Chapter Two

3.9K 267 122
                                    

Note:


Matapos ko kaya to ngayon? Hahaha.

-Jihwanxxi

--

"Congratulations! You won this year's raffle for a date with an EXO Member." Namilog ang mga mata ko at napasigaw sa tuwa nang makita ang laman ng envelope na nasa labas ng pinto ko.

Sinasabi ko na nga ba, hindi sayang yung pagpakyaw ko ng mga produkto sa Nature Republic. Tingnan mo nga naman, nabiyayaan pa akong makipagdate sa isa sa kanila. Pero si Dodong myloves ang pipiliin ko syempre. Mahal ko silang lahat pero si Dodong ang pinakamahal ko sa kanila.

--

Napangiti ako ng makita si Dyo na naglalakad palabas ng dorm nila.Tamang-tama talaga ang timing ko. Mukhang papunta pa lang sya sa SMent.

"Dodong sinta!" Masayang tawag ko sakanya at as usual, tiningnan na naman nya ako ng masama.

"Ba't mag-isa ka lang?" Tanong ko sakanya habang sumusunod sa likod nya. Nang maabutan ko sya ay agad ko syang inakbayan. Mabuti na lang at hindi sya kasing tangkad ni Sehun kaya kaya ko pa syang abutin.


Tiningnan nya ang braso ko at mabilis na inalis sa balikat nya.


"Ano na namang ginagawa mo dito Maria Jessa?" Iritable nyang tanong. Kinikilig talaga ako kapag tinatawag nya ang buong pangalan ko. Parang endearment eh hahaha.


"Namimiss ko na kasi yung boyfriend ko" Kunwaring malungkot na sabi ko at tiningnan ang dorm nila. Kunot-noong tiningnan nya rin ito na parang naghihintay na may lumabas. Uto-uto din talaga to. Di man lang magets na sya ang sinasabi ko.


"May boyfriend ka?" Di makapaniwalang sabi nya. May emosyong dumaan sa mata nya. Disappointment? Ewan. "May pumatol sayo?" Joke lang pala.


"Syempre naman Dong. Nandito nga yun eh. Miss na miss ko na talaga sya. Gusto ko syang yakapin at halik-halikan"


"Kung namimiss mo pala sya eh bakit nandito ka?" Inis nyang tanong. May nakita akong kung anong emosyon sa mga mata nya pero baka imahinasyon ko lang iyon. Nag-iwas ako ng tingin at nilapitan ang poster nyang nakadikit sa labas ng isang shop. Sikat na sikat na talaga sila.


"Dodong sinta, ito nga pala ang boyfriend ko" Sabi ko sabay halik dun sa poster nya. Mabuti na lang at walang nakakita sakin. Sinulyapan ko si Dodong at nakita kong nagpipigil sya ng ngiti.


"Uy kinikilig!" Pang-aasar ko sakanya. Sinimangutan nya ako.


"Hindi ka naman papatulan nyang poster ko"


"Eh di yung nasa poster na lang" Tinaasan nya ako ng kilay at tinalikuran.


"Di ako interesado" Ouch.


"Ako Dong oo. Sapat na yun, ako kaya ang future wife mo. Sige ka hindi ikaw ang pipiliin kong makadate mamaya" Marahas syang napalingon sakin dahil sa sinabi ko. Ganyan nga Dodong, pansinin mo ako mehehe.


"Anong sabi mo?"


"Sabi ko ako ang future wife mo" Kumunot ang noo nya.


"Hindi yan. Yung isa"


"Ahh. Yung hindi ikaw ang pipiliin kong makadate?" Nakangising sabi ko sabay wagayway sa harap nya ng raffle ticket na napanalunan ko sa nature republic.


"At sino naman ang pipiliin mong makadate aber?"


"Si Baekhyun, o kaya si Kai, si Suho, si Sehun--" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla akong kinabahan. Sobrang sama na kasi ng pagtitig nya sakin na parang may ginawa akong masama sakanya.


"Hehehehe joke lang Dong. Wag kang mag-alala ikaw ang pipiliin ko" Sabi ko sakanya sabay peace sign. Umingos lang sya.


"Dapat lang" Natulala ako. ANO DAW?!


Chasing KyungsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon