Mahirap Maging Malusog (MMM)

23 0 0
                                    

Kung napanood niyo na ang movie ni Zac Efron na "Hairspray" pwes, may part doon na pinapaasa kaming mga... Sabihin na nating MALULUSOG. Mahirap maging mataba kasi hindi madaling pumili ng damit, kailangan mo pang maghanap ng pinaka-malaking size bago ko suotin. Minsan naja-judge kapa ng mga tao dahil sa pisikal na anyo mo. Ngayon, uso na sexy. Maliit na baywang, flat na tiyan, coca-cola body, maputi na parang bampira (gluta pa more), mahahaba at makikinis na legs, patpatin at iba pa. eh ang level ng ka-seksihan naming, iba! Sabihin na nating opposite ng kabilang team. Kahit masakit aminin, talagang dapat naming itong i-accept.

Bilang malusog, -_-

Sa pag-ibig, chamba na naming magkalove-life ng TOTOO. Sa sitwasyon ko, suntok sa buwan magka-boyfriend. Honestly, nai-insecure ako sa mga babaeng maganda ang panlabas na anyo. Dahil attractive sila. Minsan lang siguro nagiging attractive sa boys yung mga malulusog. Tama ba 'ko? Kasi yung ibang boys diyan, napaka-choosy. Gwapong-gwapo sa sarili. Sobrang high ng standards. Nako, baka gold digger yang magiging karelasyon mo, alam mo ba yan?

Pero I learned something, to all MALULUSOG GIRLS OUT THERE, this is all for you.

I can feel your pain. Hindi lang sa love kundi sa lahat ng instances na nahihirapan kayo. Bilang mga tao, may kanya-kanya tayong mga flaws. Isipin mo na hindi sa lahat ng oras, panghuli tayo. Sa pag-ibig, hindi dapat tayo magpatalo. Iba ang level ng kaseksihan natin. Take note na ang totoong nagmamahal sa'yo ay ang taong matatanggap ka. Swerte mo kung minahal ka at di ka lolokohin. Just do your own thing and he will love you no matter what flaws you have. Physical na anyo lang yan. Wala naming label sa pagmamahal eh. Maganda naman yang kalooban mo eh, yun ang importante. Hindi naman katawan at pisikal na anyo ang basehan ng pagmamahal kundi ang loob na kaanyu-an.

Cute ka kaya. Don't be affected because you're beautiful.

We're all unique because we are all created through the image and likeness of God. 


Para sa SINGLE na BROKEN!( Mixed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon