INTRO I

1.3K 14 7
                                    

                                                 ANNE

                                                •  •  •  •

                                              (INTRO I)

"Bess!! Bisitahin mo naman ako dito! Ako lang magisa dito sa bago kong apartment! Ang boring kaya!" sabi ko sa kabilang linya habang nililibot ang tingin ko dito sa bago kong kwarto.

[Sige! Wala din naman akong gagawin mamaya eh, uhmm.. Mamayang 6 siguro ng hapon ako makakapunta dyan. Okay lang ba?] Sagot ni Anne na siyang kinatuwa ako! At least, may kasama akong magcelebrate ng bago kong room. geez!

"Wew! Buti naman at pumayag ka! Busy kasi sila Ysabel eh! Kaya ikaw naisip kong tawagan. Aabangan na lang kita mamaya ah? Tawag ka na lang pag nasa baba ka na!" Tuloy tuloy kong sabi habang naglalakad papuntang kusina. Ano kaya pwedeng lutuin mamaya? katawan ng tao? haha. biro lang! 

[Oh sige, Bye na muna ha? Tinatawag na ako ni dad. alam mo naman yun! hahaha] Sabi ni Anne at sinundan ito ng mahinang tawa. 

"Sige! See yah later! Love lots" 

*toot* *toot*

Huminga ako ng malalim habang kinukuha ang pasta sa ref. Gagawa na lang akong carbonara? Hays! Yun na nga lang...

TIME CHECK : 2:30 PM 

*tok tok tok*

Napatigil ako sa paghahalo ng mga cream ng marinig kong may kumatok. Sino yun? Nilapag ko ang sandok na hawak ko at pumunta sa pintuan...

"Anne? Ang aga mo ata? Akala ko ba mamayang six ka pa makakapunta? Di ko pa tuloy tapos ang hinanda kong pagkain!" Sabi ko habang kinakamot ang batok

Imbis na sinagot niya ang mga tanong ko, Tuloy tuloy lang siyang pumasok at umupo sa upuan.

"Anne?" tawag ko dahil nawe-weirduhan ako sakanya. Ang tahimik niya? parang may mali...

"bakit?"

Hindi ko alam pero tumaas mga balahibo ko sa ngiti nya.

"ah.. Wala, tahimik mo kasi ngayon eh" Pag-iiwas ko ng tingin. Bakit iba? May nararamdaman akong iba? Tumingin ako ulit sakanya at nginitian nya lang ako.

"laro tayo?"

Pinakita nya sakin ang dala nyang manika..

Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon..

"Ha? Osige! Tara! Haha. Feeling bata tayo ngayon noh?" Lumapit ako saknya at kinuha ang manikang dala nya.. Siguro dahil sa panginginig ko eh nahulog ko yung bag na dala niya

"Sh*t Sorry!"

Lumuhod ako sa sahig para pulutin ang bag nya at napatingin ako sa bandang paa nya..

"bess.. Di ka pa nagsapatos? Bat naka paa ka lang?" 

Tinignan ko sya..

Nakatingin sya sakin habang nakangiti..

Di nya ako ulit sinagot..

"Pano ba to laruin?"

Pagbabasag ko ng katahimikan..

*riiing* *riiing*

Napatingin ako sa phone ko..

"Anne, teka lang. Sasagutin ko lang yung tawag" Pumunta ako sa kabilang sofa para tignan kung sino tumatawag

---------

ANNE

IGNORE    ANSWER

---------

Si anne? Pero?

Tumalikod na lang ako kay Anne na nasa kabilang sofa na naglalaro ng manika. Yumuko ako at sinagot ang tawag

"Hello? Alliah? Nasa baba na ako ! Pataas na ako dyan sa apartment mo! Salubungin moko ha? Medyo napa-aga ako kasi ginawa na pala ni Nicole lahat ng paperworks... Hello? Alliah? Andyan ka pa ba? Hello?"

Napalingon ako sa likod para tignan ang babaeng akala ko'y si Anne.

Pero wala na sya... Tanging nandun lang ang isang manikang nakangiting nakatingin sakin..

あなたが死んでしまう。あなたが死んでしまう。どこイム。気を付ける

MANIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon