"Hello? May tao ba dito?"
Nakakatakot naman tong lugar na to. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at sumunod ako sa loka loka kong bestfriend ! Tss
"Hell-- AAAAH!"
"Miss! Wag kang sumigaw itataboy mo ang mabuting kapangyarihan na sumasakop sa yungib ko."
"S-s-sino ka?!"
"Ako ang hindi mo inaaasan pero iyong inaasam."
"Di ko po gets, mahina ako sa mga ganyan ehh!" Nakakatakot yung matanda huhu T__T isa nalang yung ngipin nya nasa gitna pa kaasar naman oh tapos naka all black pa. Witch ang peg!
"May kailangan ka hindi ba?"
"Ah opo ahhhhm para po sa i--"
"Iniibig mo?"
"Opo kaso po wal--"
"Wala siyang gusto sayo?"
"Sige po alam nyo na po pala eh kayo nalang."
"Ano kamo?"
"Ah eh kung matutulungan nyo po ba ako?"
"Ano ko sa tingin mo?"
"... *pabulong* witch!"
"Syempre matutulungan kita. Sino ba ang sinasabi mong lalaking iyon?"
"Ah si Anthony Perez po"
"Malay ko kung sino siya, litrato meron ka ba hija?"
"Opo, sa cellphone" po okay lang?"
"Anong akala mo sa kapangyarihan ko ?! Hi-tech din? Kaylangan ko ay ang litrato mismo."
"Eh baka po malukot ha? Nag iisa lang yan."
"Wag ka mag-alala hija susunugin ko lang naman."
"Ah yun lang naman pala eto na po ... t-t-teka! SUSUNUGIN?! BAWAL! Amina po ule!"
"Huli na."
"Oh hindeee!"
"Wala ka sa teleserye hija tumahimik ka."
Pambihira naman tong matandang to ang creepy na tapos ganito pa huhu yung picture!!!
Di bale pag ito hindi gumana ewan ko nalang. Hala yung matanda! Kung ano ano sinasabi nya witch nga ituuu mga friend! Kulang nalang walis ! Parang ayoko na I quit! Back out na ko di bale na.
"Tapos na magandang binibini."
"Agad? Wow ang bilis ah. Effective ba to? Magkano po ang babayaran ko?"
"Oo naman, anong akala mo sakin. Bayad ba kamo? Simple lang... Ang buhay mo."
"ANO?! Wag pooo !"
"Biro lang hija sige limang daan para diyan."
"Five hundred!!!!! Buhay ko nalang po kaya?"
"Ayokong makulong bruhilda ka!"
"Tss manang pag ito hindi umepekto lagot kayo sakin."
"Osiya osiya bayad na. Basta tandaan mo ipapainom mo yan sakanya bago ang susunod na kabilugan ng buwan kung hindi mawawalan yan ng epekto."
"Kaylangan nya ba ubusin to?"
"Hindi naman, dahil isang patak lang na madikit sa kanyang mga labi ay paniguradong mababaliw siya sayo"
Nakakapang hinayang ibigay yung pera. Ano kayang mapapala ko sa isang boteng kulay red ang laman nako sa pagkakaalam ko apat araw nalang bago mag full moon eh. Hmmmmmp!!!
BINABASA MO ANG
Just one drink (One Shot)
Storie d'amoreIsang inom lang naman ang kaylangan mong gawin eh. Sige na oh para akin ka na, dalawang taon na kong may gusto sayo eto nalang ang pagkakataon ko. Teka! Nababaliw na ata ako pati sa gayuma umaasa ako baka naman magaya ko kay Abra nito oh! Pero iba t...