"FRANCE" Naomie Lumao- Siya yung tipo ng babae na masungit, matapang kapag ginalit pero matalino. Siya and top 2 ng klase. Kung magbihis siya akala mo pang sinaunang panahon sa sobrang simple. Ni wala siyang pakielam at ka-arte-arte sa katawan. Isa siya sa mga kaibigan nila Lyra, Catherine, Camille at Kayeanne. Siya yung babae na kinababaliwan ni Gerald. Hindi masyadong mapapaniwala sa love at destiny.
"LYRA" Kaye Lumanog- Siya yung babae na boyish kung tawagin. Hilig niya kasi dumikit sa mga lalaki kaya lagi siyang nasasabihan ng ibang tao na malandi at maarte. Pero pag nakilala mo siya, maglalaho lahat ng negative na expectation mo sakanya. Siya ang top 4 ng klase. Siya rin yung kinababaliwan na babae ni Acemher.
"CATHERINE" May Andy- Ito yung babae na bongga kung manamit. Laging naka-shorts, kaya nga minsan kapag kasama mo siya ikaw ang naiirita dahil kung titigan siya ng mga lalaki na nakakasalubong o nadadaanan siya parang gusto siyang pagsamantalahan. Siya rin yung tutulong sayo kung kailangan mo ng kausap at kadamay. Sobra siyang magmahal.
"CAMILLE" Gregorio- Ito yung babae na akala mo lalaki na dahil sa pananamit niya. Kaya nga lagi siyang pinagsasabihan ng tropa.
