MMMG #10 [My Effin' EX?]

27 0 0
                                    

A/N: Sa wakas nakapag-update na rin. HAHAHA. Matapos ang mahaba-habang panahon. We'll miss you LOLA. Wish youre happy now at heaven. Kamusta nyo na lang po kami kena lolo ah. WE LOVE YOU. 

 LOVE YOU READERS!!! :"""> 

----------------------------------------------------

Sa dami na ng nangyari, sa dami na ng araw na andito ako sa Barrio San Miguel, ngayon ko lang narealize, minahal ko rin pala ang lugar na 'to. Kung dati halos isumpa ko at magmakaawa ako na lamunin na ng lupa dahil andito ako, ngayon pinagdadasal ko na sana bumagal ang mga araw kasi alam ko mami-miss ko ang lugar na to. Hindi man sya ganun kaganda tulad ng Manila, atleast dito ko lang naranasang magkaroon ng TOTOONG kaibigan. Ever since sa Manila wala pa akong nagiging totoong kaibigan. Kaya lang sila nakikipagkaibigan sa akin ay dahil gusto nila na mapalapit kay Jade. Ampfff. -_- 

ERASE THOUGHTS NA NGA.

 “ SAV, BABA KA NA. BAKA MALATE KA NYAN!!!” sigaw ni tita.

“ARASOOOO. I’m coming down na po.” I grabbed my things. My bag, my i-pod, my diary and my phone. Dati hindi naman ganito kabigat ang dinadala ko sa school eh. Hayyy, kamusta na kaya ang Manila? Yung mga fake friends ko dun. Kahit naman fake sila atleast matatawag ko silang friends ‘for a cause’ nga lang.

*Beep. Beep.*

From: Jade

Hey beauty! <3

Tarantado to ah. Ano namang pakulo ito?

To: Jade

Bye, Beast >X)

Sent

HAHAHHAHA. Masyado bang bad? Eh, bagay naman sa kanya eh. After ng lahat ng ginawa nya sa akin. Deserve lang niya yun.

*Beep.Beep.*

From: Jade

Araaay, busted na ba ako nyan :( :3 Ang sakit naman nun Sav.

-_________- Sinabi ko na ba sa inyo na pareho sila ni Caius. Kaya nga madali akong nainlove kay Caius eh. Parehas na parehas sila ni Jade.

To: Jade

Tigilan mo nga ako Jade. Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Ano na naman bang pakulo to ha? Tumino ka ha? Hindi nakakatawang biro to

Sent

Bumaba na ako at baka mapagalitan pa ako ni Imu [tita] Pagbaba ko, grabe ang sarap ng amoy. BACOOOOOOOOOOOOOON. My favourite!

“nongdam eulo hoejeonsigan [ang tagal mo naman ata]”

“dangsin-eun geoui imo hunlyeon-eul haji [parang hindi ka na nasanay tita.]”

“Sige na, kain ka na. Malalate ka na. Yung kotse pala pagasolinahan mo muna sa bayan ah. naneun jinan bam-e sayong hagi ttaemun-e [Ginamit ko kasi kagabi]”

“May date ka tita noh? Nugu[Sino yan?]” namula naman si tita.

“Mu [wala ah]”

“HAY NAKUU TITA! Inlab ka eh. Aminin mo na? HAHAHAHA.” Kulit ni tita oh. Inlove pa rin.

“Tigilan mo nga ako Savrein Yoo. Hindi ka na nakakatuwa ha? Sumbong kita sa daddy mo. Sige ka!”

Nakakatuwa naman si tita. Naiinlove din kahit pa paano. Ako kaya? Hanggang kailan ko kaya hihintayin at mahahanap si Da One? Aabot kaya ako ng age ni tita sa kakahanap? Sana si Caius na. Sya na ang taong mamahalin ako at ganun na din ako. Parang bang sya na ang aking last love. Hindi bale nang nasawi sa first atleast sa last sigurado na ako na SYA NA.

Meet My Manila Girl シღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon