5

8.9K 111 12
                                        

Isang linggo na mula nang nakita niyang nakikipaghalikan si Hunter sa ibang babae at sinabi nitong nagseselos siya. Simula noon ay wala na ulit itong paramdam sa kanya. Ano na naman kaya ang problemang ng impaktong 'yon? Matapos umamin na nagseselos ay bigla na lang mawawala sa ere.

"Mukhang tanga naman itong babaeng 'to, Hindi ka no'n ite-text o tatawagan h'wag ka ngang asyumera d'yan bes. Kasi kung gusto ka naman niyang i-text o tawagan at kung naalala ka niya nang mismong araw na nagkaaway kayo edi sana gumawa na siya ng paraan para magkaayos kayo."

Bumuntong hininga siya sa sinabi ni Kay. May punto ito.

"T'saka alam mo, bes! 'Yang si Hunter masyadong mahangin alam niya kasing isang kumpas lang ng mga daliri niya para ka ng asong susunod sa kanya agad-agad. Aba, girl magkaiba 'yung nagmamahal sa nagpapaka-martyr." Dagdag pa nito. Parang na-combo siya ng mga salitang binitiwan nito sa kanya. Ano na naman ba kasing nangyari sa'yo, Hunter?

"M-Mahal ko kasi siya e." Kinagat niya ang labi niya para mapigilan ang luhang papatak sa mga mata niya.

"Alam mo naman ang set up n'yo, e. Ewan ko ba sa'yo, bes. Talaga bang kapag maganda tanga?" Pang-aasar nito sakanya bago siya nilapitan at hinaplos ang buhok. "H'wag ka ngang umiyak parang timang naman 'to, e."

Biglang nag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon at tiningnan ang caller id. Napakunot ang noo niya dahil unregistered number 'yon. Sino naman kaya ito?

"Hello?"

"Lumabas ka kaya. Andito ako sa labas." Kumunot lalo ang noo niya.. Pamilyar ang boses ng kausap.

Agad siyang nagpaalam kay Kay at agad na lumabas. Nakita niya ang isang kotseng itim na pamilyar sa kanya na nakatigil sa tapat ng apartment ni Kay.

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang lalaking naka-plain tshirt lang at faded pants. Nakasuot ito ng aviators at beanie na puti.

"Ice?" Gulat na wika niya sa kaharap.

"Tss. Tara." Inisang hakbang siya nito at agad na hinawakan ang kamay niya at mabilis na hinila papasok sa kotse nito.

"Huh? Teka lang naman!" Pigil niya rito ngunit wala siyang nagawa kundi ang pumasok na lang ng tuluyan sa kotse nito. "Saan tayo pupunta? Teka si Kay pa---"

"Don't mind her, siya ang nag-isip nito." Sagot naman nito. Nagmaneho na ito palayo sa apartment ni Kay. Habang siya ay napamaang na lang sa bilis ng pangyayari.

"So you're dating the playboy, huh?" Nang-uuyam na wika ni Ice. Diretso itong nakatingin sa daan at focus sa pagmamaneho.

"Ano bang sinasabi mo?" Sinamaan naman niya ito ng tingin. Napangisi naman ang gago sa inasta niya. Aba't sinusubukan ata nito ang katiting niyang pasensya!

"Nakwento sa 'kin ni Kay lahat." Seryosong wika niyo sa kanya. Tinapunan siya nito ng tingin ngunit saglit lang iyon. His eyes is something.. para bang nang-aakit iyon kung makatingin.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Pag-iiba niya sa usapan. Ngunit sa halip na sumagot ay ngisi lamang ang nakuha niyang sagot mula rito na lalo niyang ikinabugnot. Napairap na lang tuloy siya sa binata.

Makaraan ang halos isang oras siguro ng pagmamanaeho nito ay tumigil sila pamilyar na restaurant.

Dito sila madalas kumain ni Hunter noon. Akmang bababa na sana siya ngunit pinigilan siya ni Ice.

"No.. let me open the door for you. Stay still." Madali itong lumabas at umikot oara pagbuksan siya ng pintuan ng kotse nito

Napaawang ng kaunti ang labi niya. Nagulat siya sa inaasa nito, sinaniban ata ito ng masamang espiritu? Bakit tila yata napakabait nito sa kanya ngayon? Hindi kaya lagnatin ito?

No Strings Attached Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon