I: 2007

14 1 1
                                    

Chapter I: 2007

X=X=X=
April 07,2007

" Ipangako mo sa akin na pag naka graduate na tayo eh papakasalan mo ako" sabi ng lalaki sa pinaka mamahal nyang kasintahan.

"Pangako ko yan. Kahit kailan hinding hindi kita iiwan" sagot naman ng babae sa lalaki. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Mag dadalawang taon na silang nagiibigan. At masasabi mong tunay ang kanilang pag iibigan.

"Pinky Promise?" natawa ang babae sa dahil naging isip na bata na naman ang lalake.

"Pinky Promise!" natatawang sambit niya. Habang magkadikit ang kanilang mga daliri ay nagsalita ang lalaki.

''Walang iwanan, walang kalimutan at hindi pwedeng mawala ang pagmamahal. Dahil pag may hindi ka sinunod sa mga ito lagot ka talaga sakin.''

"Haha takot ko nalang sayo no. Mahal na mahal kaya kita." sabay pisil nito sa ilong nya.

Unti unting dinampi ng lalaki ang kanyang mapupulang labi sa sa malambot na labi ng babae. Dinarama nila ang bawat sandali na magkasama sila ng biglang.

Crash! Bumungo yung sinasakyan nilang sasakyan nung araw na yun. 2 hours after nilang sambitin ang kanilang mga pangako sa isa't isa na tuluyan ng nabaon sa limot.

***
"Zerin! Zerin! Gising! Binabangungot ka na naman!"

Agad naman napamulat ang mga mata ko. Nanaginip na naman ako. Halos araw araw ganyang mga senaryo ang napapaniginipan ko. Ewan ko ba, pero takot na takot ako pag napapaniginipan ko yan.

''Aera!" tawag ko sa kanya at saka niyakap.

''Sshh. Tama na. Panaginip lang yan.''

"Pero..pero lagi ko 'tong napapaginipan Aera eh!"

''Nakita mo na ba yung mukha nung babae at lalake?" tanong nya.

Napailing ako. Malabo yung mga imahe sa panaginip ko. Hindi ko matandaan yung itsura ng babae at lalake. Ang alam ko lang eh nahulog yung sinasakyan nila sa isang malalim na bangin.

''Ano ka ba Zerin! Natulala ka na. Wag ka ng mag alala. Bukas na bukas, sabado, tamang tama, magpa tingin ka na sa psychiatrist, si Dra. L."

Tumango ako. Mukhang kailangan ko na ulit magpa check up simula noong nangyari dati.

"Oh sya. Halika na't maligo ka na ng mahimasmasan ka kahit papaano. At bilisan mo at baka malate na tayo. Alam mo naman si Sir Erick. Parang laging naglilihi" binatukan ko sya.

Napatawa ako sa sinabi nya. Kahit papaano eh gumagaan na ang pakiramdam ko ng dahil sa kanya. Sira talaga 'tong best friend ko kahit kailan. May sapak rin ito eh!

"Aray naman!" reklamo nya.

"Sira ka kasi" -ako

"Oh hindi ba totoo?!?! Eh daig pa nun yung teenager na first day ng menstruation sa sobrang sungit at highblood"

''Haha...Siraulo mo. Eh sa malapitan takot ka dun" -ako. Tumayo na ako.at kumuha ng damit at tuwalya.

'' Aba naman. Eh Kulang nalang eh maging kamag anak na nya yung bulldog ng kapit bahay natin na si Mang Erming!!!" -Aera

''Manahimik ka. Ligo na ko"
-Sabi ko. Haha. Napatawa naman ako dun. Kamag anak daw ni sir Erick yung bulldog ni Mang Erming?! Siraulo talaga yun.

''Huy babaita! Bilisan mo na maligo at baka kainin tayo ng buhay ni Sir Sungit!" sigaw nya mula sa labas ng banyo

"Oo na! Naliligo na nga diba! Eh kung tumigil ka kaya kakaputak dyan at mag ayos ayos na rin!"

''Tse!"

At nagsimula na akong maligo.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon