SECOND OPTION

34 0 0
                                    

Naramdaman mo naba maging SECOND OPTION? Ako oo. Nakakahiya na nakakagalit ang malaman na naaalala ka lang niya kung bored siya o di kaya replacement ka kung wala ang taong mahal niya. Napaka-sweet niya pa naman sakin, napaka-caring di ko lang namamalayan na nahuhulog na'ko. Pero, hindi ko man lang namalayan sa paglipas ng oras second option lang pala ako. Asang-asa pa naman ako na totoo yung mga sinasabi niya at ginagawa para pa-kiligin ako. Yun naman pala ang ginagawa niya sa iba. Ako lang talaga ang nag-papantasya.

Hindi ko man lang naisip nung una na pwede niya iyong magawa sakin. At bakit laipt pa ako ng lapit sa kanya kung alam ko naming masasaktan at nasasaktan lang naman ako? Matigas lang talaga yung ulo ko pagdating sa kanya. Parang aso akong humahabol sa kanya, kasi nahulog na'ko wala na akong magagawa, hinahanap-hanap ko na siya. Umabot na nga sa panahong gusto ko siyang harapin at umamin, but because I'm afraid of rejection. Hindi ko iyon nagawa. Hanggang parinig lang ako sa kanya, marami akong sinasabi di ko naman nagagawa.

Sana isipin niya naming may feelings din ako kahit papano. Siguro, kasalanan ko naman to. Kasi hindi ako nag-iisip at nagpapadala ako sa mga WORDS OF WISDOM niya. Sorry, no boyfriend since birth ako eh kaya madali akong maniwala at hindi ako madaling nakakaintindi dahil wala akong experience. Masakit maging second option dahil wala kang kalaban-laban. Kung ikaw ay second option, parang tulad ka lang isang laruan, pinapansin pag walang libangan. Yan ang second option.


Para sa SINGLE na BROKEN!( Mixed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon