Your Chance

577 17 5
                                    

Your Chance

"Grrrr!!! Nakakabwisit talaga yang si Audrey!!!" halos marinig na sa kabilang dayo ng classroom ang sigaw ko.

"Pwede ba Johnina. Yang bunganga mo, kala mo nakalunok ka ng megaphone sa sobrang lakas eh. Ano na naman bang ginawa ni Audrey sayo?" Tanong sakin ng best friend ko na kambal ko rin na si Charina.

"Kasi naman eh! Yang lecheng yan!" sabay turo ko sa bwisit sa buhay ko. " Wala na siyang ibang ginawa kundi laitin si Greyson ko!"

"Hoy hoy hoy! Kapal mo! Anong Greyson mo? Akin yun!" tignan mo tong ever supportive kong kaibigan. Inagawan pa ko ng asawa ko.

"Leche! Napakacomforting mo! Maiwan ka na nga diyan!" sabay nagwalk out ako at bumalik na sa sarili kong upuan.

Kinuha ko na lang sa bag ko ang magazine ni Greyson Chance. Hayyyy ang gwapo niya talaga. Napakacharming.

Naputol ang pagdedaydream ko nang may isang istorbo na tumawag sakin.

"Oy." kahit di ko na tignan kung sino yan alam ko na sa nakakairitang boses na yan. Pinili ko na lang na hindi siya pansinin.

"Oy Gayson." saka ako tuluyan humarap sa lecheng nasa harapan ko.

"Ano na naman?!" pasigaw kong sagot. Tumambad sakin ang isang matangkad at maputing lalaki.

Nakakangawit sa leeg tignan tong lecheng to. Sobrang tangkad kasi eh. Parang giraffe.

"Oh? Hirap ka yatang tignan ako? Patangkad ka na kasi eh hahaha." umupo siya sa harapan ng desk ko.

"Leche! Pag ako talaga tumangkad hu u ka sakin!"

"Pag lang! Hahahahah!"

"Arrrggg!!" pinili ko na lang na hindi ulit pansinin ang lecheng nasa harapan ko.

"Gayson na naman tsk." kinuha niya sakin ang magazine ko saka kumuha ng ballpen sa bag ko nang walang paalam. Lalagyan niya nanaman ng doodle mukha Greyson. Nyeta.

Hindi ko talaga malaman kung bakit galit na galit tong best friend ko. Oo best friend ko yang bwisit na yan. Mahal ko rin. Pero mas mahal ko si Greyson. Hahaha! XD

Ayun nga, di ko maintindihan kung bakit galit na galit siya kay Greyson ko. Naisipan kong tanungin siya.

"Why do you hate Greyson so much?"

"Because you love him and he's a little bit gay." sabi niyang hindi tumitingin sakin.

Ano naman sa kanya kung mahal ko si Greyson? Pero nainis ako sa sinabi niya. Si Greyson bakla?

"You're gay. He's not gay."

Pagdidiin ko sa salitang "you're".

Bigla siyang tumigil sa pagdoodle at sa gulat ko. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin. Napaigtag ako sa gulat.

"Ako ang nasa tabi mo hindi si Greyson." nababasa ko sa mga mata niya ang pagkaseryoso niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nararamdaman ko kasing nagbablush ako pusang gala naman.

"Even so that's not enough reason for you to hate Greyson."

Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

Lumayo na siya sakin saka nagsalita, "Eh ikaw? Why do you love him so much?"

"Tinatanong pa ba yan? Because he's handsome. He's talented. And he's perfect! Every girl would dream to be with him." masayang kong sabi.

"Ano naman? I may not be as handsome as he is nor as talented like him or as perfect as him but I'm the one who's here for you!"

--The End--

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Characters here are true and what Audrey told to Johnina are also true :''3

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon