Do not be ashamed to wear make-up! :) Hindi porke nagmake-up eh plastic na ang kagandahan. Make-up doesn't make us prettier, it only highlights what's already in there. (Unless there's contouring)
I won't start a lesson kung paano mag-make up ng tama dahil hindi naman ako make-up artist. These are for beginners so hindi ko naman ineexpect na gusto mo agad ng makapal na make-up. haha
1. Start with lipstick/liptint
When your lips have color, hindi ka magmumukhang maputla! Simple. Kung nahihiya ka, then start by putting a little bit everyday hanggang masanay ang mata ng mga nakakasama mo at hindi ka tuksuhin.
Kung tuksuhin kaman, shrug it off. Huwag kang mag-deny na naglipstick ka para hindi na big deal.
When choosing a color, stick with red. Pinaka-natural naman siyang tingnan kesa sa ibang color. Don't worry about brands, para sa kin pare-pareho lang naman. I even use very cheap lipstick sometimes, yeah, kahit yung galing sa mga Taiwanese stores. Hehe
2. Shadow your eyelids
Definitely not blue or black! Haha No eyeliners too. Choose a color just SLIGHTLY darker than your color, para mukhang natural lang. It does work wonders ng hindi nahahalata haha
I assume alam mo kung saan nagsisimula at nagtatapos ang eyelids mo!
3. Enhance Lashes
Nakaka-attract naman talaga ang matang may mahaba at makapal na lashes dba? Para sa akin, nakakaganda talaga sa babae yun. Good thing about it, hindi naman siya masyadong halata kapag nag-lagay ka. Hindi tulad ng eyeliner at blush-on.
If hindi ka comfortable with black na mascara, merun namang clear. Try mo, baka lashes na lang pala ang kulang sa ganda mo! :)
4. Eyebrows are important too
Nakakabawas ng konting ganda ang makapal at makalat na eyebrows, konti lang naman. So why don't you clean it?
I do it myself, kahit hindi ako marunong, tiwala lang! Promise hindi talaga ako marunong, wala akong background sa cosmetology at walang nagturo sa akin. Hindi naman perfect ang arch ng eyebrow ko, but at least it's not messy! Kung hindi mo talaga kaya, punta ka nalang ng parlor, 30 pesos lang naman. Wag mo tipirin ang kagandahan. haha
Hindi ko naman sinasabing instantly gaganda ka kapag inayos mo kilay mo, what I'm saying is, malinis tingnan. Magmukhang malinis is really all that matters to me!
5. Never wear too much makeup
We all know that. Gusto ko lang i-mention kasi merun pa ring nakakalimot. Haha natural-look makeup talaga ang pinaka nakakaganda. Minsan kasi ang no make-up look nakaka-haggard.
BINABASA MO ANG
Basic Beauty Tips
Non-FictionPara sa mga wala o kulang ng kaartehan sa katawan. Basic beauty tips lang naman, pero dahil nga hindi ka maarte, baka hindi mo pa 'to alam. I enourage you to read, wala namang mawawala. Tandaan,regret is for those who never try. :)