Hindi niya ako pinaasa,
Umasa lang talaga ako.Akala ko kasi pwede
Pero ang totoo hindi naman talagaKahit ilang taon pa ata akong maghintay
Hindi pa rin ako, hindi ako.Masakit man isipin pero wala akong magagawa.
Tanga na nga siguro talaga ako.
Kasi kahit sa una alam kong talo na ko.
Kahit Wala ng pag asa pero sinubukan ko pa rin.
Kaya eto ang napala ko,
Nasasaktan kahit hindi niya alam na ang sakit sakit na,kasi wala akong karapatan manumbat dahil ginusto ko ' to.Gusto ko ' to, gusto ko siyang mahalin ng palihim kasi ayokong mawala kung anong meron kami,Pagkakaibigan.
Kaibigan.
Hanggang magkaibigan lang kami at hanggang doon lang ako.
Pagkatapos ng Foundation day, Ilang araw din bago kami pumasok dahil sumapit din ang araw ng patay.
Feeling ko nga sakto lang sa araw na yun ang nararamdaman ko kasi parang may pumatay sa puso ko nung mga panahong nakita ko sila sa gym.
"Bess! Tulala ka na naman dyan." Bumalik ako sa ulirat.
Nandito kami ni Bess sa canteen. Hinintay ko na lang siya na matapos sa kinakain niya.
"May iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Ano na naman ang iniisip? Ayyy. Wait, ano nga ba o sino ang iniisip mo?" Napayuko ako.
Masisi niya ba ako? Nasasaktan pa rin ako.
"I dont get you, Bess! I know sinadya mong lumipat sa likuran but you keep on glancing on him. Edi sana hindi ka na lang umalis sa tabi niya."
She's right, sinadya kong kausapin yung adviser ko na palipatin ako, buti nga pumayag.
"And there's more, you keep on ignoring him. Walang kaalam alam yung tao sa pag iwas mo sa kanya." Dugtong niya.
"I'm not ignoring him, I'm just not in the mood to talk to him. Sooner or later magiging ok na ang lahat." Pagtanggol ko sa sarili ko.
"Pero Bess, don't you think it's unfair for him? Kasi Parang kelan lang ok kayo tapos ngayon parang hindi mo na siya kilala sa pag aasta mo sa kanya." Pag kokonsenaya niya sa akin.
"Bess, I need time, time to think how to be cool with what I feel. Kasi Bess, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Umasa kasi ako, akala ko pwedeng ako. Ako ang magustuhan niya kaso mali na naman ako. So, I need space. Kailangan kong lumayo kasi kung hindi masasaktan pa rin ako." Pag amin ko sa kanya.
Tumayo na ko. "Mauuna na ko, magkita na lang tayo sa room." Paalam ko sa kanya pagkatapos ay tumakbo.
Pumunta muna ako sa tambayan ko, sa Rooftop.
Paakyat pa lang ako nakita ko na nakauwang ang pinto.
May tao kaya dun? Patuloy pa rin ako hanggang sa marating ko ang pintuan sa rooftop.
Sumilip muna ako at binuksan ko pa ng onti ang pinto pero sa hindi sinasadyang panahon, nandun pala siya.
Si Drake, na nakaupo tila may iniisip.
Tinignan ko na lang siya ng matagal.
Namiss ko siya, sobra. Kapag nasa room kami pinipigilan ko ang sarili kong tumingin sa kanya kasi baka lalo pa akong mahulog sa kanya.
Napansin ko tila malungkot siya. Bakit kaya?
Tatalikod na ko at handa ng umalis ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Dali dali ko itong kinuha sa palda ko. Pagkakita ko nagtxt pala si Bess.
Pag angat ko ng ulo ko nakita kong nakatingin sa akin si Drake.
"Ah... ehh... P-paalis na k-ko, pasensya na kung naistorbo kita. Sige, bye!" Nautal pa akong sabi sa kanya bababa na ko ng bigla niyang nahagit ang braso ko.
"Saglit lang Cara." Sabi niya sa akin. Hindi ko na tinangkang lumingon sa kanya.
"B-bakit? A-ano y-yun?" Pautal utal kong tanong sa kanya.
"Bakit mo ako iniiwasan? May ginawa ba ako sayong masama?" Tila malungkot na tonong tanong niya.
'Iniiwasan kita kasi kailangan ko. Wala, wala kang ginawang masama sa akin pero masama sa akin ang nararamdaman ko para sayo.' Gusto kong isagot sa kanya.
"Meron ba Cara? Sabihin mo naman oh." Dugtong niya pa sa sinabi niya.
Huminga muna ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"Wala Drake, wala kang ginawang masama sa akin. Tsaka ano ka ba h-hindi kita iniiwasan. Imahinasyon mo lang yun. Hahaha!" Pagsisinungaling ko sa kanya.
Nababakas sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Ahmm. Drake pwede bang bitawan mo na ko kasi tinext ako na ko ni Bess, kanina pa daw ako hinahanap." Pagpapalusot ko.
Binitawan niya naman ako.
"Sige, aalis na ko." Sabi ko at patakbong bumaba ng hagdan.
Dumiretso ako sa cubicle ng cr. Umiiyak lang ako ng umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon.
Hindi na ako pumasok sa mga iba naming klase pumunta na lang ako sa clinic at nagpahinga.
Sinabi kong sumasakit ang ulo ko.
Which is partly true.
Hindi lang kasi ulo ko masakit pati puso ko.
BINABASA MO ANG
Sana ako na lang
Teen FictionMatagal tagal na akong Umaasa, Matagal matagal na din siyang Manhid. Hindi ko nga alam paano nagiging matatatag ang nararamdam ko sa kanya. Ayaw na ng utak ko pero gusto pa rin puso ko. Sana mapansin niya ako, Ang nararamdaman ko. Sana ako na lang...