Best Friends

1.8K 21 10
                                    

Best Friends

Girl: Pano pag umamin ako sayo?

Boy: Umamin naman saan?

Girl: Sa tunay kong nadarama...

Boy: Naks! Ikaw ba yan? Ang deep ng tagalog mo ah? Mas deep pa sa pacific ocean! Hahaha

Girl: Ehhhhh kasi naman eh! Yung seryoso.

Boy: Ano ba kasi yun?

Girl: Ano kasi...ahmmm...pano ko ba sisimulan to...ahmmm...

Boy: Bili...parang pagong lang bes?

Girl: Ano ba! Maghintay ka nga! Eto na...pano pag...pag...pag...

Boy: Hay nako...ambagal...makaalis na nga.

Girl: PANO PAG SINABI KONG MAHAL KITA? >__<

Boy: H-ha?

Girl: Anong ha? Konyatan kaya kita diyan? Di ko na uulitin pa leche. Bingi mo!

Boy: Haha. To naman di mabiro. Syempre naman sasabihin kong mahal din kita.

Girl: Ha?

Boy: Oh tignan mo. Ikaw naman ngayon ang bingi hahaha!

Girl: Teka teka! Mahal mo din ako?

Boy: Ano bang klaseng tanong yan? Of course naman!

Girl: Bilang best friend ba?

Boy: Oh yeah! Forever and ever!

Girl: Haha...sabi na eh.

Boy: Oh? What's wrong? Tumamlay ka yata? Ok ka lang ba? Punta ba tayong clinic?

Girl: Okay kang ako nukaba...masyado ka lang paranoid haha.

Boy: Syempre naman...alam mo naman yung kalagayan mo diba?

Girl: Okay lang talaga ko...promise! I'm tough, right? Di ako papatalo sa sakit kong to!

Boy: Sure ka?

Girl: Yup! Anyway highway, ano yang kanina mo pang tinatago sa likod mo ha? Kaw ha! Nako! Baka mamaya lipgloss ko yan! XD

Boy: Sama mo talaga kahit kailan. Flowers yan. -_-

Girl: OMG! Bessss! Nagiging sirena ka na ba? Wag naman! Sayang gwapo mo! Huhuhu. Naiimagine ko nang nilalagay mo sa likod ng tenga mo ang bawat bulaklak na hawak mo.

Boy: Langya naman bes! Namumuno ka na ah! Kokobrahan na kita! Kanina ka pa! Tsaka bakla ka diyan! Sa gwapo kong to bes? Bakla? Ha!

Girl: Ayun na nga bes eh! Karamihan sa mga gwapo, nagiging dyosa na at hindi dyoso.

Boy: Baliw! Dami mong alam! Bumalik ka na nga sa ospital mo! Baka nga sa mental ka na nababagay eh! Tsaka wag mo kong isama sa mga gwapong nagiging bakla! Sila yun! Hindi ako! Straight guy ako! And that's always!

Girl: Hahahahahahaha!!!! XD

Boy: Sige tawa pa. =__=

Girl: Hahahaha! Andami kong tawa! Di ko na mabilang sa sobrang dami! Hahahahha!! Ayoko na!!! Ang sakit na ng tiyan ko! Hahahahhah! XD

Boy: Umuwi ka na nga! Bago ko pa mabato sayo tong bulaklak na hawak ko!

Girl: Luh bes? Iiwan mo ko eh umuulan?

Boy: Buti naman at tumigil ka sa pagtawa? -_-

Girl: Di mo ko sasamahan umuwi. Di ka ba nag-aalala para sakin?

Boy: Bahala ka sa buhay mo. Kaya mo na sarili mo. Tough ka naman eh. Monster ka nga diba? Wala rin na naman magbabanta na nakawan ka lalo na reypin dahil unang-una, wala ka naman sex appeal at nakakatakot ka. XD

Girl: Tse! Wala kang concern! Di na kita best friend! Maghahanap na lang ako ng bago kong best friend na lalaki!

Boy: Haha. Biro lang bes. Gumaganti lang. Eto naman di mabiro eh. Wag ka nang maghanap ng bago. Baka magselos ako eh. Bati na tayo please?

Girl: Mukha mo! Pangit!

Boy: Sus. Ako pangit? Baka ikaw?

Girl: Leche! Maiwan ka na nga! Di ka marunong maka-appreciate ng tunay na ganda! Palibhasa bulag ka kasi!

Boy: Maka-bulag to. Malabo lang mata ko bes. Iba ang bukag sa malabo.

Girl: Oo na! Oo na! Ayan ka na naman sa words of wisdom mo eh.

Boy: Nagpapaliwanag lang. Alin ang words of wisdom dun? -_-

Girl: Hmpf!

Boy: Uyy. Bati na tayo please? Dali na...uyyy...ngingiti na yan. Cute mo talaga. ^^

Girl: Fine! I'll forgive you if...

Boy: If?

Girl: Nilibre mo kong ice cream :D

Boy: Takaw talaga. -_-

Girl: Haha. Basta next time ah?

Boy: Teka? Di ba ngayon?

Girl: Silly, di naman ako tanga para di malaman na hahatid mo pauwi yung balak mong ligawan eh.

Boy: Bes...umuulan...

Girl: Para san pa ang payong?

Boy: Hatid na kita. Sabay ka na lang samin please?

Girl: I'm fine really!

Boy: Pero...

Girl: I gotta go! Byeeee. See you tomorrow!

Boy: Wait bes!

Girl: Ano?

Boy: Pano pag sinabi kong matagal na kitang mahal?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

--The End--

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon