Chapter Ten

1.3K 70 3
                                    

Chapter Ten

Naguguluhan na ako

"Sigurado kang okay ka na?"

Tumango ako bilang sagot. Okay naman na ang pakiramdam ko.

Simula ng isinakay niya ako sa kanyang sasakyan ay unti-unting umayos ang pakiramdam ko.

Nahilo lang siguro ako kanina. Napagod lang ako sa mahabang biyahe.

"Ano bang ginagawa mo dun? Tsaka bakit ka mag-isa?" Binigyan niya ako ng inumin at agad ko din namang inubos iyon.

"Sino ba dapat kong kasama? Tsaka Grey, pinuntahan ko lang ang kaibigan ko."

"Kaibigan mo? Dito sa Manila?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo. Lumipat sila."

"Okay. Iuuwi na kita?" Umiling ako.

"Huh? Saan ka pa pupunta?" Nangunot ang noo niya. Nagtataka.

"Pwedeng mag-bar muna tayo?"

"Wala ka na ba sa katinuan Jazz? Magbabar ka ngayon?"

"Bakit kuya? Anong masama?" Sinimangutan ko siya.

"Anong masama Jazz? Seryoso? Tinatanong mo 'ko niyan? Kanina nga halos hindi ka na magkanda-ugaga diyan sa sarili mo tapos iinom ka?" Pinagalitan niya ako.

"Kuya.." Tinignan ko siya.

"Jazz!"

"Please?" Pinagdaop ko ang aking palad at sana ay gumana ang pagmamakaawa ko.

"I can't believe you.."

Umaalingawngaw ang maingay na trance music sa buong bar. May mga nagsasayaw sa dance floor, mga nag-iinom at naninigarilyo sa table at ako naman na nasa counter habang tinutungga ang juice.

Ayaw akong payagan ni kuya Grey na mag-inom. Dinala niya nga ako sa bar pero parang wala din. Parang nasa maingay na party lang ako ng mga bata at nag-iinom ng juice.

"Kuya please? Kahit isang margarita lang." Pagpupumilit ko.

Ang daya niya kasi. Kanina pa siya umiinom ng wine. Hindi man lang ako ma-alok. Masama daw kasi sa akin. Masama his face!

"No Jazz. Lagot ako sa kuya mo kapag nalaman niyang pinainom kita." Sabi niyang nakatingin sa dance floor.

"Edi wag mong ipaalam! Napakadali e!" Sinimangutan ko siya.

Nagulat ako ng biglang padabog na tumayo si kuya Grey sa kanyang upuan at binagsak ng malakas ang basong kanyang hawak.

Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa dance floor na may nanlilisik na mata. Mabilis ang kanyang paghinga. Hindi ko alam kung saan siya exactly nakatingin pero sa tingin ko ay nagagalit siya sa nakikita niya.

"Hey kuya—" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay mabilis na nakarating si kuya sa babaeng nagsasayaw ng wild sa dance floor.

Kahit sa malayo ay kitang-kita ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang balikat. Galit na galit siya sa hindi ko malamang dahilan.

Agad ko din naman siyang sinundan sa kinaluluguran niya para awatin.

"WHAT ARE YOU DOING HERE YESHA?!" Galit na galit na turan niya.

"Oh? Ikhaw pala 'yan Ghreyyy! Kamhustah!" Umiikot ang paningin ng babae habang sinasabi iyon. Lasing na lasing siya.

"Hey bro. Wala namang agawan ng kasayaw." Biglang may sumabat galing sa likuran ni yesha. Mukhang manyak.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon