AYAW KO SANANG MAGISING (Short story)

18 0 0
                                    


"Zai, pst! Zai"

"Ano?! Alam mo namang natutulog ako bakit mo pa ako ginising?"

"Anong nangyari sa'yo? Kanina napaka-tahimik mo. Masama ba pakiramdam mo?"

"Wala. Naaantok lang ako."

"Hayyy Zaira."

Ayaw ko sanang magising, ngunit ginising niya ako sa katotohanan.

"Swerte ko na nakilala kita Zai." Sabay hawak sa kamay ko. Namula ako sa sinabi niya, "Ganyan naman ang sinasabi nga mga lalake eh. Sus! Kala mo maniniwala ako diyan?" sagot ko, tine-test ko siya kung sure ba talaga siya sa mga sinasabi niya sakin. "Alam ko hindi kapani-paniwala yung sinasabi ko, hayaan mo sanang i-prove ko sa'yo" ang lakas ng loob nito. Pwes, dapat niya patunayan ang sinabi niya.

Umaga palang gumanda na yung araw ko. Pag dating ko kase sa school, nasa gate na siya. Inalok niya ako na kung pwede na siya ang dadala ng bag ko. Umo-o naman ako, nagte-take advantage din naman ang bruha! Habang lumalakad kami sa corridor, na feel ko na parang bumigat ang balikat ko. Ina-akbayan niya na pala 'ko. Promise, namumula yung cheeks ko at umiinit yung buo katawan ko, nararamdaman ko rin na yung kamay ko nanlalamig at pinapawisan.

"Hoy, ano yan ha?" sabi ng kaibigan niya sa kanya nung tumungo kami sa pinto ng room. "Ay, girlfriend ko pala pare. Diba Zai? Girlfriend kita? Nagulat ako sa sinabi niya "Huh? Ha-hala ." kaya nautal ako. "Sabi ko dba girl..friend kita? Yung girl na friend" wow, friendzoned! I feel so.. you know hurt. Pero wala naman ako dapat ika-sama ng loob kasi yun yung totoo, wala pang label ang relationship naming. Wala pa kami sa stage na KAMI. "Ahh, oo. Girl na friend. GIRL NA FRIEND." Hindi ako napatingin sa kanya. Tas pumasok na 'ko sa room ng dire-diretcho. Hindi ko naman sinadya, nabagsak ko yung bag ko sa chair. "Galit ka?" tanong niya. Sabi ko na nga ba, mahahalata niya, pero di ko naman sinadyang ibagsak yun.

"Zai, nasaktan ka ba sa sinabi ko?... Uy, sorry na... Zaira" hinawakan niya yung kamay ko. Napalingon ako sa kanya, "Sabihin mo na kasi kung mahal mo narin ako"

Nagulat ako, may kumurot sa tagiliran ko.

Si Tommy, ginising ako. Ayoko pa sanang magising sa katotohanang nakakasakal na. Gusto ko pa sanang panaginip iyon, yung aamin n asana ako sa kanya at nagkagusto siya sa akin. Pero malabong magiging katotohanan iyon. Kay tatanggapin ko nalang na panaginip lang pala iyon. At ayaw ko sanang magising. 


Para sa SINGLE na BROKEN!( Mixed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon