Saktong alas dies ng makalabas siya sa trabaho. Kanina pa siya nasa labas ng Paprika at text siya ng text kay Hunter. My usapan pa naman sila ngayon na sa Condo ni Hunter siya matutulog! Napabuntong-hininga siya at naisip na baka nakalimutan nito ang kanilang usapan.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha iyon at tiningnan.
From: Babe
Hindi tayo tuloy baby girl. My meeting pa kasi ako. Text me once you got home okay? :* Take care!Pagkabasa niya niya ay napabuga siya ng marahas na hangin. Mas pinili nalang nya h'wag magreply. Tinago niya ang cellphone niya sa bag at muling pumasok sa loob at nagtungo sa crew room. Naabutan niya naman si Kay na kasalukuyang naga-ayos na. Nakapagpalit na rin ito ng damit, tumabi siya rito at nangalumbaba.
"San ka pupunta? Bakit posturang - postura ka ata?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan na ngayon ay nagre-retouch na ng make-up nito. Pagkatapos maglagay ng mascara ay tiningnan siya nito.
"Sa Eclipse.. Balita ko kasi pupunta dun ang The Dawn. Ikaw bakit nandito ka pa? Asan na ang baby boy mo?" Tanong nito sa kanya bago siya tinabihan sa upuan.
"Ah... Wala. May meeting daw siya, e." Ibinaba nito ang compact mirror na hawak nito. At agad na nagliwanag ang mukha nito sa naging sagot niya.
"Then come with me, sesame!" Nagtaas naman ang kilay ko.
"Wala akong damit!" Wika niya.
"Meron ako!" Masayang wika ng kaibigan bago siya hinawakan. "Buti nalang my nadala akong extra damit.. Halika." Hinila siya nito patungo sa CR.
Napakaraming tao ang nasa loob ng Eclipse, halos lahat ay nagsisigawan at naghihiyawan para i-cheer ang The Dawn. Si Chaos ng The Dawn ang bokalista kaya pala naman dinagsa ng tao ang Eclipse. Sikat kasi ang bandang ito dahil sa galing at dami na rin ng kanilang mga kantang nag-hit sa masa. Kung natural na araw ay marami ng nagtutungo sa Acoustic bar na ito ngayon na guest pa ang The Dawn ay halos sumabog na ito sa karamihan ng tao. Siksikan ngunit pinilit naming makapasok dahil sa VIP ticket na binili ni Kay.
Pumunta sila sa usual spot daw nila Kay. Naabutan nila ang dalawang lalaki at dalawang babae na nakaupo roon habang nagkukwentuhan at nagtatawanan.
"Hey cousins!" Bati ni Kay sa mga kasama na naroon. "This is Jimena Benitez. My besftriend forever!" Pakilala nito sa kanya bago kumuha ng isang shot ng tequila at shinot agad iyon.
"This is Akira," turo niya sa singkit na nakabrush up at naka-nerd glasses. "This is Amarie." Tinuro naman niya ang babaeng curl ang buhok na my pagkachinita. "Si Amaya," Nagwave sa kanya ang babae at napansin niya ang tattoo nito sa braso. Whoa! Astig! "This is Reo Arkangel." Tinuro naman niya ang lalaking prenteng nakaupo sa isang tabi at abala sa pagsimsim ng alak na hawak niya bago siya nito binalingan bago nakipagkamay. "And lastly si Ice." Pakilala niya sa huling lalaki na ando'n. Hindi man lang siya tiningnan ng lalaki bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang pagtungga sa iniinom niya. Naka-side view ito kaya hindi niya gaanong maaninag ang mukha ng binata. Napansin niya lang ang colow dark brown na buhok nito at meron din itong piercing sa tenga niya. Napairap siya sa inasal ng binata. Psh. Feeling pogi.
Matapos ipakilala ang lahat na kasama nila ay umupo na sila ni Kay bago siya binigyan ng drinks ni Kay.
"Let's dance!" Aya ni Akira. Nagsitayuan ang mga ito including Kay.
"Tara." Inaya siya ni Kay ngunit umiling naman siya bilang pagtanggi. Hindi naman siya mahilig sumayaw.
"Dito na lang ako." Nakangiting wika niya kay Kay. "Wait kita dito." Dagdag pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/46151060-288-k588211.jpg)
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceJimena Benitez is inlove with Hunter Santilian---her twin sister's boyfriend. Kaya naman ng abandonahin ng kakambal ang binata at nagkaroon siya ng tsansa na mapansin siya nito ay walang pagdadalawang isip niyang sinunggaban iyon. Pumayag siya sa ka...