Ayoko na mag-COC

146 7 9
                                    

A/N: ang story na ito ay dedicate kay ZNeverQuitDrawing actually trip lang namin ito hahaxD enjoy~

***

[Charles POV]

"Kylie mahal na mahal kita. Will you  be my girlfriend? "Tanong ko habang nakaluhod sa kanya.

Wala ganito talaga ako Kung makapag confess parang magpropopose na noh?

"Yes."nakangiting sagot niya.

Sa sobrang tuwa ko ay agad akong tumayo at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik. Hay! Ang sarap sa pakiramdam.

"I love you. "Bulong ko sa kanya.

"I L-love you too. "Sagot niya na nging dahilan ng lalong paghigpit ko ng yakap sa kanya.

Nagulat nalang ako  ng bigla niya akong hampasin sa likod.

"A-ano ba! Hindi na ako makahinga. Papatayin mo ba ako? "Angal niya kaya napabitaw ako ng yakap sa kanya.

"Sorry. "Sabi ko habang kamot ang likod ng aking ulo.

Nagtagal ang aming relasyon ng tatlong buwan ngunit nagbreak din kami ng malaman kong niloloko niya ako. Meroon siyang iba bukod sa'kin.

Tinanong ko siya kung sino mas mahal niya sa'min na pinagsisihan ko dahil mas mahal niya siya kesa sa'kin. Ang sakit lang. Dahil sa pananakit niya sa'kin not physical but emotional.

Natuto akong uminom ng alak at manigarilyo. Naging libangan ko na ito. Hanggang madiskubre ko ang COC sa aking mga kabarda.

Nakaka adik siya. Halos araw-araw akong naglalaro nito. Sumali pa nga ako sa clan ng barkada ko. Oo hindi lang ako naadik pati narin sila.

Simula nun sabay-sabay na kami umiinom pag nananalo sa war. Napapabayaan ko na ang pag-aaral ko dahil dito. Pag may exam hindi na ako nagrereview o kaya pag may assignment hindi na ako gumagawa basta pagdating sa bahay cellphone agad ang hawak ko o kaya loptop.

Hanggang sa dumating ang araw na nakilala ko siya. Ang babaeng muling nagpatibok ng aking puso.

Transferee siya sa eskwelahan namin at swerte ko dahil ako ang naatasan ng teacher namin na magtour sa kanya dito.

Habang naglalakad sa hallway ay kuwento ako ng kuwento sa kanya habang siya kundi ngingiti tatango lang.

"Nagka Boyfriend ka na ba? "Tanong ko sa kanya na ikinatigil niya.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. nakita ko sa mukha niya na ang lungkot kaya parang nagsisi tuloy ako dahil tinanong ko yun.

"Ahm sorry dahil tinanong ko yun. "Panghihingi ko ng tawad.

"Hindi okay lang. "Sabi niya habang nakangiti pero alam ko peke.

"Kung gusto mo ng makakausap nandito lang ako. "Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti ulit. "Punta tayo sa rooftop. "Sabi nito.

Tumango lang ako at pumunta kami dun. Lagkarating namin ay umupo kami sa isa sa mga bench pagkaupo namin ay tahimik lang kami habang ninanamnam ang malamig n hangin na dumadapo sa aming balat.

"Sa sagot sa tanong mo.  "Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo meron na akong naging boyfriend pero di kami nagtagal. "Nakatulala lang ako sa kanya habang siya naman ay umiiyak na ngayon. Gusto ko siyang patahanin pero hahayaan ko nalang dahil mas makakabuti ito sa kanya.

Ayoko ng mag-COCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon