Hindi Kita Gusto Kasi... (ONESHOT)

4.8K 240 41
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

Hindi Kita Gusto Kasi | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

•••

"James, g-gusto kita." naka-yuko kong sabi sayo. Kahit na paulit-ulit kong sabihin 'yan sayo hindi ako mag-sasawa, hindi ako titigil hanggang sa marinig ko rin na sabihin mong gusto mo rin ako kaso...

"Hindi kita gusto kasi..."

 

"James! Pinapatawag tayo ni Ma'am Cortez!"

Bigla kong inangat ang ulo ko, nakita ko na lang na tumatakbo ka na palayo sa akin. Sa tuwing inaamin ko sayo ang nararamdaman ko lagi na lang hindi na tutuloy ang sasabihin mo, kaya hindi ko alam kung bakit ba kasi hindi mo ako gusto. Nakaka-asar na eh, lagi na lang may hadlang pag mag sasalita ka, lagi na lang hindi na tutuloy. Nasasaktan ako, idagdag pa ang inis na nararamdaman ko.

"Reece, tama na."

 

Kahit paulit-ulit sabihin sa akin ng bestfriend ko 'yan, paulit-ulit pa rin ako umaamin sayo, paulit-ulit lang din hindi na tutuloy ang sasabihin mo. Hindi naman ako naniniwala sa tadhana pero ng dahil sayo naniniwala na ako.

Pinag-lalaruan kasi yata tayo ng tadhana.

2nd year high school tayo noon naging unang mag-kaklase tayo, sa una'y hindi kita lagi na papansin, hindi ko nga nararamdaman 'yung presensya mo pero 'nung unang beses mo akong kinausap at tinanong mo kung anong assignment natin. Hindi ko alam pero kapag tinitigan pala ang mga mata mo parang nagiging kulay brown 'yon, natagalan ang pag-sagot ko sayo kaya na tawa ka. Ang mga ngipin mo pala pantay-pantay, walang sira, maayos at malinis. Natawa na lang din ako nakaka-hawa kasi ang pag-tawa mo. Doon nag-simula ang lahat, lagi kang nag-tatanong kung anong assignment natin, at ako naman laging isinusulat ang mga assignment tapos ipapakita ko sayo. Alam mo bang hindi ako nag-susulat ng assignment? Pero ng dahil sayo nag-susulat na ako, para kapag nag-tanong ka handa ako sa isasagot ko.

Lumipas ang mga buwan, 3rd year high school na tayo akala ko hindi tayo mag-kaklase pero laking tuwa ko ng makita kita sa list ng classroom natin, alam mo bang kahit 1st day ng klase excited akong magkaroon ng assignment, para naman mag-tanong ka at kausapin mo ulit ako.

Hindi ko alam na araw-araw na pala kitang na iisip, bigla ko na lang napagtanto na naka-titig na pala ako sayo habang nag-susulat ka. Alam mo bang nakaka-adik kang tignan? 'Yung mga mata mo, nakaka-adik titigan, 'yung bawat pag-ngiti mo nakaka-adik pag-masdan. Hindi ko alam pero na aadik na pala ako sayo.

Siguro nga adik na ako.

Lumipas na naman ang buwan, ang bilis ng bawat araw. 4th year na tayo last year ng highschool life natin nakaka-lungkot kasi ilang buwan na lang tayong magkaka-sama tapos hindi pa tayo magka-klase, nakaka-inis alam mo ba 'yun? Kasi ilang buwan na lang hindi ko pa na aamin sayo na gusto kita.

Pero dumating 'yung araw na bigla na lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para umamin sayo. Naalala ko reunion noon ng III-Empathy, hindi ka dumating sa tamang oras, umaasa ako na darating ka, umaasa akong makaka-punta ka para naman kahit sandali maka-sama at maka-usap kita.

Hindi Kita Gusto Kasi... (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon