Like I Always Do - Chapter One

3.1K 43 6
                                    

Ito po ang second story ko, sana ay magustuhan n'yo mga readers...

Sean/Seanne picture on the side, Zee Matanawee Keenan po ang name n'ya.

 

Sean's POV

 

 

Boom..bam..bom..baam.....tik...tak...trikkk.....

 

Nakakabinging ingay ng drums ang maririnig mo sa paulit-ulit na pagpalo ko ng stick na parang may malaking pinag-daraanan at sa pagtugtug ng drums ko binubuhos ang lahat-lahat. Sigurado akong wala namang maiistorbo dahil sound proof ang music room ko. Oo, may music room ako dahil mahilig talaga ako sa musika. Mula nong elementary pa lang ako hanggang ngayong second year college na ako ay pagtugtug na ang libangan ko. Kompleto ako sa mga kagamitan tulad ng drums, electric guitar, base guitar at keyboards. Mabuti na lang at naiintindihan ng mga magulang ko ang pinagdaraanan ko ngayon kaya hinahayaan na lamang akong magwala.

 

Isa lang ang dahilan kung bakit halos isang linggo na akong ganito at di makausap ng maayos. Paano brokenhearted kasi ako, sumama sa ibang lalaki ang walang kuwenta kong girlfriend kaya heto ako ngayon, sawing-sawi.

 

"Oy, Seanne Rose Montilla! Tumigil ka na nga kakapalo mo drums diyan at nabibingi na ako sa ingay mo. Magpatulog ka naman!" parang may nagsasalita.

 

Hindi ko na kailangan pang lumingon upang mapag-sino ang nagsasalita. Boses pa lang ay kilala ko na kung sino ito. Iisa lang naman ang tumatawag sa akin ng buo kong pangalan na "Seanne Rose", di ba babaeng-babae ang pangalan ko? At wala ring ibang nang-aasar sa akin kahit disoras na ng gabi kundi ang kapitbahay at kababata kong si Deanne Gonzales or Anne. Hindi na ako nagtataka kung bakit bigla na lang itong pumasok sa loob ng music room ko. Nasa tapat lang nang bahay namin ang bahay nito kaya madali lang para dito ang magpabalik-balik. Manipis ang suot nitong t-shirt at aninag ang bra nito na kulay pink. Medyo nag-init ata ako don ah.

 

Anak si Anne ng bestfriend ng mommy ko at mula pa noong mga bata pa lang kami ay pinangarap nang mga magulang namin na maging bestfriend din kami. Obvious na obvious na talagang plinano ng mga ermats namin kasi gawin ba naman ang pangalan ay Seanne at Deanne. Para kaming kambal sa pangalan lang ha. Inaanak din ito ng mommy ko at ninang ko naman ang mama nito. Ngunit parang kabaligtaran ata kasi daig pa namin ang aso at pusa kung magbangayan. Tulad na lang ngayon, walang kaabog-abog na inagaw nito sa akin ang drumsticks ko.

 

"Ano ba!? Lumayas ka na nga at sinisira mo ang pagse-senti ko. Hindi ka pa yata nagsesepilyo at ang baho-baho ng bibig mo." angal ko.

 

Akmang aagawin kong muli dito ang drumsticks ay bigla itong tumakbo palayo at nag-tago sa likod ng keyboard stand. Ngunit dahil mas mabilis ako at sanay sa exercise ay agad ko rin itong naabutan at kiniliti ng kinilito ko ito hanggang mabitiwan ang sticks.

 

"Alien! Stop please...sorry na!" pagmamakaawa nito.

 

"Hindi ko marinig. Lakasan mo...." sabi ko na kili-kili naman ang kinikiliti ko dito.

 

"Sorry na! Sorrryy....sorry na Alien!" sigaw nito.

 

Alien ang madalas itawag nito sa akin dahil ibang-iba daw ang hitsura ko sa sa mga karaniwang Pinoy. Half Brazilian kasi ako kaya iba ang hugis ng mukha pati kulay ng mata ko. Kaya asar na asar ako dito kapag tinatawag ako nito ng ganoon kaya ayon lalo namang nawiwili ito.

Like I Always Do (GirlxGirl Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon