Chapter 3. The Truth

2 0 0
                                    

Ay lintek na! At sa likuran ko pa talaga siya nakaupo! Bakit hindi ko man lang siya napapansin? Ang boba ko talaga.

At take note...kinakabahan pa talaga ako habang naglalakad papunta sa upuan ko.

Great. Tinatraydor na rin ako ng sarili kong katawan.

Nakikita ko on my peripheral vision na nakatingin siya sa akin. Ano bang problema ng lalaking yan? Tch.

Pagkatapos kong maupo ay agad akong sinunggaban ni Tricia ng tanong. Tch. She should learn to get a life.

"You're almost late? What did you do, huh?" Tanong niya while wiggling her eyebrows. Tch. Baliw talaga.

"Shut up." Ang harsh ko no?

"I saw you and that hot guy." Sabi niya na nakangisi pa ng nakakaloka.

Natigilan ako. Parang hindi ko gusto yung nasa isip ng babaeng to.

"I even saw your face became red like a tomato!" dagdag pa niya.

"Bitch!" Sigaw ko at tinignan siya ng masama.

At tinawanan lang niya talaga ako. Can somebody remind me why I'm friend with this woman?

"I know right." –Tricia. Hindi ko na lang siya pinansin. Maiinis lang ako lalo kung papatulan ko pa ang retarded na to.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin ang teacher namin. Thanks Lord dahil kanina pa nababasag eardrums ko sa kadadaldal ni Tricia.

"Before we start our class..." Panimula niya. "...may I introduce to you our new student. Mr. Weigan, please stand up and introduce yourself in the whole class." Sabi pa niya habang nakatingin sa akin...or should I say sa likod ko?

Ting!

Kung tama ang hinala ko...siya yung new student na sinasabi ni ma'am. Yung hot guy na naka all black. Ay teka! Anong hot? Wala akong sinabing ganun huh.

So hindi talaga ako boba. Yehey.

Naconfirm lang ang hinala ko ng dumaan siya sa tabi ko papuntang harapan. Grabe ang hot talaga niya.

Hay! Suko na ako. Ang gwapo talaga niya. Kita ko nga tulo laway lahat ng girls dito. Pwera lang sa baliw kong kaibigan na sinisiko-siko pa ako.

Problema na naman neto? Hindi ko na lang siya pinansin at kunwari nagbabasa ako sa libro ko. Pero parang may nagmamagnet sa mga mata ko na tumingin sa harapan.

I really tried my best not to look pero nung nagsalita na siya? Waley na. Parang may sarili ng isip yung mga mata ko na tumingin sa kanya.

Kumalabog ang dibdib ko ng magtama ang mga mata namin...at shemay gusto ko ng mahimatay sa ginawa niya.

Nginitian lang naman niya ako ng ubod ng tamis.

Nangingisay na sa kilig yung katabi ko. Tch.Pakawala talaga sa mental tong babaeng to.

"Did you see that, Jas? He smiled at you! Oh my God! I'm gonna die...I'm gonna di---ouch! Why did you do that?!" Angil niya ng binatukan ko siya.

Kung makareact to parang siya yung nginitian e noh!

Hindi na ako nakasagot pa ng ituloy niya yung pagsasalita niya.

"I'm Eros Martin Weigan. I came from the Philippines." Sabi niya at naglakad na papuntang upuan niya.

Nangingisay pa nga yung mga babaeng nadaanan niya e.

Nagagawapuhan ako sa kanya pero hindi naman ako ganun makareact. Grabe tong mga to. Ang lalande.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Worst of You is Perfect (My Clumsy Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon