May dalawang araw at tatlong oras ng hindi nagpaparamdam sa akin ang baklitang Josiah ah?
Uyy bakit bilang na bilang ko? Aysh.
Oh well. Mas ok na yun kesa naman inaaway ako ng mga chararat girls. Duhh! Ako kaya ang maarteng nerd. -_- Ayoko ng panggulo kapag gusto ko mapag-isa.
Hangin na ulit ako kay Josiah. Magaling! Magaling! Yan ang gusto ko. Ang lubayan nya ako. Bwahaha.
Afternoon class na at sobrang boooooooooooring. -_- Wala kasing klase. Bakit? Kasi December na. Ewan ko kung anong konek nun. Naiinis ako sa mga tamad na teacher na ayaw magturo porket malapit na ang LONG HOLIDAY BREAK.
I decided to go to canteen. Yea. Boring e. Kakain na lang ako.
Pagdating ko sa canteen. Nakita ko si Josh.
WAIT! WHAT?! JOSH?! YOU CALL HIM JOSH?! DUHH SNOW! EWW!
Eto nanaman ang utak kong abnormal. Iiwasan ko na nga makipag-chat kay simsimi. Nahahawaan nya ako ng kabaliwan e.
Habang bumibili ako ng favorite kong cassava cake. Napatingin ako sa grupo nila Mamang Josiah. Ang ingay kasi nila.
And what I saw was my heartbreak. Oo. Heartbreak. Hindi ko alam kung bakit. Pero nasasaktan ako na makita si Josiah na may kasamang iba.
Ayy sh!t Snow! Tumigil ka! Anong nasasaktan?! Ang landi ha.
Eh nasasaktan ako e. Ano magagawa ko?? Nakakapagtaka isipin pero naglalakad na ako papalapit sa kanila ngayon.
Nandito na ako.
Hinila ko si Josiah.
Sinapak ko yung lamesa.
Pinatayo ko yung babae.
"Hoy! Sino ka?! Anong karapatan mong lapitan si Josiah?! Ha?! Sumagot ka!!"
Tinulak ko yung babae.
Naiiyak na sya.
Wala akong paki.
"Ano?! Bakit di ka makasagot?!"
Tinignan ko ng masama si Josiah.
Tumatawa sya.
Siraulo to ah! Tawanan pa ako.
"At ikaw! Anong tinatawa mo dyan?! Bwisit ka! May pa-mahal talaga kita mahal talaga kitang nalalaman sa may rooftop tapos gaganito ka lang! Lintik ka!"
And after what I said.
Tumawa ang mga kaibigan ni Josiah.
Pero bakit?
"Josh. Tol umamin na si Snow. Pano ba yan? Torpe ka nga talaga? Hahahaha"
Siraulo din tong si Mike e. Anong umamin?!
"Tumahimik ka pare. Hindi nya nagegets sinasabi mo."
Abaaaaa. Mind reader ang baklang Josiah. Tss.
"Tara mga Tol. Tapos na tayo dito."
And there! Nagwalk-out ang baklang Josiah! Litsiplan!! -_-
Bumili na lang ako ng sandamakmak na cassava cake at C2. Nakakainis. Napahiya ako fre!
Umalis na lang din ako sa canteen. Siraulong Josiah yun e! Malilintikan talaga sakin yun!
Naglalakad na ako papuntang rooftop. Bakit? Kasi dun talaga ako tumatambay pag gusto kong mapag-isa. No one dares na umakyat dun except me. Kasi nakakatakot daw? Ewan. Haha. Hindi naman.
Ang ganda ganda ng lakad ko ng may madaanan ako sa ground floor ng building. May mga estudyante dun. Nakakagulat? Oo. Kasi normally, walang students nag tumatambay doon. Unless bayaran na ng tuition.
Hindi ko sila pinansin. Bakit? May mapapala ba ako? Ikayayaman ko ba? Hindi naman di ba. Hay nako.
Naglakad na ako paakyat sa second floor.
Pagdating sa second floor. May mga tao ulit. Ano na yan? Anong trip ng mga tao. Kanina sa baba may hawak silang tarpaulin. Nakasulat "WILL" tapos ngayon "YOU". Hay ewan.
Di ko na lang pinansin yung mga tarpaulin at taong may hawak nun hanggang sa makarating ako sa rooftop.
Bubuksan ko na ang pinto. Pero nakalock. Aish naman! Kinatok katok ko. Nakakaloka to. Sino ba nandun at ayaw paistorbo??
Isa na lang. Aalis na ako pag ayaw pa din buksan.
*blag*
*boogsh*
"O-Ouch?"
Halos di ako makatayo. Makagalaw.
Araay.
"S-snow! Ok ka lang ba?? Saan ang masakit?? Hala sorry. Bakit mo ba kasi tinulak? Naman e."
Ayy ang bakla pala ang may kasalanan. Tss. Litsi talaga. Nakakabadtrip na tong baklang to ah. Namumuro na sya.
"Snow sorry talaga. Sorry. Di ko naman alam na itutulak mo pala."
"Tss. Excuses! Ewan ko sayo! Umalis ka nga dyan at gusto kong matulog."
I was about to walk at pumunta sa railings ng bigla nya akong hinawakan sa kamay.
Problema neto?!
Lumingon ako sa kanya. And to my surprise.. May hawak syang 1/8 illustration board.
To be continue...
BINABASA MO ANG
The Girl of your Nightmare
RastgeleSabi nila, "Everybody deserves a second chance" pero what if paulit ulit na lang na nangyayari, magbibigay ka pa ba ng chance?