalis si Hyung, noona. Naingayan ata sa atin eh" sagot ni Chanwoo
"Iniwan na naman niya ako. Okay lang. Sanay naman akong iniiwan" I whispered. TT.TT
"HUGOT!" hiyaw ni Bobby
Inirapan ko siya.
"Isa pa malilintikan na talaga kayo sa'kin" sabi ko sa kanila habang tinitingnan isa-isa na may nanlilisik na mata.
Mukhang natakot naman sila kaya tumango ang mga ito maliban kay Junhoe.
"Ok lang noona kung iniwan ka niya. Nandito naman ako para saluhin ka." Taas noong sabi ni June.
Napasapo ako sa leeg ko dahil sa konsumisyon sa lalaking ito. Aish jinjja!!
----------
Ayan new fanfic about iKON naman. Itutuloy ko ito kapag madami-dami naman na akong readers ng story na to. Sana magustuhan niyo yung 1st chapter.
BINABASA MO ANG
Inlove with Kim Hanbin
FanfictionPaano kung nainlove ka sa isang sikat? May pag-asa ka kaya para mahalin ka rin niya? Isang babae ang magpapatunay na kahit malayo ang agwat nila ay kaya niya itong abutin Si HANBIN raw kasi ang kaforever niya! Pabebe di'ba? Abangan. Cover by: TOPAe...