Dedicated to Regine Alapag
Thank you to the following readers who contributed the names here:
Samantha- given by Alyssa May De Mesa
Spencer- by Mary Clarette
Kassey- by Sophie Ruiz
Jynelle by Lowela Recto Chambers
Two Years after...
"No, I don't want to eat that yucky food." Hinagis ni Marion ang hawak na kutsara sa sahig. Galit na tumayo ito sa upuan at nakahalukipkip na umirap ito sa yaya na hindi malaman kung ano ang gagawin.
"Marion, magagalit ang daddy mo pag hindi ka kumain," babala nito sa bata.
"No! Daddy loves me. He will not be angry with me," sigaw nito.
"O anong kaguluhan naman ito," malumanay na sabad ni Lillian. May bitbit itong mga shopping bags.
"Tita Lily, si Yaya Nita kasi," sumbong ni Marion.
"Ma'am Lillian, ayaw po kasing kumain ni Marion."
"Baka naman hindi gusto ang ulam, Yaya," sabi nito. Bumaling ito uli kay Marion. "Marion, what do you want to eat?"
"Nothing, Tita. I want to talk to my daddy now."
"Baka busy ang daddy mo sa office."
Hindi nito pinansin ang dalaga. Nagmamadaling pumanik ito ng hagdan para kunin ang IPhone 5 na bigay ng ama.
"Marion, may mga binili akong bagong damit at toys para sa iyo," pahabol na sabi ni Lillian sa tumatakbong bata.
"Naku po, Ma'am Lillian lalo pong tumitigas ang ulo ng alaga ko," himutok ng yaya.
"Pasensyahan mo na lang, Yaya Nita. Bata pa kasi," tahimik na wika ni Lillian.
"Mabuti po at parati ninyong dinadalaw ang inaanak ninyo."
"Siyempre naman. Mahal ko yata ang batang iyan."
"Daddyyyy!" bungad ni Marion sa ama oras na mabosesan ito sa kabilang linya.
"Hello Sweetheart! What's wrong, baby?" tanong ni Alex sa anak habang sumisenyas sa mga department heads na tapos na ang meeting.
"I don't like the food here," sumbong nito agad.
"Baby, what do you want to eat ba?"
"I want hambuger and fries from McDo."
"Tell your yaya to order for you. Sweetheart, I'm busy right now, let's talk later when I go home, okay?"
"No, daddy! You're always late. I'll be asleep again when you go home," naiiyak na sabi nito.
Please play the music video, "I miss you like crazy by Erik Santos."
May kirot na naramdaman ng oras na iyon si Alex sa sinabi ng anak. Alam niyang mula ng mawala sa buhay nila si Sandy ay sinubsob na niya sa trabaho ang sarili para hindi niya maramdaman ang sakit na dulot nito.
"Promise, I'll try to be home early today, baby."
"You promise, daddy?"
"Yes, Sweetheart. Daddy loves you so much!"
BINABASA MO ANG
Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
FanfictionPaano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang mawala sa piling mo? Hanggang kailan ka mabubuhay sa matamis na alaala na iniwan ng asawa mo? This is going to be a combination of romance, d...