Dedicated to Nayumi Grace Flores ( A fellow writer in Wattpad)
Nasa kalagitnaan na sila ng special birthday dinner nang dumating si Ava at Lillian. Nakasuot ng pulang hapit na damit si Ava, kitang kita ang sexy nitong katawan. Samantalang si Lillian ay naksuot lang ng simpeng light blue blouse at itim na pantalon.
"Hello everybody! So sorry we are late, ang haba kasi ng traffic sa EDSA," paliwanag ni Ava sa grupo ng makalapit sa hapag-kainan.
"Pasensiya na po at na-late kami ni Ava," segunda naman ni Lillian.
"Don't worry about it! Please join us," nakangiting tumayo si Alex para alalayan ang dalawang dalaga.
"Happy Birthday, Alex!" nahihiyang bati ni Lillian. Lumapit ito para gawaran ng halik sa pisngi ang lalake.
"Happy Birthday, Alex!" pa-seksing sabi ni Ava na sumunod sa paghalik kay Alex.
Tahimik lang na nakamasid si Sandy.
Sila ang mga bestfriends ko pero bakit kahit na kaunti ay wala akong maalala tungkol sa kanila.
"Oh my God, Sandy. Ikaw nga!," naiiyak na yumakap si Lilian sa kaibigan. "I missed you, bestfriend."
Hinayaan ni Sandy na yakapin siya ng kaibigan kahit na naiilang siya sa nangyayari.
"Sandy, my friend. So happy to see you again," nakangiting wika naman ni Ava na nakatayo sa likuran ni Lillian.
"Welcome back, Sandy! Masaya kami at nakabalik ka na." Basa ang mga pisngi na diklara ni Lillian.
"Thank you," matipid na sagot ni Sandy. Hindi nito alam kung paano pakikitunguhan ang dating mga kaibigan.
"O maupo na kayong dalawa at para makakain na," nakangiting sabi ni Dona Victoria.
Habang kumakain sila ay patuloy ang pagbibida ni Lilian at Ava tungkol sa nakaraan. Tahimik lang na nakikinig si Sandy. Wala siyang maikuwento dahil wala siyang alam sa mga sinasabi ng mga ito. Si Alex ay napapangiti paminsan-minsan pag tungkol kay Sandy napupunta ang usapan. Halatang natutuwa ito sa mga binibida tungkol sa asawa.
"Alam mo Sandy sobra talaga kaming nalungkot noong nawala ka," kuwento ni Liliian.
"Lahat naman na sad sa nangyari pati na si Alex. Akala nga namin mababaliw na iyan," dugtong naman ni Ava.
"Mawala ba naman ang pinakamamahal niyang asawa," kaswal na wika ni Lillian.
Bahagyang ngiti lang ang ibinigay ni Sandy sa dalawa. Napatingin siya kay Alex na titig na titig sa kanya.
"Oy Sandy masyado ka na yatang tahimik ngayon," ani ni Ava.
"Ah medyo napagod lang siguro."
"Hon, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Alex.
"I'm really okay. Huwag ninyo akong pansinin," simpleng sagot niya.
"Excuse me po Ma'am Sandy, umiiyak po si Xander. Hinahanap po kayo," magalang na sabi ng bagong yaya ng bunso nila.
"Ha? O sige susunod na ako," sabi niya. "Excuse me, pupuntahan ko lang ang mga bata." Paalam niya.
"Please stay honey, I'll go and check the kids," pigil ni Alex sa kanya nang akmang tatayo siya para sundan ang yaya.
"Alex, baka naninibago lang si Xander," aniya.
"I can handle it, hon. It's okay." Tumayo na ito para puntahan ang mga bata.
BINABASA MO ANG
Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
Hayran KurguPaano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang mawala sa piling mo? Hanggang kailan ka mabubuhay sa matamis na alaala na iniwan ng asawa mo? This is going to be a combination of romance, d...