"tapusin mo na" ani ng isang madilim at nakakatindig balahibong boses ng lalaki.
"Huwag! maawa ka!!" huni ng taong may nagmamakaawang mata na puno ng takot ang nakatingin sa kanila.
"H-Huwag mo akong patay-- *SLASH*-- AHHH!!"
*CHINNGGG*
Tunog yun ng isang matalim na bagay na kumitil sa isa nanamang buhay sa pagsilip ng gabi.
"hmm. pwede na" tatango tangong sabi ng boses.
"magaling bata, tapos na ang iyong pagsasanay, pwede ka ng umuwi" pagkasabi ng lalaking yun ay nawala na siya kasabay ng pagkapal ng hamog.
Naiwan ang isang batang babae na nanatiling nakatayo sa harapan ng walang buhay na nilalang. Blangko ang makislap at nakakahalina mga mata nito at walang emosyong nakatitig sa hawak niyang punyal na may bahid pa ng pulang-pula at sariwang dugo.
Umupo ito at lumapit sa nakahigang bangkay, unti-unti niyang inabot ang buhok nito at hinaplos ng marahan.
Di nagtagal, tumayo na siya at nagsimulang humakbang paalis pero sa huling sulyap, habang nagpupunas ng tumalsik nga dugo sa mukha, ang batang babae ay lumingon muli.
Hanggang sa naglaho na ito kasama ang hamog.
---------------------------------
Katatapos lang kahapon ang araw ng pagpili para sa posisyong sikretong bantay para sa isang mayamang matanda at ngayon naman ang araw ng pagpili para sa posisyong personal na bantay ng isa nanamang misteryong nilalang.
Si 'Thea Isabel', ang unika ija at tagapagmana ng tanyag na pamilyang 'Culbret'.
Sa panahong laganap ang kasamaan sa paligid, laganap din ang ideya na mahalagang siguraduhin ang kaligtasan ng buhay na may malaking papel sa mundo.
Kung kaya't nagkaroon ng mga nilalang na sinanay sa pakikipaglaban at pagprotekta para sa kanila.
Pagkatapos ng madugong pagsasanay at pagsusulit, iilan na lamang ang natirang pagpipilian. . .
at isa na ako dun.
Ako si Franzel, just Franzel, and don't ask me about a last name because I myself is not sure if i have one. I'm not a robot nor an alien though i can't say that i'm human too. I have an identity, it's just that. . .
I, along with my blood relatives are different from your world that we are about to enter. A world where there could be fun, thrill, unexpected danger, anything new aside from how we used to live in our world.
A world of knives, swords, daggers, guns, blades, poisons, every offensive weapons which always ends up to taking lives. . . needed or not.
"Ang hinahanap ay babae, maupo ang mga hindi napili" says a formally dressed old man standing infront of us at kanina pa binubulungan ng katabi niyang may hawak na telepono. Tatlo kaming babae at kasalukuyan silang nagpapakilala. . . until it's my turn.
"Franzel, 19, combat skills, rank seventh" yun lang ang mga kailangan kong sabihin dahil yun din lang ang kelangan nilang marinig.
Seventh, huh, natatawa ako sa sarili ko 'cause that's the lowest rank and as a being who belong to a known high rankers blood, I am. . . a failure.
Isang kahihiyan sa dugong kinabibilangan ko, Yellow/ must term 'Golden Bloods'.
ayoko lang talagang gawin ang iba sa pinapagawa nila, sa huling pagsusulit, hindi ko nagawang kitilin ang buhay ng isang inosenteng bata.. yun ang dahilan kaya ako naging hul, pero di yun alam ng karamihan, tanging ang tagapamahala na tinututukan ang bawat galaw namin.
Para kasi sa kanila, upang maging matapang, kelangang wala kang konsensya which is not so right on my part..someone taught me that. i just don't remember who.
Matagal nag-usap ang mga tagapili. Mas maganda sana kung talagang yung bibili ang nandito para personal na pumili pero may patakaran sa auction, walang sinuman ang makakakita sa master kundi ang nabili lang.
Malay ko kung bakit pero i think that's an ugly rule, hindi kami ganun kadesperado para habulin sila at patayin kung sakaling hindi namin nagustuhan ang desisyon nila.
PRIDE of course.
I cut my thought when the old man with the phone pointed his index finger at me.
"rank 7th" umabante ako ng isang hakbang at tiningnan sya sa mata kung saan may repleksyon ang bughaw na dugo nitong dumadaloy sa katawan niya.
"taken" kasabay nun ang bulungan sa paligid na sana hindi dapat nila pinaparinig dahil baka puntahan ko sila mamayang gabi at lunurin sa sarili nilang dugo.
Mataas ang tingin at tinitingala ang mga dugong dilaw, pero isa akong dugong dilaw at kabaliktaran nun ang tingin sa akin. Mahina ako, nagpapanggap maging golden blood, walang alam, walang kwenta. . .
yun ang akala nila. Wala lang kasi sa katangian ko ang magpakitang tao.
At kung ano man ang katauhan ko, alam yun ng mga karamihan sa kadugo ko kaya hindi sila nag-aabalang pakialaman ang gusto ko.
Ni minsan kasi, walang nagpumilit kumontra sa gusto ko, isang salita at suko na sila, matigas lang ata ang ulo ko kaya ramdam nilang wala silang magagawa.
Hindi ako halimaw, and i will never be one, ayokong madungisan ang kamay ko dahil lang sa pride.
"sa inyo ang karapatan" pagkasabi ko nun ay yumuko ako ng konti at naglakad paalis. Naiwan dun ang mga waring hindi makapaniwalang imbes na sila ay ako pang siyang huli ang napili.
Isa na dun ang co-blood friend ko at ang rank 1 ng batch para sa posisyon, si Samuel na ngingisi-ngisi sa kinatatayuan nya.
Hmmm...tanga lang ba yung bumili? di ko maiwasang magtaka, debale, walang batas na nagsasabing hindi ko siya pwedeng tanungin sa mga bagay bagay.
Sa ngayon, I'm going to pack my things and leave out of hell.
I'm smiling right now for a reason, I'm not that happy but at least, nagkaroon ng silbi ang pagsasanay at paghihirap ko, akala ko dito sa lugar na to ako tatanda at mamamatay.
BINABASA MO ANG
Blood Plus(on hold)
Action1. Integrity for the task. 2. Loyalty to the master. 3. Strength to kill and protect. 4. No emotional attachment involve. .... Just some of the hundred rules and instructions to consider for the rest of her existence after being sold as a personal...