PAG-PAPAUBAYA

33 1 0
                                    

Kahit sabihin ko naman na hindi ako nasasaktan, sa kaloob-looban ko naman ay sobra akong nasasaktan. Sabihin na nating pagpapaka-martyr ito. Kasi ba naman, wala na akong ibang choice kundi mag-let go ng minamahal ko para sa kaibigan ko. Yung thought na nagpa-ubaya ka dahil ayaw ko masira ang friendship na meron kami dahil lang sa isang lalake. Kahit alam ko na mahirap makitang masaya sila, pinipilit kong di ma bisto na nasasaktan. Masama ang loob ko sa aking kaibigan, kasi sa karamihan ng lalake na kilala namin bakit iisa lang ang nagustuhan namin? Sinusubukan kong intindihin ngunit mahirap kasi mahal ko yung lalake.

Nung una palang, gusto ko na siya pero hindi ko sinabi sa kaibigan ko dahil may gusto noon sa kanya ang lalake. Tinago ko yung feelings ko sa guy, napakahirap gumalaw na hindi nabi-bisto. Kahit gusto ko ng tumili sa kilig, hindi ko pinalalabas. Minsan, kapag magkasama kami ng guy, marami ang limitations sa galaw ko para hindi malaman ng kaibigan ko ang feelings ko. At wala akong plano ipaalam ito sa kanya. Naiinis ako kapag nakikita ko silang sweet sa isa't-isa. Kahit wala namang "SILA", ano pa kaya kung sila na? Minsan, lumalayo na'ko sa kaibigan ko dahil parang nagseselos lang ako. Okay naman kami ng guy, pero iniiwasan ko siya minsan kasi gusto kong mag-fade na ang feelings ko sa kanya.

Yung gusto kong mag move-on, pero parang ayaw ko naman. At ano ba naman ako para mag move-on eh hindi naman naging "KAMI" overacting lang talaga ako. Nakakabwiset 'tong sitwasyon ko. Gusto kong umiyak pero ayaw tumulo ng luha ko. Siguro, hindi siya ang lalakeng dapat kong iyakan. Isipin mo, isa akong kaibigan na gustong isalba ang friendship pero isa naman akong TANGA na sunod-sunuran sa lalakeng alam ko di papatol sakin. Para sa ikabubuti ng lahat, bilang kaibigan, ako na ang magpapa-ubaya kahit ang sakit na.


Para sa SINGLE na BROKEN!( Mixed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon