.1.

89 4 5
                                    

Chapter 1: Trishna Nics Forbes
1: Meeting Her at the New school

Trishna

It's been 4 months since our last trip to Japan...

Nandito ako ngayon sa bago kong school, naglilibot-libot mag-isa. Yess mag-isa ako dahil hindi ko kasama si Chesca ibang school kase siya kase magkaiba naman kami ng gusto. And by the way, it's 7:30 in the morning.. Ang aga noh? Kase ngayon iaanounce kung saan kang group makakabilang.

Habang naglilibot libot ako sa school may nakabunggo akong isang babae, hay buti na lang kamo babae. Tinulugan ko siyang tumayo, and ang ganda niya at ang cute ng buhok niya Curly hair.

"Ahm Sorry.."sabi niya, grabe ang cute ng boses niya siguro magaling tong kumanta,kaso parang nerd haahaha sabe sa inyo eh ang judgemental kong tao. Sarreh na.

"Ay okay lang...ako nga dapat mag-sorry eh, ang dami mo kayang dala sorry."sabi ko naman, mabait kaya ako noh. Hindi ko pa naman masyado kabisado tong school pasama kaya ako sa kanya.

"Ay, hindi na po, okay lang.. By the way I'm Athena France Estacio."sabi niya and nakipagshake hands, siguro mabait naman tong Nerd na to noh? (a/n: Refer to the pic. above I^I^I^I^I^I)

"Uhm Hi, Trishna pala, Trishna Nics Forbes."sabi ko naman. Pagkatapos nun sabay na kami pumunta sa may Main Hall, ang laki din ng school super ang mga decorations pang mga palasyo at ang ganda ng paligid.. Akalain mo yun meron palang ganitong school sa Pilipinas, may sariling pool na malaki, Canteen with so many sweet shops, may sariling mall, Movie theater, park, dorms, underground sports gym, at ang pinaka gusto ko sa lahat ay ang mga cooking rooms na may mga kumpletong kagamitan.. Kaya nga ang mahal ng tuition fee dito eh, buti na lang ni recommend ako ng ninang ko na isa sa mga Professionals dito kaya medyo nabawasan hahaaha lakas ko noh? Gift niya daw saken hahaha. Okay tama na nga ang daldal.

"Uhm, Thena bago ka bang estudyante dito?"tanong ko sa kanya malay mo parehas kami, tsaka para sure na rin mamaya msyado lang akong alam mo na....... judgemental.

"Ayyy hindi na ako bago dito actually buong buhay ko dito na ako nag-aral, kaya ang dami ko nang alam tungkol sa baking... and dito lang kase sa loob ng University na toh ang bahay namin kaya malapit lang at isa pa dito kase nagtuturo ang magulang ko eh."sabi niya, ahhh kaya pala pamilyar na pamilyar siya dito, sana maging close friend kami noh?

"Ahh kaya pala alam mo ang pasikot-sikot ng University na toh."sabi ko, "Can I befriend you.."

"Yeah, Sure No prob."sabi naman niya mabait naman siguro toh. Umupo na kami sa mga chairs dun ang dami rin palang nag-aaral dito mga rich kid ata toh eh hahaha. Ang arrangement ngayon dito ay may way sa gitna tapos dinivide in to two groups girls on the left and boys on the right, basta parang graduation lang yung arrangement iimagine nyo na lang, hirap magdescribe eh.

Tapos nung naoccupy na lahat nung chairs nagsimula na yung announcement, bukas daw magsisimula ang first day of school kaya ngayon daw may time pa para maglibot ng buong school and by the way ang pangalan ng University na ito ay Marie Ayuzawa University..

Sinabi na rin na ang schedule daw namin every Mon, Wed,Fri, Sat ay Baking lessons and every Tues,Thurs ay Academic subjects. And may uniform daw para sa baking and uniform para sa academic, Tuwing Sunday free time namin yun. Tapos sinabi din yung mga Rules and Regulations ng school... And finally sasabihin na rin yung mga groups.

Ganito kase yun sabi kase ng Ninang ko may groups daw yun para sa cooking and baking lessons kada isang group mga 4 hanggang 5 miyembro dahil nga ang university na ito ay para sa mga gustong maging Patissiere yun daw ang major subj. ng school na toh marami daw branch ang university na toh meron dito sa Pilipinas meron din sa Paris, Japan, New York, Jamaica, Macau, Taiwan at marami pang iba. So sa kada isang group yun na yung kasama every time may Baking lessons.

Sweets RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon