Pagkarating namin sa lotte world ay sumakay kami agad sa iba't-ibang rides. Sa sobrang pag-eenjoy namin este ako lang pala dahil kanina pa nakasimangot yung kasama ko ay di namin namalayan ang oras. Sinipat ko ang relo ko at nakitang alas sais na ng gabi. Alas dos kami umalis kanina ni Dodong kaya higit kumulang apat na oras na kaming magkasama.
Napangiti ako. Apat na oras na syang nagtyatiyaga sakin nang hindi ako tinatakasan o tinutulak palayo. Ayiee. Achievement na ituu.
"Anong nginingiti mo dyan? Nababaliw ka na naman ano?"
"Baliw na baliw sayo"
"Psh. Kumain na nga lang tayo. Gutom na ako." Sumunod ako sakanya papasok sa isang restaurant. Umupo kami sa dulo para iwas gulo. Linapitan na din kami ng waiter kaya sinabi na namin ang gusto naming kainin.
Habang naghihintay kami ng pagkain ay naalala kong may ibibigay nga pala ako sakanya. Kinuha ko ang isang folder sa aking bag at inilatag sa harap nya.
"Ano to?" Hindi ko sya sinagot at binigyan lang sya ng isang malapad na ngiti. Nagtatakang binuksan nya naman iyon.
"Cedula? Police clearance? Diploma? NSO Birth Certificate? Aanhin ko naman ang labingdalawang kopya nito?!"
"Mag-aaply sana akong maging asawa mo."
"WHAT?!" Sa sobrang lakas ng boses nya ay napatingin samin yung ibang tao dito. Mabuti na lang at nasa medyo dulong part kami at nakatalikod sya sa kanila kaya walang makakakilala sakanya. Tsk. Dodong talaga. Gusto pa atang ibroadcast sa mga fans nya yung kasal naming dalawa.
"Hehehehe. Wag ka maingay Dong. Gusto ko private lang yung kasal natin. Yung walang sasaeng"
"Maria Jessa di ako nakikipagbiruan sayo"
"Di rin naman ako nagbibiro ahh." Hindi na nya ako pinansin nung dumating ang waiter dala ang pagkain namin.
"Dodong sinta?"
"Ano na naman?" Yeeeess! Sa wakas tanggap nya na rin na sya lang talaga at wala ng iba ang aking sinisinta.
"Tanggap na ba ako?" Kumunot ang noo nya na parang di nya gets yung sinabi ko pero nang mapagtanto nya kung ano ang tinutukoy ko ay inismiran lang nya ako.
"Hindi ako magpapakasal sayo"
"Kakainin mo yang sinabi mo Dong. Sige ka pag narealize mong mahal mo talaga ako wala na ako dito." Bigla syang nasamid sa sinabi ko kaya inabot ko sakanya yung mango juice. Naaaliw na pinagmasdan ko sya habang tinutungga ang laman niyon.
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?"
"Ayieeee. Takot syang mawala ako. Pero sinta, kailan ba tayo magpapakasal?"
"Drop it Maria Jessa"
Dati kinukulit ko lang sya na pansinin ako. Tapos kalaunan kinukulit ko sya na mainlove sakin pero ngayon, kinukulit ko na syang pakasalan ako.
Haayy DO, ano ba talagang ginawa mo sakin? Sumandal ako sa upuan at inalala ang unang beses na nakita ko sya.
Parang may magic nun na bumalot sakin. Pagkakita ko kasi sakanya, parang may liwanag sa likod nya--na flashlight lang pala nung guard kasi gabi na.
Pero ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko. Pano kasi, hinahabol nila ako hehehe. Pasimpleng tiningnan ko ang sinta ko na busy pa rin sa pagkain nya. Napansin din nya yata ang titig ko sakanya kaya tinapunan nya ako ng tingin.
"Hindi mo ba gagalawin yang pagkain mo? Gawa yan ng pinakamagaling na chef dito" May naisip na naman akong kalokohan kaya ngumisi ako.
"Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko? Gawa ka rin naman ng nanay at tatay mo" Bigla syang nabilaukan at halos gumulong naman ako sa kakatawa.
DYOsangJessa-1
DO-0
Fighting? Fighting!
BINABASA MO ANG
Chasing Kyungsoo
FanfictionMy mom told me to follow my dreams, And so I did. LITERALLY.