"If you're really meant for each other, destiny will find a way. But what if it seems like destiny doesn't want to move for you? Would you do something or would you just stay there looking at him from afar?"
Ako si Alyana Mariss Gomez. Isang ordinaryong estudyante na hindi na umaasa na mapapansin pa ni Stephen Clark Edison. Isa sa mga magagaling na estudyante dito sa school namin.
The guy that I really like. Alam ko na hindi nya ko mapapansin.
Rank 1 siya sa batch namin, kaya medyo kilala sya dito sa school.
Hindi nakakapagtakang maraming babae ang magkaka gusto sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nakatanaw na lang sa kanya mula sa malayo.
Nandito ako sa 2nd floor ng building, sa may room namin sa tabi ng bintana. Habang sya nandun sa may bench sa baba.
Nagbabasa sya ng book. Ang seryoso nya at ang tahimik. Naka eye glasses sya pero hindi nerdy type kasi sobrang cool nya.
Tahimik lang sya na nakaupo pero may biglang lumapit sa kanyang babae.
Maganda sya at medyo familiar, mukhang galing din sa higher section.
Umupo sya sa tabi neto. Nagsimula na silang mag usap. At mukhang masaya sila dahil nakikita ko na nakangiti si Stephen.
Madalang ko lang sya makitang ngumiti kasi mukhang masyado siyang seryoso.
Napatingin yung babae sa kinaroroonan ko. Napansin ata nya ako.
Kaya dali dali akong nag tago sa tabi ng pader. Did she notice me? Kabado kong tanong sa sarili ko. Ang tanga mo kasi! May patitig-titig ka pang nalalaman malandi ka!
Naisipan kong bumaba na. Pag ka tingin ko sa baba wala na sila.
Hindi pa rin nawawala yung kaba sa dibdib ko. Sobrang nakakahiya kasi talaga kapag nagkataon na nakita ako ng babaeng yun na nakatingin sa kanila! >.<
Dumaan muna ako sa CR.
Pagka bukas ko ng pinto nabigla ako sa nakita ko. Dahil nandito din yung babae kanina at naka ngiti sya sakin.
"E-Excuse m-me." Kabado kong sabi dahil nakaharang sya sa pinto.
Tumabi lang sya at hindi na nagsalita.
Pumasok na ko sa loob ng cubicle.
Pagka labas ko sa cubicle nandoon pa rin sya. Kaya mas lalong tumindi yung kaba ko.
Tumapat lang ako sa may salamin para ayusin ng konti yung sarili ko.
"Ikaw yung babae kanina diba?" Tanong nya bigla
"H-huh?" Maang maangan ko.
"Yung nakatingin sa amin ni Clark." Sagot nya
"A-ah h-hindi napatingin lang ako. B-bakit?"
"Wala naman. May gusto ka ba sa kanya?" Ano daw? Sila ba? Bakit nya ako tinatanong?
Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. Baka kasi girlfriend sya ni Stephen.
"H-hindi .. sige una na ko baka ma-late ako e."
Tinalikuran ko na sya. Baka kung ano ano pang itanong nya.
BINABASA MO ANG
From Afar [One-Shot]
Cerita Pendek"If you're really meant for each other, destiny will find a way. But what if it seems like destiny doesn't want to move for you? Would you do something or would you just stay there looking at him from afar?" -Alyana Mariss Gomez