Like I Always Do - Chapter Six

1.6K 24 2
                                    

Sean's POV

 

 

 

"Wala pa ring nagbago sa school natin, ano? Ganon pa rin ang kulay ng bubong, mas pinatingkad nga lang." napansin ko habang papasok ang sasakyan ko sa entrance ng school.

 

 

 

"Oo nga eh, nariyan pa rin ang garden na madalas naming tambayan ng mga friends ko noon." puna ni Anne sabay alis ng seatbelt.

 

 

 

"May kaibigan ka pala noon?" tanong ko rito na pang-asar lang.

 

 

 

"Meron din naman, yabang mo! Kapag kailangan nila ng pagkain, nagiging nice sila sa'kin. Pero pagkatapos non, magka-away na ulit kami." nakangiting sagot nito.

 

 

 

"Paano kayo ng mga kaibigan mo simpleng bagay lang pinag-aawayan na tapos pinalalaki pa..." nakangiti ding sabi ko.

 

 

 

"Eh ganon daw talaga kapag bata pa eh. Ngayon naman hindi na ano?" nakamungot na sagot nito.

 

 

 

Napatingin ako kay Anne ang cute lang nitong sumimangot, hindi ko tuloy naiwasang mapangiti. Nang pumihit naman ako para lingunin ang mga ermats namin ay abala sa pagbubulungan.

 

 

 

"Mommy?! Sa Elizabeth Hall ba gaganapin ang reunion?" tanong ko sa mga ito.

 

 

 

"Ah oo Sean, doon pa rin anak. Nandito na pala tayo. Masyado kaming nalibang ni Mare sa kuwentuhan namin." sabi ni mommy na agad umayos ng upo.

 

 

 

Bumaba na ako para alalayan ang mga mother namin sa pagbaba ng sasakyan at nang si Anne naman ang aalalayan ko ay nakababa na pala ito. Nagkatinginan lang kami...

 

 

 

"Sean okay lang, kaya ko na namang bumabang mag-isa....." sabi ni Anne na nakatungo.

 

 

 

"Ammmmmm.....ok!" simpleng sagot ko.

 

 

 

"Deanne, kay Sean ka na sumabay at may pag-uusapan pa kami ng Ninang mo." sabi ng mommy ni Anne dito.

 

 

 

Pinapakiramdaman ko lang ang magiging reaksiyon ni Anne kaya kunyari ay abala ako sa pagtingin sa cellphone ko. Parang nag-aalangan ito at parang wala lang magawa sa pakiusap ng ina. Siguro ganon talaga ang pagka-ayaw nang kinakapatid ko sa akin. Nakatingin lang ito sa sa dalawang matanda na masaya sa kuwentuhan habang naglalakad.

Like I Always Do (GirlxGirl Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon