Chapter Three

3.8K 219 47
                                    

Note:

Wala gusto ko lang ng Author's note mwahaha. Pag hindi ko to natapos ngayon, eh di bukas naman hahaha.

-Jihwanxxi

--

Napapitlag ako nang tumunog ang doorbell ko. Lumabas ako at nakita ang gwapong pagmumukha ng asawa ko--este future husband pala.


"Hoy babae ano na?" Naiinip na wika nya. Nakita kong natulala sya sakin ng mga 2 seconds. Sabi na nga ba't patay na patay din sakin to. Bighaning-bighani na naman sa  ganda ko si Dodong.


"Yan na ba ang bago mong endearment sakin Dong? Oh Wag kang matulala baka matunnaw ako. Sige ka, di mo na ako makikita pag natunaw ako. Bibigyan na lang kita ng picture." Hindi nya ako sinagot at tinalikuran lang ako.


Snobbers ka talaga Dodong.


"Tara na Dong!" Sabi ko sakanya sabay hila sa braso nya. Hindi ako excited sa date namin. Hindi talaga. Sige na nga, slight lang hehe.


Nakita ko ang kotse nya sa di kalayuan. Inunahan ko na sya papunta dun at sumakay sa likod. Baka kasi sabihin nyang bawal ako dun sa unahan. Alam nyo na, masakit sa hearteu mareject kaya uunahan ko na sya.


Prente na akong nakaupo sa backseat nang marinig kong kumatok si Dodong sinta sa salamin.


"Yes?" Nakangiti kong tanong with matching killer smile. Sinamahan ko pa yan ng aegyo at baka sakaling mapagtanto nyang bagay talaga kami.


"Baba" Simpleng sagot nya. Ni hindi man lang ako nginitian! Na-snob ang beautyness ko. Sayang ang paglagay ko ng sangkatutak na BB at CC Cream kung di rin naman nya mapapansin! At ano daw? Baba? Maglalakad lang kami?!


"Bakit Dong?" Tanong ko sakanya ng nagtataka. Hindi pangkalsada ang ganda ko ano.


"Dun ka sa unahan. Di mo ako driver" Masungit nyang saad at naglakad papuntang driver's seat. Ngiting-ngiti naman akong bumaba at lumipat sa unahan.


"Ikaw talaga Dong. Kung gusto mo kong makatabi sa byahe sabihin mo lang. Pagbibigyan naman kita eh."


"Shut up"


Tumahimik naman ako dahil baka itapon nya na ako palabas ng bintana. Pero syempre isang minuto lang ang pananahimik ko. Nagugutom na kasi ako.


"Dodong sinta aking irog, di ba tayo kakain muna?"


"Busog pa ako"


"Ikaw yun! Gutom na ako"  Niyugyog ko ang braso nya pero mahina lang. Ayoko pang mafinal destination. Magpapakasal pa kami ni Dodong. "Sige na please!"


Hindi sya sumagot pero niliko nya ang sasakyan sa drive through ng isang fastfood chain. Binuksan nya ang bintana at dumukwang sya para umorder. Hinayaan ko na lang sya dahil sya naman ang magbabayad at saka di ko naiintindihan ang mga pinagsasasabi nya. Kumunot ang noo ko nang hindi umimik ang babae. Tiningnan ko sya ng masama ng makitang nakatulala sya sa Dodong ko na nananahimik lang. Hindi nya ako pinansin kaya naningkit ang mga mata ko. Inabot ko ang busina at pinagpipindot iyon na parang batang first time makakita ng pindutan.


"What the heck?!" Napaigtad sa gulat si Dodong ko. Nginisihan ko ang babaeng nakatuon na ang pansin sakin ngayon.


"Pwede mo na bang asikasuhin yung order namin?" Kumurap muna sya ng ilang beses bago kumilos. Sinabi ulit ni Dyo yung order nya kanina.


"Ikaw sinta? May idadagdag ka pa? O ako na lang?" Tanong ko nang mapansing pang isang tao lang yung inorder nya.


"Anong ikaw nalang?! Aanhin kita?!" Tumawa ako ng malakas.


"Ang sabi ko, ako na lang ang dadagdag ng order mo. Ikaw naman sinta, masyado kang nagpapahalatang may HD ka sakin eh"


"Pwede ba?"


"Sinta--"


"Maria Jessa, hindi tayo magkaibigan kaya wag mo kong kausapin. Di tayo close"


"Eh di wow" Tiningnan nya lang ulit ako ng masama pero di na sya umimik pa. Minsan naiisip ko, pano kaya kung di ako pumunta sa Korea? Pano kaya kung di ko kinulit ang mga magulang ko? Pano kaya kung di ako nag-effort na makita sya at makalapit sakanya? Sa tingin ko, habang-buhay na lang akong magiging fangirl na tumitingin sakanya sa malayo. Yung hanggang screen ng laptop o ng cellphone  lang.


Malakas ang paniniwala ko noon na makikilala nya ako. That he'll finally recognize me. Sa tamang panahon. Kaya naghintay ako.


At ngayong dumating na ang araw na yun, hindi ko na sya pwedeng bitiwan. Lalo na't kilala na nya ako.


Chos drama. Gutom lang to.



Chasing KyungsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon