7.2

6 1 0
                                    

"Uy Snow! Psssst!"

Madaming araw pa ang lumipas at talagang lapit ng lapit sakin si Josiah. Di ko alam kung anong trip nya. Basta alam ko, nakakabwisit sya! Urgghh.

Nandito ako ngayon sa may bench sa silong ng mangga. Antok na antok talaga ako. Napuyat ako magreview kagabi. Tapos hindi naman pala tuloy ang exam! >,<

Matutulog na lang ako.

"Psssssssssst!"

"Hoy. Snow Ysmie De Guzman."

"HOOOOOOOOOOO--

"Ayy pusang kinalbo!" Napasigaw ako ng de oras. Sino ba itey?!

"Hi." Sabi ng bisugo na ngiting ngiti pa! -_-

"Anong kailangan mo?!" Pabulyaw ko sa kanya. Nakakabwisit e! Nakikitang matutulog.

"Wala. Pwede makitabi?"

"HINDI!" At nag-walk out na ako. Mukha nyang Josiah na yan! Tss.

Nakakainis na talaga tong si Josiah e. Nako. Ang kulit kulit. Feel na feel ko mag-isa tapos biglang eentrada. Nako talaga!

Naglakad ako papuntang CANTEEN. Yes. Canteen. Bakit? Gutom ako e. Ikaw kayang magpuyat ng hanggang 2am tapos babangon ng 5:45am. Ewan na lang kung hindi ka mainis ng malaman mong wala pala kayong exam tapos eepal pa si Josiah. Nakakastress. Nakakagutom.

Pagpasok ko sa canteen. Ayan nanaman ang mga bulong-bulongan. Sinong topic? Malamang.. Hindi ko alam! Di ako chismosa. Slight lang. Hahaha.

"Diba yan yung Snow?" Girl1

Tama ba dinig ko? Snow? Ako??

"Oo ata? Grabe nu?" Girl2

Ahh. May ATA. Hindi ako yan.

"Sobra! Di ako makapaniwala na sya talaga ang gusto ni Josh! Eww!" Girl3

"Ate pabili nga po ng-----ARAY!"

Ouch fre. May sumabunot sakin.

"Aray! Ano ba! Who are you? Let me gooooooo!" Ako

"Abaaaa! Sasalita ka pa ha!" Girl1

"Nooooo. My eyeglassessssss! Give it back!" Sira ulo to ah. Pasalamat sya hindi ako pumapatol sa mga matatanda.

"No? Anong NO!? Layuan mo ang Baby Josh namin!" Girl1

"Tama! Kung ayaw mong patalsikin ka namin dito sa school!" Girl2

"Naiintindihan mo ba? At wag kang nag-eenglish! Feeler ka!" Girl3

"Yea right. Don't english us. We Filipino bleednose. Understand? You is look like a... a... a.... Shet! Kayo na magtuloy!" Girl2

"Ang bobo mo. Ganito oh. You is look a frog like!" Girl1

"Ang tanga nyo! Frog is look you!" Girl3

Okaaaaay. Mej natatawa na ako sa mga to. Hahahaha.

"Anong nangyayari dito?!"

Oh sino to? Knight na walang armor?? Lol.

"P-p-prince J-j-josh"

Stummering girls? Nako.

"Say sorry to her!" Sigaw naman ng bakulaw.

"Bakit? Hindi namin sya inano." Girl1

"T-tama." Girl2&3

Duet pa talaga ha.

"Sige. Magkukunwari na lang ako na hindi ko nakita lahat." Taray ni Baklang Josiah! Woooooo! Hahaha. Pak na pak!

Akmang aalis na ang mga kulugo ng nagsalita pa ulit si Barney.

"At saan kayo pupunta? Mag-sorry kayo." Oh diba. Ang taray talaga ni Josh. Hahaha. Konti na lang! KOnti na lang mapapatunayan ko na talagang bakla to.

Humarap ulit yung mga babae. "Sorry Miss Snow."

"Yan. Much better!" Shet! Baklang bakla talaga to si koya! Bwahaha. Nakakaloka na tuuuuuu. Ang crush ng campus na JOSIAH ay BAKLA! GHAAAAAAAAAD!! I can't believe it! Bakla ang hearthrob. Bakla ang crush nila. Hahaha. Buti na lang talaga at di ko crush tong baklang to. Nako! Disappointment! TURN OFF! Grabe tala-----

May umakbay sa akin. "Wala ka bang sasabihin sa kanila BABE?"

Teka ano daw?! BABE?!

"Ha? Pakiulit?"

Bigla nya akong hinawakan sa bewang. Shet! "Ang sabi ko, wala ka bang ssabihin sa kanila Babe?"

"ANONG BABE?! TAO AKO. TANGA KA BA?! AT SNOW ANG PANGALAN KO!!" Lecheng bakla to. Tss.

Pumunta ako sa rooftop. Bakit? Para makawala sa sumpa ni Josiah. -_-

Grabe na tuuu. Ilang buwan na nya akong hindi nilulubayan. Nanakot pa sya na dadalawin daw nya ako sa bahay kasi manliligaw daw sya. Pero salamat naman at hindi pa sya naligaw sa bahay. At hay nako talaga! Mapapatay ko sya. Call me OA. Pero loyal lang talaga ako kay Zac Efron my love! :3

Haaaaay. Buti pa dito sa rooftop walang Josiah. Oh myyyy! Graveeeeeeetiiiii. Ang sarap talaga sa feeling ng nandito sa rooftop.

Lalala Lalala ~~
Lala----

"Sabi na nga ba at dito lang kita makikita."

Diba sinabi ko na WALANG JOSIAH?? Ano nanaman ba to?

Oh my Snow. Ang bobo mo. Malamang schoolmates kayo at hindi mo pag-aari ang rooftop.

Anla! Nag-away na utak ko. LOL

"Ano ba Josiah?! Hindi mo ba talaga ako tatantanan?? I know I'm not pretty like what other girls are. Gwapo ka tapos ako pangit lang. What do you want ba? Kasali ba ako sa bet na kapag inamin ko na mahal na kita, e panalo ka na? Spill it! Nakakainis kasi yung biglang out of the blue ka na lang mangungulit sa akin. E dati naman hindi ka ganyan. Hangin nga lang ako sayo e. Anong nangyari sa mundo? Bumaliktad? Ganon?"

Woah! Napagod ako magsalita ah! XD

"Grabe ka naman Snow. Oo siguro nga yan ang tingin mo sakin pero sana maniwala ka na mahal talaga kita."

"Wow lang talaga Josiah. Wow lang. Hindi ako tulad ng ibang babae na kapag sinabihan mo ng ganyan, e o-oo kaagad. Nerd ako remember?"

Pagkatapos kong sabihin yun. Umalis na sya. Pero bago sya umalis. May sinabi sya.

"asdfghjkl......"

Di ko naintindihan! Sorry naman! May lahi akong bingi. Bukas nga may parada kami e. Ako majoret. Hahaha. Lol

Pero ano ba kasi ang sinabi ni baklang Josiah?? Owmaygash!!

To be continue...

The Girl of your NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon