Chapter Twenty One (10/04/15)

1.2K 73 4
                                    

Chapter Twenty One

I will...

"Jazz! Saluhin mo!" Nagulat ako nang nakita ko ang beach ball na tatama sa akin galing sa taas. Hinanap ko ang tamang pwesto upang masalo iyon at niyakap ang bola pagkasalo. Tinignan ko sila na nakatingin sa akin. Naglalaro sila ng beach volleyball. Hinati nila ang grupo sa dalawa. Ang nasa kanang parte ay binubuo ng apat na miyembro, sina Adrian, kuya Rendel, Suga at Rhein. Sa kabilang parte naman ay may limang miyembro na binubuo nina Aeisha, Lhieanne, Jeff, Vlad at Niccolo. Hinagis ko sa kanila ang bolang hawak ko at hinanap ko si Clara. Nasa pinakagilid siya at nakahiga sa picnic blanket habang may hawak na cellphone. Naka-swimsuit siya sa loob pero may nakatapis na see through dress sa katawan niya. Namimiss ko na din si Clara. Kahit na palagi kaming nagkakasama dahil sa ganitong okasyon, hindi ko naman siya makausap.

Si Angela naman ay abala sa pagkuha ng litrato ng mga naglalaro. I know she's enjoying what she's doing. Siya ang photographer sa university paper ng KU. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya. Kadalasang focus niya ng camera ay kay Vlad. Napangiti ako. Talagang crush na crush niya si Vlad. Wala akong gaanong alam sa kanya at kay Vlad pero alam kong magkakilala naman sila.

Pero sana wag dumating sa pinto na lumalim ang nararamdaman ni Angela para kay Vlad kung hindi naman kaya nito na suklian ang pagmamahal niya. Sana lang talaga mali ang naiisip ko.

"Sumali ka na samin, Jazz. Para kumpleto na kami." Tawag sa akin ni Adrian. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya sa gilid ko.

Tinignan ko muna si Lhieanne bago ako sumagot kay Adrian. Hindi rin kasi ako sigurado kung o-oo ako o hindi. Nakita kong nagkibit-balikat siya kaya ganoon din ang sinagot ko sa kanya.

"Sige.." Yun lang ang sinabi ko kaya inabot sa akin ni Adrian ang bola at nauna siyang pumunta sa pwesto.

Nang makarating ako sa pwesto ko ay doon ko lang napagtanto na kagrupo ko si Rhein. Nakatingin lang siya sa akin habang papalapit ako. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko. Ayan na naman ang tingin niyang 'yan.

Nagsimula ang game at halos hindi ako makakilos ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumwesto dahil natatakot ako na magkalapit kaming muli ni Rhein. Hindi ko rin magawang tirahin ang bola dahil pareho kaming nasa unahan ni Rhein. Magkalapit lang kaming dalawa. Ayokong mas lalong mabawasan ang agwat namin.

"Jazz!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni kuya Rendel sa kabilang gilid ko hudyat para ako ang tumira sa paparating na bola. Hinanda ko ang sarili ko sa pagtira pero halos makuryente ako nang magkadikit ang braso namin ni Rhein dahil sabay kaming tumalon para ipasa papunta sa kabila ang bola.

Si Rhein ang nakatira at alam kong sobrang lakas no'n kaya nang tumama sa isa sa miyembro ng kabilang grupo ay nakarinig kami ng sigaw. Nawala sa isip ko ang pagkakabagsak ko sa buhangin dahil doon. Hinanap ko ang nagmamay-ari no'n at nakita ko si Aeisha na naka-upo sa sahig habang hawak ang balikat niyang marahil ay natamaan ng bola. Kita ang sakit ng pagkakatama sa kanya kaya sabay-sabay na nagsipuntahan sa kanya ang lahat. Maging ako ay mabilis na napatayo upang puntahan siya.

Lalo na si Rhein...

Nagmamadali siyang nagtungo doon at nagawa pang hawiin ang naunang tumulong kay Aeisha. Bakas sa mukha ni Rhein ang labis na pag-aalala.

"Are you alright, Yesha?" Tanong ni Rhein dito. Hindi pa rin matanggal ang ngiwi sa mukha ni Aeisha habang hawak niya ang kanang balikat niya.

"No..." Nakita ko ang pag-irap niya kay Rhein ngunit mas nababakas pa rin ang ngiwi niya. Masakit iyon panigurado. Ang lakas nang pagkakatira ni Rhein doon.

"I'm sorry it's all my fault. Kaya mong tumayo?" Tumango lang si Aeisha at nilagay ni Rhein ang kaliwang kamay nito sa balikat niya upang alalayan sa paglalakad.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon