~3rd Person
"masyado kang matapang para maging isang babae" wika ng matandang nakahawak ng nagbabagang metal na may ukit na simbolo.
Katatapos lang nitong idikit ang bagay na iyon sa ibabang tagiliran ni franzel at ng makitang walang itong reaksyon at mukhang 'di nasaktan ay namangha siya dito.
"Mukhang hindi mo na kailangan ng--"
"porke't hindi ako nagsisisigaw at nagwawala ay hindi na ako nasaktan, akin na ho." magalang na pambibitin ng dalaga sa akmang sasabihin niya bago kunin ang yelong inabot ng natatawang matanda.
saglit na natahimik ang buong silid bago ulit may magsalita.
"sa higit singkwentang taon na pagtratrabaho ko bilang panday at tagamarka, ikaw na ata ang pinakakaiba at pinakamahal, alam mo ba kung bakit?" makahulugang ngiting tumingin siya sa dalaga na marahang umiiling at tinititigan lang siya ng walang emosyon.
"Ang simbolong pinangtatak sa iyo ay para sa mga bantay ng kalangitan at wala pang kasing bata mo ang namarkahan niyan. Hindi ko alam kung anong klase ang amo mo at kung anong nakita nila sayo pero nakakasiguro akong natatangi ang kakayahan mo"
Napaangat ang kilay ni Franzel sa mga sinasabi ng matanda, sapagkat ang 'bantay ay bantay, at ang mga kahulugang katulad ng bantay ng kalangitan o kung ano pa yan ay nabubuhay lamang bilang metolohiya' yan ang pinaniniwalaan niya at hindi na mababago yun kahit may kutob siya na may alam tungkol sa kanya ang bumili.
Ngunit sa mga balitang kalye, kaya pala siya nabili ay dahil labing dalawa lamang ang gulang ng nakapili sa kanya at malamang ay walang alam iyon o kaya pala ay binili siya ng mismong magulang ng bata para may kalaro ang anak nila. Isa pa, ang pagiging isang dilaw na dugo lamang niya ang espesyal sa kanya.
Pagkaraan pa ng ilang minuto ay hindi pa rin siya pinapaalis ng matanda, marami pa itong sinasabi na hindi niya naman naiintindihan at walang pagbabanta na intindihan pa.
Nagulat na lang siya na biglang kinuha ng matanda ang yelong pumapawi sa mahapding sunog sa balat niya.
"Pula! kung ganun yun pala ang napili nila" muli nanamang umangat ang kilay ng dalaga sa reaksyon ng matanda..
tinignan niya ang markang nasa tagiliran niya, di tulad kanina'y mas makapal na pula ang marka, hindi yun pangkaraniwang pamumula ng balat kundi parang pininturahan ng dugo ang hitsura nun.
"hindi ako ang may gawa niyan, kundi ang mga taga-atas na espirito" ani ulit ng matanda na nililibot ang tingin sa buong silid.
"Puno ka ng misteryo,lolo. Sino ka ba?" ngayon ay nagkaroon na siya ng ganang umimik.
"Isang nilalang na hindi mo gugustuhing makilala" nangunot ang noo ni Franzel sa sinabi ng matandang may makahulugang titig pero hindi niya ito gustong pilitin dahil mukhang walang balak ang matandang kausapin siya sa matino at normal na paraan.
"ganun ba? sige po, alis na po ako" napabuntong hininga na lamang ito at tumayo na, nandon pa rin ang kirot likha ng marka na kumakagat sa balat niya pero di niya ito ininda at naglakad patungo sa pinto.
Pero bago pa siya tuluyang makaapak sa labas ng silid ay narinig pa niya ang huling sinabi ng matanda.
"Mag-iingat ka lalo na sa sarili mo dahil hangga't nabubuhay ang isang tulad mo, hindi ka muubusan ng haharaping kadiliman, ang mga uri mo ay nababago lamang ng totoong pag-ibig--" parang ayaw niyang pakinggan pa ang madaldal na matanda kaya pinikit niya ang mga mata niya at sinara ang pintuan bago tuluyang lisanin ang lugar.
![](https://img.wattpad.com/cover/50500990-288-k150358.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood Plus(on hold)
Action1. Integrity for the task. 2. Loyalty to the master. 3. Strength to kill and protect. 4. No emotional attachment involve. .... Just some of the hundred rules and instructions to consider for the rest of her existence after being sold as a personal...