Pumasok si Franzel sa malawak na silid kung saan siya pinatawag ng tagapamahala, mula malalawak na espasyo hanggang sa kadulu-duluhang parte ng bawat sulok ay may nakapwestong libro na sari-sari.
Habang nililibot ng tingin nya sa paligid ay dahan dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng lamesa at upuan na sinadya para sa dalawang tao na pribadong mag-uusap.
Duon ay isa nanamang matandang lalaki na may maputi't mahabang balbas ang tutok sa pagsawsaw ng kakaibang dutdut ng ibon sa itim na ink at tsaka nya ito isusulat sa may kalumaang papel.
Tumikhim sya pero parang walang balak mamansin ang matanda kaya minabuti nyang lapitan ito at kulbitin.
Sa wakas ay nag-angat ang matanda ng tingin at binaba ang salamin niya sa mata, ng makilalang siya ang pinatawag nito ay walang sali-salitang itinabi niya ang lahat ng gamit na nakakalat sa lamesa hanggang sa mawalan ito ng laman.
"Franzel?" tanong ng matanda at itinuro ang kaharap niyang upuan. Hudyat na pinapaupo niya si Franzel. Sumunod naman ang dalaga at matiim na tinitigan ang matanda na nakatitg din sa kanya.
"kumusta naman ang araw mo?" dagdag pa nito ng may bahagyang liwanag sa kulubot nitong balat dahil sa pagngiti nito.
"maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang paligid" walang emosyong sagot ni Franzel sa matandang kalauna'y nakatungo nanaman.
Sinundan niya ng tingin ito at nakita ang hawak niyang amoy sunog at lumang makapal na libro sa mesa.
Kung papano napunta dun ang libro ay hindi nya alam.
Minsan talaga, nahihiwagaan siya kung anong klaseng nilalang ang mga matatanda't gayon na lamang sila umakto.
"Handa ka na ba?" tumango lang sil Franzel bilang tugon.
Sinimulan na ng matanda ang pagbuklat sa pinakaunang pahina ng libro tsaka nya ito binitawan.
walang dumaan na malakas na hangin sa silid pero parang may humipan sa mga sumunod na pahina't kusa at mabilis itong gumalaw tsaka nahinto sa pinakagitnang bahagi ng libro.
walang laman pero parang nababalot yun ng malakas na pwersa.
"Pahiran mo ng iyong dugo ang kaliwang bahagi" utos ng matanda
Walang reklamong kinagat ni Franzel ang kanyang hinlalaki at gumuhit ng diretsong linya.
Doon ay nakita niya ang unti-unting paglitaw ng mga letra.
'Mahika'
sa panahon ngayon, iilan lang ang naniniwalang may mahika at may mga taong may kakayahang makagawa ng mga ito.
-------
Sinimulan na nilang pag-usapan ang pinakamahabang kasunduan sa kasaysayan na naglalaman ng mga dapat at hindi dapat mula sa simula hanggang sa pagtatapos.
"makukuha mo ang mga benepisyong higit pa sa kinakailangan mo bilang bantay at tagasunod sa iyong amo, kapalit nun ang serbisyo at rason kung bakit ka nila binili" nanatiling nakikinig si Franzel.
"at ang panghuli at isa sa pinakamahalaga, kung kelan matatapos ang kontrata, alam mo na ba kung ano?" tanong ng matanda habang nakapatong ang baba nito sa pinaghugpong niyang mga daliri.
Matamang nakatingin siya sa dalaga at naghintay ng sagot.
"the contract will be burned and put to an end if and only if either the master or the passive dies"
Tumango ang matanda bilag tugon.
"and once the passive attempts to leave the master, the passive would go under process and through reasoning, and if ever there is lack of validity, the committee will sentense the passive to death even without the consent of the passive's master"
pagkabanggit niya dun, wala naman siyang narandamang kakaiba..
ni hindi sya natakot na kamatayan lamang ang paraan para maputol niya ang tali kung gusto niyang maging malaya kung sakali.
Yun ay dahil wala sa isip niya ang tangkang pagtakas, ang tanging nasa isip niya lang ay ang makaalis sa lugar na kinaroroonan niya ngayon at kung ano man ang mangyayari kinabukasan ay wala pa rin siyang dahilan para labagin ang batas,
because neither side, manatili sa tabi ng amo o tatakas, mamamatay pa din siya,
and it takes a wise man to delay death.
Naputol nanaman ang pag-iisip nya ng tumikhim ang matanda.
"naiintindihan ko ang sitwasyon mo dahil bago ka pero. . .hindi mo dapat pinapakita sa mga hubad na mata ang inatas na marka sayo ng panday" pagkasabi nya nun ay tinuro ang nakasilip na bahagi ng marka nya.
Sinundan naman ng dalaga ang tingin ng matanda at inayos muna ang jacket na sanhi upang makita ang kabuuan nito ng saglit bago nya ini-zipper ang jacket nya.
binalik nya ang tingin sa matanda upang matagpuan na para itong namumutla, nanlalaki ang mga mata nito at hindi tinatanggal ang titig sa bahaging iyon kung saan ang marka ni Franzel.
"Na-napakaimposible, ang bata mo pa upang matatakan ng ganyan katanyag at kadelikadong marka!" katulad ng panday na nakaharap niya, gulat din ang tagapamahala at waring hindi makapaniwala.
"h-ho? alam nyo po ba kung ano ito? bakit mukha kayong nagulat" hindi tuloy niya naiwasan ang magtanong, bigla namang nabura ang ekspresyong pinakita ng matanda at nag-iwas ng tingin.
"ah, h-hindi naman. May mga naririnig lang ako tungkol dyan pe-pero. . . *sigh* kelangan mo talagang sundin ang utos ko sayo, para din yun sa kaligtasan mo, hmm. gusto mo bang kumain muna bago ka umalis?" sambit ng matanda.
"naririnig? tulad ng ano? ano ba talaga tong marakang to?" hindi sya maiisahan ng matanda na parang winawala sya sa usapan..
ngayon na dalawa na ang magkatugma ang reaksyon dahil sa nakita nila, lalong lumakas ang curiosidad nya tungkol dun.
"w-wala naman. Hindi ako ang dapat sumagot nyan dahil tulad mo, wala din akong alam. Ang amo mo, sya dapat" sasagutin ulit sana siya ng dalaga nung bigla syang tumayo at naglakad papunta sa isang stante ng mga libro.
Napabuga na lang ulit ng hangin si Franzel dahil katulad ng nauna, mukhang madaming alam pero tinatanggi.
Wala naman siyang magagawa kundi ipunin ang mga katanungan sa utak niya at sa amo nya na lang talaga ito itatanong. . . kung sasagutin din sya nito.
"sige na bata, pwede ka ng umalis at baka mahuli ka sa lakad mo. mag-iingat ka" binigyan na sya ng permiso kaya di na sya nagdalawang isip na umalis.
habang naglalakad sya palayo sa silid, natanong niya sa sarili nya, 'ano bang alam nila at bakit hindi na lang nila sabihin sa akin? batas nanaman ba?'
tumigil sya at inangat ang jacket nyang tumatakip sa namarkahang balat niya.
"kung sino man yung amo ko, at kung ano ka mang marka ka, siguraduhin mo lang na magkakainteresado ako dahil kung hindi, ikakahiya kita" parang baliw nitong kinausap ang sarili habang tinitigan ang. . .
saglit na kumislap na marka?
'huwag mong sabihing may sariling isip ang markang to?'
nangunot ang noo nya at hinaplos ang markang iyon, parang natural lang na nahalo sa balat niya iyon at hindi niya maramdaman ang sugat na likha nito.
kapag pala matagal mong tinitigan ang markang iyon, nakakaakit at nakakamangha ang kaibahan nito sa karamihang marka.
Ngunit narandaman niya din na parang may likha itong hindi maintindihan na pwersa at mensahe para sa kanya. Napakamisteryoso at dapat niya iyong malaman dahil siya mismo ang may ari nito.
[A/N: ano kaya yun no? hehe, di ako makahanap ng kakaibang tattoo art, tsk! ngayon pa lang, magsasawa na kayo sa salitang 'marka' at 'tatak'. Yung may gustong sakyan to, hulaan nyo nga kung anong katauhan ni Thea Isabel Culbret? haha..ifofollow kita ;) , promise.]
![](https://img.wattpad.com/cover/50500990-288-k150358.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood Plus(on hold)
Action1. Integrity for the task. 2. Loyalty to the master. 3. Strength to kill and protect. 4. No emotional attachment involve. .... Just some of the hundred rules and instructions to consider for the rest of her existence after being sold as a personal...