SANL 2

13 0 0
                                    


Cara's POV

Uwian na nung lumabas ako ng clinic.

Pumunta muna ako sa garden ng school para magpahangin.

Hihintayin ko muna magsialisan sila ng classroom. Ayaw ko kasi siya makasalubong.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng palda ko. Nakita ko may 3 message sa inbox ko.

2 messages mula kay Bess, at ang isa naman ay galing kay Drake.

3 New Messages

From: Bess

Ui! Bess, nasan ka na?
___________________________________________

From:Bess

Bess, nandito na si Sir. Nasan ka ba? Hinahanap ka din ni Mico kanina sa akin.
___________________________________________

From:Drake Panget

Cara, nasan ka? Nandito na si Sir.
Okay ka lang ba?
___________________________________________

Rineplayan ko na lang si Bess.

To: Bess

Bess, pabalik na din ako dyan. Wala na ibang tao sa room?
___________________________________________

*You've got a message*

1 New Message

From: Bess

Ayy, sorry Bess nakaalis na ko. Maaga kasing dumating si Daddy eh. Di ko lang sure kung may tao pa.
___________________________________________

To: Bess

Ah. Ok sige. Ingat sa paguwi.
___________________________________________
From: Bess

Ikaw din Bess. Tawagan na lang kita later.
___________________________________________

Binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko. Tsaka tumayo para pumunta na sa room.

Hinihiling ko sana wala na si Drake sa room.

Nakadating ako sa room at kung
swineswerte ka nga naman.

Siya na lang talaga ang natitira sa room.

Pagkapasok ko ng room. Tinawag niya ako.

"Cara! San ka galing?" Tanong niya sa akin na may pag aalala.

"O' nandito ka pa. Galing akong clinic. " Sabi ko sa kanya na nakangiti

Dumeretso na ko sa upuan ko.

"Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" Concerned na tanong niya.

Pwede bang wag ka ng maging concern sa akin kung wala naman akong halaga sayo?

"Sumakit kasi ulo ko kaya nagpahinga muna ako. Bakit nandito ka pa pala?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha ko na ang bag ko.

"Ahh. May hinihintay kasi ako. " sabi niya sa akin. Na tila nag dadalawang isip.

Baka si Cherrie ang hinihintay niya.

"Ganun ba? O sige mauuna na ko sayo ha." Pagpapaalam ko sa kanya.

Malapit na ko sa pintuan ng pinigilan niya ako.

"Sabay na tayo." Sabi niya sa akin.

"S-sige." Nakakaasar naman. Iniiwisan nga kita eh. Huhuhu!

Naglalakad kami sa may hallway ng biglang siyang nagsimulang magsalita.

"Cara, hindi ko alam kung bakit mo ako iniiwisan. Pero kung may nagawa akong masama pwede mo ba akong patawarin?"
Sincere niyang pahayag sa akin.

Napayuko at napakagat ako ng labi.

Hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin.

"Wala ka ngang ginawang masama sa akin." Pahayag ko.

"Eh, bakit mo nga ako iniiwasan? Hindi kasi kita maiintindihan."

Aaminin na lang ba ako? Hayy.

"Hindi mo kasi ako maiintindihan."

"Ipaintindi mo sa akin, makikinig ako."

Okay, sige. Aamin na ko.

"Drake kasi..." Naputol ang sasabihin ko dahil sa sigaw ng isang babae.

"DRAKEEE!" tawag sa kanya ng papalapit na babae.
Hindi ko na kailangan lumingon kasi alam ko naman kung sino yun. Si Cherrie.

"Ahmm. Drake,mauuna na ako sayo." Paalam ko sa kanya, hindi ko na hinintay ang sagot niya at umaalis na ko.

Wala, umaasa na naman ako. Akala ko ako ang hinintay, hindi na naman talaga.

Akala ko may pakialam siya sa akin, wala naman pala.

Hindi ko namalayan may tumutulo na naman pa lang luha sa aking mata.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nadala.

Kung ayaw mo masaktan, huwag na huwag kang umasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana ako na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon