Like I Always Do - Chapter Thirteen

1.3K 18 1
                                    

Pasensya po sa matagal na update...busy lang po.

Deanne/Anne's POV

 

 

 

"Careful..." mabilis na sabi ni Sean.

 

 

 

Muntik na kasi akong madulas, mabuti na lang at kaagad akong nasalo nito. Kaagad din naman akong nagpa-salamat. Nang nasigurado na nitong okay na ako ay binitawan na nito ang braso ko. Sinusundan namin ni Sean ang trail sa waterfalls na isa sa mga attraction ng resort. Pababa kasi ang trail at muddy ang daan dahil madalas umulan sa lugar ng Salumay.

 

 

 

Natural ang landscape ng lugar kaya maituturing na isang adventure ang pagpunta sa waterfalls. Sabi ni Sean, mga two kilometer ang layo ng resort. Madalas itong pumunta roon dahil nature lover ito kaya alam na nito ang daan at hindi na namin kailangan pa ng guide.

 

 

 

Mula nang umalis kami ng cottage hanggang ngayong nasa kalagitnaan na kami ng gubat ay hawak nito ang isang kamay ko. Bitbit naman nito sa kabilang kamay ang guitar case nito. Mas gusto raw kasi nitong tumugtog ng gitara sa waterfalls dahil mas peaceful sa pakiramdam. I had never heard Sean play the guitar before, kaya excited na akong mapakinggan ito.

 

 

 

"Hirap na hirap na akong maglakad. Halos lahat ng putik ay nag-stick na yata sa boots ko." reklamo ko. Tumatawid na kami sa tulay na yari sa pinagdikit-dikit na mga kawayan.

 

 

 

"Kaunti na lang, nandoon na tayo. I assure you, makakalimutan mo lahat ng hirap at pagod mo kapag nakita mo na ang waterfalls." nangingiti pang sabi nito.

 

 

 

"Talaga lang, ha? Siguraduhin mo lang." At naiinitan na ako ang paa ko sa boots na ito. Gusto ko na ngang hubarin, eh." reklamo ko.

 

 

 

"Yan ang wag na wag mong gagawin. Nakikita mo ba nag mga iyon?" tanong nito sabay turo sa paanan ko.

 

 

 

Nang sundan ko ang tinuturo nito ay malalaking langgam. "Hantik" ang tawag sa mga iyan. Sobrang sakit kapag kinagat ka niyan. Mabilis akong tumakbo papalayo sa mga langgan.

 

 

 

"Walanghiya ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? Naku, baka may gumapang na sa pantalon ko at kagatin ako bigla." inis na sabi ko at ni-check ang damit ko. Bigla naman akong natigilan nang gagapin nito ang isang kamay ko.

 

 

 

"O, bakit?" pag-angat ko ng tingin at tanong ko.

Like I Always Do (GirlxGirl Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon