This chapter is dedicated to YaMargareth.
"Mommy!" Bago pa nakakilos ang lahat ay mabilis na tumakbo at yumakap ng mahigpit si Marion sa mga hita ni Sam.
Parang tuod na napatingin si Sam sa batang nakayapos sa kanya. Nalilitong napaawang ang mga bibig nito sa kabiglaan ng pangyayari.
"Huh, ah sorry po. Nagpagkamalan po yata ninyo ako. Ako po si Samantha Cortes," halos mag-panic si Sam sa tingin sa kanya ng mga kaharap.
"Sandy, my Sandy! Ako ito si Alex, " mahinang usal ni Alex. Parang wala itong narinig sa binanggit ni Sam na pangalan.
"Sir, sorry po talaga. Hindi po____," hindi na naituloy ni Sam ang sasabihin ng walang pag-aatubiling yumakap rin dito si Alex. Halos maipit ang paslit na hindi pa rin lumulubay sa pagkakayakap kay Sam.
"I missed you, Mommy!"
"Sandy, we found you at last. Oh God, you don't know how much I missed you, honey! Akala ko ay tuluyan na along mabubuhay na parang patay. Oh my God, Sandy." Sunod-sunod na mga halik ang ginawad nito sa buong mukha niya na parang ayaw na siyang pakawalan.
Halos hindi na makahinga si Sam sa yakap ng dalawang taong hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya. Itutulak na sana niya ang lalake palayo nang maramdaman niya ang init ng luhang sunod-sunod na pumapatak sa mga mata nito.
"I love you so much, Sandy." Halos mabasa na ang buong mukha niya sa mga luhang galing kay Alex.
"Daddy, you are squeezing me," reklamo ni Marion sa ama.
"Sorry, baby. I just missed your mommy so much!"
"Sandy, honey , let's go home. Matagal ka naming hinintay ni Marion."
"Sir, nagkakamali po talaga kayo. HIndi po ako si Sandy. Ang pangalan ko po ay Sam short for Samantha po." Ubod lakas na itinulak niya ang gwapong lalake.
"Alex, she's not Sandy. Kamukha lang niya ang namatay mong asawa," sabad ni Ava, pinagpapawisan ito malamig. Halatang maputla pa rin ito pero medyo unti-unti ng nahimasmasan.
"Will you please shut up for once, Ava. Siya si Sandy, ang asawa ko. Hindi ako pwedeng magkamali," halos bulyawan ni Alex si Ava. Bumaling muli ito kay Sam, "Sandy, what's going on, honey. What are you trying to do to us? If this is a joke, I'm not laughing." May lungkot na mababanaag sa mga mata nito sa ginawang pag-iwas ni Sandy ng magtangka uli itong yakapin ang babae.
"Anong kaguluhan ito, Sam?" tanong ng medyo mataba at may edad na na babae. Nakasulat sa badge nito ang titulong supervisor at pangalan na Maxima Cruz.
"Sorry po, Ma'am. Mistaken Identity lang po," mabilis na paliwanag ni Sam sa istriktong boss.
Naramdaman ni Sam na lalong humigpit ang yakap ng batang babae sa mga hita niya. Awang-awa siya sa itsura nito.
Talagang nami-miss ng batang ito ang ina niya. Kawawa naman.
"Baby, sorry ha. Pero kailangan ko ng bumalik sa work." Hindi niya magawang sabihan ng direkta ang bata na hindi siya ang ina nito. Parang nadudurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa ito.
"I need to talk to you in my office now," pukaw ng ma-autoridad na boses sa iniisip ni Sam.
"Opo, Ma'am." Marahan na inalis niya ang pagkakayakap ng bata sa kanya.
"Sorry, baby. Babalik na ako sa work." Iyon lang at mabilis ng siyang tumalikod para sumunod sa supervisor.
"Honey, wait. Hanggang anong oras ka dito sa work mo? Maghihintay ako sa iyo dito sa labas."
BINABASA MO ANG
Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
FanfictionPaano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang mawala sa piling mo? Hanggang kailan ka mabubuhay sa matamis na alaala na iniwan ng asawa mo? This is going to be a combination of romance, d...