Chapter Twenty (10/04/15)

1.3K 80 1
                                    


This chapter is dedicated to keili08 :) Salamat sa pagvote mo! Sana ma-enjoy mo pa ang pagbabasa dito. <3

Chapter Twenty

Hindi ako susuko...

Nagpaalam ako kay Lhieanne na maglilibot lang sa buong beach. Pinayagan naman niya ako at mag-isa akong naglakad-lakad habang ine-enjoy ang view na nakikita ko. Sobrang ganda ng kabuuan ng resort na ito. Ang kulay ng buhangin ay puti hindi tulad sa iba pang resort dito na karaniwan ay plain na buhangin lang. Ang sarap sa paa ng buhangin kaya naisipan kong magpaa na lang.

Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng foot steps sa unahan ko. Sinubukan kong ilapat ang paa ko rito ngunit masyadong malaki. Tinignan ko ang bakas ko sa dinaanan ko kanina. Ang ganda talaga!

Inilabas ko ang cellphone ko at sinubukang kunan ng litrato ang bakas ng sinoman sa harap ko. Sa laki ng bakas ay malamang na lalaki ang nagmamay-ari nito.

Diniretso ko ang lakad at sinundan ang bakas. Huminto ito sa tapat ng isang souvenir shop at ang vintage tingnan. May kagustuhan talaga ako sa mga bagay na makaluma at classic tignan. Minsan nga iniisip ko na magkaroon ako ng bahay na classy at vintage. Pero naisip ko na matagal pa iyon dahil hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa taong mahal ko.

Pumasok ako sa loob at labis akong namangha sa nakita ko. Kulay brown and white ang interior. Perfect sa gusto kong pagka-classy. Inisa-isa ko ang mga bagay na nasa divider. Ang cu-cute ng mga souvenir. Kinuha ko ang kulay puti at itim na maliit na gitara. Parang katulad ng gitara na gamit ni Rhein. Mini version nga lang ng sa kanya.

Kinuha ko ito at nag-ikot ikot pa para sa iba ko pang bibilhin.

Matapos kong kunin lahat ng nagustuhan ko ay dumiretso ako sa counter. Ako lang pala ang nasa loob ng shop kaya wala akong naging kaagaw sa paglilibot at sa ibang limited na souvenir. Inilapag ko ang lahat ng pinamili ko at binalot naman ito ng namamahala ng shop.

"Ay ma'am alam niyo po bang may kapares 'tong necklace na 'to? Actually ma'am pang-couple 'to e! Mapilit lang talaga yung lalaki kanina na pumunta dito na bilhin yung isa lang. Hihi. Ang gwapo kasi ma'am kaya pinagbigyan ko na!" Humagikgik siya habang pinagmamasdan ang necklace na hawak ko. Silver necklace ito habang ang pendant ay heart shaped na may missing key shaped sa gitna. May mga bato ito na nagpapakinang sa hugis nito kada masisinagan ng araw. May kakaibang dating kasi ito kaya ko naisipan na bilhin. Hindi ko naman alam na pang-couple pala ito.

"'Tsaka ma'am, naniniwala ba kayo na 'yang kwintas na yan ay kapag naipares sa orihinal na kapares niyan na nasa lalaki kanina, mas lalo pa itong kikinang at makikita mo ang tunay na ganda nito?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

May pagkaweird ang babaeng ito pero mukha naman siyang matino.

"Ah..okay? Wag mo na 'tong ibalot. Susuotin ko na!" Nginitian ko siya. Inabot niya sa akin ang lahat ng nakasupot na pinamili ko at dali-ali akong lumabas ng shop na iyon.

Ang weird niya talaga. Ang creepy. Sayang 'yung ganda ng shop kung gano'n lang din naman 'yung nagtitinda. Nakakatakot magpalipas oras dahil baka anomang oras ay may sumpa nang sabihin iyon at mawalan ka na lang ng malay.

Diretso ang naging lakad ko papuntang rest house. Wala na sila sa labas at hindi ko na sila makita. Dumiretso ako sa kwarto at inayos ang gamit ko.

Huling araw na namin dito. Bukas na bukas, pagsikat ng araw ay uuwi na kami. Malapit na din kasi ang second semester at mage-enroll pa kami.

Napagdesisyunan ko na pumunta sa kwarto nila Lhieanne para makausap siya. Nakalimutan kong ngayon pala ako naka-sched sa ospital. Itatanong ko lang kung anong binilin sa kanya ni kuya bago kami pumunta dito.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon