3rd Person's POV
Masayang nagising si Jimin.
Pagkamulat pa lang ng mata nya di nya na mapigilan ngumiti."Good morning unan."
"Goodmorning kumot."
"Goodmorning kama."
"Goodmorning pader."
"Goodmorning sahig."
Kung di ba naman may saltik pati gamit kinakausap sa sobrang kasiyahan na nararamdaman nya.
Di nya maalis ang mga ngiti sa labi nya.
Hanggang sa pagligo,pagaayos,at pagkain.
Nakangiti sya na para bang mapupunit yung labi nya.
Paglabas nya ng pinto.
"*inhale* *exhale* GOOD MORNING !" Sambit nya at pumikit pa.
"Goodmorning fafa jimin." pagmulat nya nakita nya yung baklang mukhang isinumpa ng sampong Hoseok. Na nagpapacute pa sa kanya.
Nagfake smile sya dito at naglakad na paalis.
Habang naglalakad sya syempre napangiti sya habang iniisip na makakausap nya na uli si suga. (yoongi)
Magkaklase kasi sila ni Suga.
Pero di sila naguusap.
Pero ngayon sigurado na syang makakausap nya na ito.Pagpasok nya ng University.
Kitang kita nya agad si Suga.
Nakahiga sa isang bench.Nilapitan nya ito.
"Suga." sambit nya sabay ngiti na naman ng malapad.
Tumingin lang sa kanya ito.
At pumikit uli."A-Ah... s-sige alis na ko" sabi nya at tumalikod na para maglakad.
Umaasa syang tawagin sya nito pero hindi. Nilingon nya at nakapikit pa rin ito.
Siguro inaantok pa si suga.
sa isip isip nya . Kaya siguro hindi sya nito kinausap.
Pumasok na lang muna sya sa room.
Jimin's POV
"Goodmorning pres." sabi ng mga kaklase ko.
Ngumiti naman ako sa kanila.
"Goodmorning pres." lumapit bigla sakin si Joy. (A/n: From RedVelvet)
Ngumiti sya at naglipbite tsaka hatak ng necktie ko.
"Wala pa kong breakfast... (pouts) Pwede bang ikaw breakfast ko? ;)"
sabi nya tsaka pinagapang yung kamay nya sa dibdib ko.Aish. Kinikilabutan ako!
Ok pa sana kung si Yoongi gagawa nyan eh!"Wooooh~" - kaklase namin.
"Jimin ! Breakfast daw oh!"sigaw ni v sabay tawa.
"Hahahaha.Go Jiminie hyung!" - kookie
"Ako may dalang pagkain dito. Ikain nyo na lang yan.Nauumay ako." - sabi ni Jin hyung sabay labas ng sandwiches sa bag nya.
"Inggit ka lang tanda e."sabi ni namjoon."Para kang si Jimin eh. U Got No Jams"
Gagwo to ah. =_=
"Jams ba? Jams?" nagulat kami ng ipinasak ni jin hyung yung isang jar ng strawberry jams sa bibig ni namjoon hyung.
Yan dapat yan sayo.
"So ano na sagot mo mr.president" malanding tanong uli ni Joy.
Dumistansya ako sa kanya at ngumiti.
"No." sagot ko sabay upo sa pwesto ko.
"Wth?!" sigaw nya at nagdadabog na parang bata na bumalik sa upuan nya.
"Joy beybs! Ako na lang! Free ako! Mag een JOY ka talaga sakin;)" sabi ni Hoseok at tinaas baba ang kilay nya sabay kindat.
"Che! Di ako pumapatol sa Kabayo!" sigaw ni Joy.
Kaya lahat kami napatawa.
"Aba! Aba! Aba! Joy beybs!
Ang gwapo ko naman para maging kabayo! Well pwede rin na kabayo ako. Basta ikaw Mangagabayo sakin."
sagot ni hoseok.Umirap naman si Joy.
"Hoseok... Umayos ka nga kaaga aga e. Di pa nga ata natutunaw pagkain na kinain ko isusuka ko agad." sabi ni V at umaktong nasusuka.
Nagtawanan uli kami.
Tas biglang dumating na si prof at nagdiscuss.
Wala pa rin si Yoongi.