2

9.5K 126 0
                                        

Chapter 2

"Let's have a date."

Salitang labis na ikinagulantang ng buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung anong sapi ngayon ni Hunter pero heto at magkasama kami---magdadate daw kami. Pupunta kaming Puerto Galera ngayon. Dahil kilala siya at makapangyarihan ay napapayag niya ang boss ko sa pag-absent ko.

"Bakit ang tahimik mo?" Puna nito habang nasa byahe kami.

Kinikilig kasi ako! Charot! Alangan naman sabihin ko sa kanya 'yan? Edi baka mas lalong lumaki ang ulo niya dahil alam niyang hilong talilong siya dito? Thats a No-No-No!

"Wala naman. Naninibago lang ako." Sabi niya na lang. Nagulat siya ng yakapin siya nito at gawaran ng halik sa noo. Argh! Kumabog ang dibdib niya kaya't napahawak siya doon. God, Hunter ano bang ginagawa mo?!

"Bakit? Masama bang makasama ka at masolo?"

"Lagi naman tayong nagsosolo sa condo mo e!" Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya. Yung ngiting nakakapagpadagundong ng puso ko. Jusko naman! Hanggang kailan mo ba ako paiibigan Hunter?

"Iba 'yon...  Gusto kitang maka-bonding, makasama ng matagal, Jimena. Ang tagal na natin na magkakilala pero kahit kelan ata never pa kitang nai-date." Aniya. Huminga siya ng malalim. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya. Totoo ba ito? O baka naman inu-ulol lang siya ng imahinasyon niya kaya naman bahagya niyang kinurot ang hita niya---napa-igik siya sa sakit. Mukhang tunay nga ang lahat at hindi panaginip lang.

"God,  Kikiligin na ba ako Hunter?" Pang-aasar niya dito. Ngunit sa halio na sumagot ay dinampian lang siya ng halik ng binata sa labi.

Nagsalita na ang stewardess na in five minutes lang ay lalapag na sa Pier ang barko. Nag-agwat na kami ni Hunter at umayos. Mamaya dito pa kami magmilagro! Que horror! Nakakahiya sa sangkatauhan!

Nang makababa kami ay my sumundo saming SUV. Nakakapanibago ang pakikitungo sa kanya ni Hunter..  Baby na baby ang pagtrato nito sa kanya. Para bang ingat na ingat ito sa kanya at ayaw na mawawala siya kahit saglit sa paningin nito..  Ano bang meron? Mawawala na ba ito sa kanya? H'wag naman sana.

"Magandang Umaga po Sir Hunter at sainyo na rin po Ma'am." Bati sa kanila ng isang matandang mukhang nasa mid-60's na.

"Magandang umaga po." Bati rin naman niya sa matanda bago ito nakipagkamay sa kanya. Agad naman siyang inakbayan ni Hunter.

"Siya naba si Jamie, Hijo?" Masiglang sabi ng matanda. Bigla ay nawala ang ngiti sa kanyang labi.

Hanggang dito ba naman?

"No, Nana Merdie. She's her twin sister."Pagtatama ni Hunter. Apologetic siyang tiningnan ng matanda nginitian naman niya ito pabalik. Nasanay lang siguro ang mga ito kay Jamie, isa pa magkamukhang- magkamukha kasi sila ng kakambal. 

"Pasensya na, Hija. Kamukhang kamukha mo kasi siya. Hindi ko naman alam na may kakambala pala si Ma'am Jamie. Pasensya kana talaga, ineng." Hinawakan nito ang kamay niya at muling humingi ng tawad.. Ngumiti naman siya dito.

"Wala po 'yon. Mas maganda po sa 'kin si Jamie." aniya sa mababang tono.

"Nana okay na ba ang kwarto namin?" Tanong ni Hunter sa matanda kaya't nabaling muli ang atensyon nito sa kanya. Binitawan nito ang kanyang kamay at lumapit kay Hunter.

"Oo naman, Anak. Naayos na namin ni Gardo yon kagabi. Pwede nyo ng magamit. Naghanda narin ako ng tanghalian nyo. Sigurado akong gutom na kayo dahil sa byahe." Naglakad siya kaya't sumunod naman kami. "Halina kayo."

Halos mapanganga siya sa nakita niyang nakahanda sa hapag kainan. Fiesta ba ito? Fiesta ba ngayon dito at ganito karami ang pagkain na hinanda para sa kanila?

"B-Bakit ang dami ata?" tanong niya kay Hunter.

"Ganito talaga si Nana kapag darating ako.. Akala mo palagi may fiesta, matagal rin kasi bago ako makabalik kaya sinusulit niya para naman maluto lahat ng paborito ko." Pinaghila siya nito ng upuan. "Let's eat!"

Dahil sa dami ay hindi niya na maintindihan kung ano ang kukunin niya. Halos lahat kasi ng nakahanda ay pawang masasarap at nakakapagtubig ng bagang. Hindi niya tuloy alam kung ano ang uunahin niya.

"Kumain ka niyan. Masyado kang payat. Magpataba ka nga." Sabi ni Hunter bago siya nilagyan ng gulay na chopseuy at isda.  Napangiti naman siya sa inakto nito. Hi di niya mapigilan na hindi kiligin. Gustong-gusto niya ang ganitong side ni Hunter.. Sana palagi na lang ganito.

Masarap pala ang pakiramdam ng pagsilbihan ka ng taong mahal na mahal mo. All this time ito lang ang hiniling niya. Ang mabahagihan man lang kahit katiting na atensyon ni Hunter, kaya masayang masaya siya ngayon dahil abot kamay na niya ang binata.

Buong araw na ata silang nagkwentuhan at nagharutan ni Hunter. Pakiramdam niya ay napakabilis ng oras kapag kasama niya ang binata, para bang ang bilis ng oras kapag masaya ka at napakabagal naman kapag nalulungkot ka. Katulad ngayon masaya siya at natatakot siya na baka mayroon iyong kapalit. Natatakot siya na baka isang araw ay mawala mulu sa kanya si Hunter.. Natatakot siyang ang lahat na hiram na sandali ay matapos na. Dahil kapag bumalik si Jamie, alam niya na tapos na lahat ng kahibangan niya. Dahil parang asong babalik si Hunter dito na animo'y ito ang amo niya.

Sa totoo lang ay ayaw niya naman na umasa pero siguro naman kahit paano..  kahit katiting manang may pag-asa naman na mahalin siya ni Hunter diba? Hindi bilang kapalit lang ng kapatid niya.. Hindi bilang isang fuck buddy, at substitute lang ng kapatid niya. Hindi bilang isang rebound.

Kundi bilang siya.

Bilang si Jimena at hindi si Jamie.

No Strings Attached Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon