Level 2

185 5 2
                                    

                                                      LEVEL 2

                                                     • • • • • • • •

JAIRUS' POV

"Urrghhhh! Nakakainis! Bakit pa kasi kailangan nating pumunta dito? Kadiriiii!" Reklamo ni Miles sa'min. Asan nga ba kami? Pinuntahan namin ang libingan ni Mildred. para saan? bibisitahin namin.

Si Princess? Hindi niya tinuloy ang sinabi niya kahapon. Nakakainis nga eh, nagbibiro lang daw siya. Ewan ko kung may alam ba siya o talagang pinagtripan niya lang kami kahapon pero hindi ko yun kailangan. Dahil gusto ko, ako mismo.. ako mismo ang makatapos nito..

Alam ko na may naiwan sa nangyari noon. At siya ang gumawa ng lahat, Pero hindi ko alam kung sino dahil wala namang nakapansin noon, sino bang mag-aakala na papatayin si Mildred? Tutal, kasalanan niya naman ang nangyari

*Flashback*

"Pinagkatiwalaan ka namin Mildred! Bakit mo nagawa yun?!" Galit na galit na sigaw ni Alliah sa kaibigan. Pati ako nagagalit din pero anong magagawa ng galit? lalo lang itong makakagulo.

"H..hindi ko sinasadya! Nagkataon lang na dapat nating bigyan ng chance si Harold!" Depensa ni Mildred sa sarili. Lalong sumama ang hangin ng pumasok si Andrea na may dalang raketa ng badminton, mukhang galing pa itong practice dahil pawis na pawis ang uniform niya.

"Hindi sinasadya? Oh nadala ka lang ng kalandian mo?" Kalmadong tugon nito habang nakatingin lang ng deretso kay Mildred. "Sorry.. Mahal ko lang talga siya" mahinang sagot ni Mildred

Lintek! Mahal? Mas- "maspipiliin mo pa siya kesa sa'min?" Hindi ko na napigilan magsalita. Tropa kami! Dapat kami muna! Bakit maskumakampi pa siya sa hinayupak na Harold na yan! Nakilala niya lang yan ng dalawang buwan!

"Hindi naman sa ganun Jairus..." Mahinang tugon ni Mildred.. Bakas sa boses niya ang kalungkutan. Pero hindi din maiwasang masaktan ang mga kaibigan ko dahil masmatimbang para sakanya ang boyfriend niya

"Edi kalimutan na lang natin na naging magkaibigan tayo" Sabi ni Alliah habang tinatapik tapik ang balikat ni Mildred, at tuluyan na itong umalis. Sumunod na din sakanya ang iba.. pati ako sumama na din. Iniwan namin si Mildred na umiiyak sa classroom.

"Guys.. hindi ba masyadong harsh kung kakalimutan na-" naputol ang sinasabi ni Ysabel ng dumaan si Harold.. Ramdam namin ang tensyon sa pagitan namin.. Parang anytime, may suntukang magaganap

"si Mildred?" tanong nito.. "nasa banyo" sagot ni Anne. Agad namang tinungo ni Harold ang banyo

"Ba't di mo sinabi sakanya na nasa classroom si Mildred?" Tanong ni Princess. Nag-iwas tingin si Anne at "Hayaan nyong umiyak mag-isa si Mildred.. para maisip niya na kailangan niya tayo"

Kinabukasan, hindi na namin nakita si Mildred. Umiiwas na nga ata siya sa'min. Pati sa klase hindi na siya pumapasok.. Hanggang sa makarinig kami ng sigaw

"MAY BANGKAY SA JANITOR'S ROOM!!" Sigaw ni Ysabel habang humihingal papasok sa classroom. Lahat kami natigilan, pati ang adviser namin. At dahil nga maraming chismosa/chismoso, Halos lahat nagtakbuhan papunta sa Janitor's Room.

Nakaramdam ako ng takot. Shit! Kalalaki kong tao?! Pero di ko maiwasan mag-isip. Hindi kaya si Mildred yon? Tsk. Napailing na lang ako sa naisip ko. Mga naiisip ko talaga

Tumigil kaming lahat sa tapat ng pintuan. Lahat nakikiramdam at walang umiimik. Naghihintayan na may bumukas ng pintuan. Nak ng potek. tititigan lang nila yang pintuan?!

Pumunta ako sa harap at hinawakan ang door knob. Nakaramdam ako ng ginaw...

at ng mabuksan ko, tama nga ang hinala.. Si Mildred na puno ng saksak ang katawan.. at may butas sa ulo niya.. sa may utak, dun nanggagaling ang dugo na dumadalo hanggang sa paa ko. Nakamulat pa ang mga mata niya at nakatingin sa dereksyon namin.. sa pintuan

Nakarinig ako ng sigaw galing sa likod, at mga reaksyon na diring dire. Pati ako nakaramdam ng diri dahil sa amoy ng bangkay. Nakaramdam ako na may humawak sa braso ko.. si Miles natatakot at naiiyak na tumingin sa bangkay na nasa harap namin ngayon..

Lalapitan ko sana ang bangkay kaso may natapakan ako... isang bracelet. Hindi ko pinahalata yon sakanila. Naghintay ako ng tamang timing para makuha yon ng walang nakaka-alam. At ng makuha ko nilagay ko muna sa bulsa ko at may naglalaro nanaman sa imahinasyon ko..

*end of flashback*

"Helloo? Jairus? Kanina pa kita kinakausap!" Napatigil ako sa pag-alala kung ano man ang nangyare noon nang tawagin ako ni Miles. Napatingin ako sa bracelet niya. Ang simbolo ng pagkakaibigan namin. Meron kami niyan. Tig-isa.

Napangiti ako sa naisip, edi masmapapadali ang pagtuklas kung sino dahil sa bracelet. Tinignan ko silang lahat habang naglalakad papunta sa puntod ni Mildred.. Tinignan ko isa isa ang mga kamay nila pero... Bat lahat sila walang bracelet?

"Guys.. yung bracelet nyo?" Tanong ko kaya napatigil silang lahat sa paglalakad at tinignan ako.. "Hiniram kaya ni Mrs. Reyes yun nung nakaraang Sabado, pero ibabalik niya naman eh" Sagot ni Anne habang pinupunasan ang pawis nya sa noo.

"Bakit mo natanong?" kalmadong tugon sakin ni Alliah. Hindi ko naman pwedeng sabihin dahil baka maslalong humirap, hihintayin ko na lang pagbinalik na ang bracelet.. hindi ko alam na ganito lang pala kadali hulaan kung sino talaga ang gumawa ng krimen

ganito nga ba kadali? o kasali lang ito sa laro?

 • • • • • • • •

Get ready for the next level.. 

MANIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon