Athena's
"Good Morning Ms.Park"
"Good Morning Dra.Thompson"
"I will be straight to the point.Ang dahilan ng paninikip ng dibdib mo ay dahil may Cardiomegaly ka.Kung saan ang puso mo ay nalaki,higit sa normal size ng puso ng tao.Every 5 Months nalaki ng 1 cm ang puso mo kaya Ms. Park pag nakaramdam ka ng paninikip ng dibdib at pagdugo ng ilong,Please do your best to calm yourself. Ms.Park kailangan mo ng magpa-heart transplant as soon as possible dahil habang tumatagal lalo kang mahihirapan at masasaktan kaya habang kaya mo pa,Mag-patransplant kana"
"Thank you,Dra.Thompson.Ako na lang po bahala kung kailan ako mag-papatransplant"
"Iha,Value your life"-ngumiti na lang ako sakanya at umalis.Umuwi na ako sa bahay at nadatnan ko si Mama,Tito Mark at Chelsea na nagtatawanan sa sala.
"Saan kaba nagpupupunta ha?napakalayas mo,wala ka namang silbi"-Chelsea
"Athena!Paghanda mo kami ng pagkain,nagugutom na kami"-Tito Mark
"Napapagod na po ako.Nanjan naman po si Yaya Martha"
"At saan ka naman napagod ha?Sa kakalakwatsa mo?At lagi ka na lang naka-asa kay yaya Martha,Napakatamad mo"-Mama
"Sige po paghahanda ko na po kayo ng makakain"-sabi ko at ngumiti sa kanila.Pumunta na ako sa kusina at pinaghanda sila ng pagkain.
"Ito na po ang pagkain nyo.Aakyat na po muna ako sa kwarto at matutulog"-nakangiti kong paalam
"Lagi ka namang tulog.kung hindi naman tulog laging nalayas.napakabatugan mo talaga"-Hindi ko na pinansin si Chelsea at dumeretso na sa kwarto ko.
Ako nga pala si Athena Aphrodite Park.1/2 Korean and 1/2 Filipino.17 years old.We're living in Korea.May half sister ako si Chelsea at ang tatay nyang si Tito Mark.2 year na silang kasal ni Mama.Wala na ako Papa,7 years ago namatay sya dahil sa Car Accident.Simula't Sapul mainit na ang dugo sa akin ni Mama kaya nga close kami ni Papa e.Simula ng namatay si Papa nawalan na talaga ng pakialam sa akin si Mama.Si Chelsea nga pala ay 10 years old kaya nga kahit buhay pa si Papa ay niloloko na sya ni Mama.Fixed Marriage lang sila Mama at Papa,kaya siguro ayaw sa akin ni Mama kasi hindi nya Mahal si Papa at si Tito Mark lang ang Mahal nya.
Hindi ko alam kung sasabihin ko pa kay Mama ang Sakit ko kasi sasabihin lang nya nagiinarte lang ako kaya nakapagdesisyon na akong wag na lang sabihin sa kanila.Lalaban na lang akong mag-isa ay hindi pala ako mag-isa may bestfriend nga pala ako si Raven.Hindi namn siguro nya ako iiwan eh.
Lumabas na ako sa kwarto ko kasi hindi ko namalayan na 7:30 na ng gabi at nagugutom na ako,hindi pa pala ako nag tatanghalian.Nakita ko sila sa Dining Area nakain na.Hayyys hindi man lang nangalok.Hindi talaga ako Welcome sa Family nila.Napansin ko rin na tapos na silang kumain.Pag kalapit ko,tumayo sila at pumunta sa sala at tinuloy ang pagkwekwentuhan.Umupo na ako at nag simulang kumain ng mag-isa.Nakita ko naman na nakatayo lang si Yaya Martha sa may sulok.
"Yaya Martha,sumabay na po kayo sa akin.Alam ko naman po na hindi kayo sinasabay nila Mama sa pagkain eh"
"Salamat iha,ha?Hindi kona tatanggihan yang alok mo at talagang nagugutom na ako"-nginitian ko na lang sya bilang tugon.Si Yaya Martha pala ay 43 years old na.Sya ang nagsilbing nanay ko sa loob ng limang taon dahil pag may problema ako or may sakit,lagi syang nanjan para gabayan at alagaan ako.I love Yaya Martha so much.
"Yaya Martha,masama ba ako?,b-bakit ganun na l-lang kung t-tratuhin nila ako?"-kasabay non ang pag-bagsak ng isang butil ng luha mula sa mata ko at napatingin ako sa kanila na masayang nagtatawanan parin sa sala.
"Anak,don't think na masama ka,Ikaw nga ang pinakamabait na tao na nakilala ko eh"
"Then,Why are they treating me like this ?"
"Anak ,baka insicure lang sila sayo hahahaha.Pero seryoso Athena hindi ko rin alam,Intindihin mo na lang"-Hayyys,ano pa nga ba magagawa ko?Lagi naman sila ang iniintindi ko eh.
"Yaya Martha kayo na po bahala mag ligpit dito,ha?May sasabihin lang ako kila Mama importante lang"
"Sige ako ng bahala dito"-Tumayo na ako at pumunta sa sala.
"Mama may sasabihin po sana ako sainyo"
___
A/N:Oh no,ano kayang sasabihin ni Athena sa Mama nya?Napagdesisyonan na kya nya nasabihin na may sakit sya?Kawawa naman si Athena,no?Napakabait na bata pero kung tratuhin ng tinuturing nyang pamilya,parang sya na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.
[Athena on the multimedia]>>>