Special Chapter: Ven's Secret

40 0 0
                                    

A/N: Hindi lahat ng KONTRABIDA masama, yung iba sadyang MAY DAHILAN PARA MAGING MASAMA. Ewan ko na lang if after this magsisi kayo na kinampihan nyo si Sav. Bwahahahaha >X) *devilish smile* 

LOVE, LOVE, LOVE.

--------------------------------------------------

"Sav, please nagmamakaawa ako. Please. Layuan mo na sya." Ewan ko kung bakit ko to ginagawa. MAKAPAL na ang mukha kung MAKAPAL pero kailangan kong sabihin to. 

"Pero hindi ko kaya. Mahal ko sya."

"At mahal ko rin sya Sav. Akala ko ba mabait ka?"

"Siguro hindi na ngayon Ven."

“Kailangan ngayon din Sav, alam mo kung gaano kaespesyal sa akin si Caius, hindi mo ba yun naiintindihan? MAHAL KO SYA! MAHAL NA MAHAL!” sigaw ko sa kanya. Naiiyak na ako sa mga nangyayari. NAGMAMAKAAWA na ako. Kasi sumusuko na ako. Hindi ko na kaya. Hinding-hindi na!

“Hindi mo ako naiintindihan Ven. MAHAL ko rin si Caius. Hindi ko na kayang maging mabait ulit. Ayoko nang mawala ang taong pinakamamahal ko. Hindi ko na kakayanin pa Ven. Matagal na akong natakot, matagal na akong naging mabait pero ngayon hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magkamali muli at palayain ang taong pinakamamahal ko. Sana mainitindihan mo. Oo, matagal na kayong magkaibigan. Ano nga bang laban ko? Eh niligawan nya lang ako diba? Pero mahal nya ako Ven. Yun lang makakapagpatunay ng lahat. Mahal din ako ni Caius. Yun lang ang pinanghahawakan ko. Sorry Ven. Sorry.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya umalis na lang ako. Minabuti ko pang umalis kesa pakinggan pa ang mga susunod na sasabihin nya. 

OO MAHAL NYA SI CAIUS, PERO PAANO NAMAN AKO?

“Ms. Ven ikaw na ang last” nagulat ako sa sinabi ni maam. Hanggang ngayon nagda-day dream parin ako.

Oo, I admit. Naging mabait sa akin si Sav, pero just like her, I need not to be kind but fight. Lalaban ako para kay Caius. No matter what!

Tumahimik naman ang lahat. Pumunta ako sa side ng piano at dun tumugtog.

>Paying Kunin Mo Ang Lahat Sa Akin< play nyo para feel

 He's my bestfriend. Lagi ko syang kasama simula pagkabata. Hanggang sa nabalitaan ko na naka-arrange marriage syaNakiusap sya sa akin, kung pwede ako ang makasama nya sa party. Hindi ko naman kayang tanggihan bestfriend ko diba?

"And you are?" tanong sa akin ng isang maarteng girl.

"She's my girl." sabi ni Caius.

Nabigla ako sa sinabi nya. 

"Youre WHAT? Look, youre already arrange to me, and that only means YOURE MINE!" naiiyak na ako sa mga nangyayari.

"She's my girl. Period." nagwalk-out naman si girl. 

Nababagabag na ang aking loob. Hindi ako mapakali. Ako? Girlfriend nya? 

"Look, you can understand naman diba?" sabi sa akin ni Caius.

"Yes, I can" sagot ko.

Panglalait lang ang napulot ko pagkatapos ng gabing yun.

"SHE'S MY GIRL, DAD. YOU CAN NEVER CHANGE THE FACT!" sigaw ni caius kay tito.

"You have disappointed me Cauis. Isang hamak na anak lang yan ng trabahador natin. Hindi ka nahiya. Is that what youve learn from us? How could you!" sigaw pa ni tito. 

Pumagitna na ako.

"Will you both stop it!" naiiyak ko ng tugon.

Dahil sa akin kaya naging BITTER si tito kay Caius.

"Wag kang makialam dito, Ven. Please." sabi ni Caius tapos hinila nya ako palayo.

"HUWAG MO AKONG GALITIN CAIUS!" dire-diretso lang kami ng paglalakad ni Caius. Halos kalikarin nya ako palayo ng party.

"Tama na yan, Caius. mali yung ginawa mo. Kailangan mong magsorry - - -."

"SHUT UP, VEN. DAPAT NAKINIG KA NA LANG SA AKIN. EDI SANA HINDI NAGKAGANITO DIBA?"

"So kasalanan ko pa ngayon."

"HINDI BAT ANG SABI KO, MAGPANGGAP KA NA LANG. HINDI MO BA MAGAWA YUN?"

"HINDI KO MAGAWA? OO, HINDI KO NGA KAYA! ALAM MO KUNG BAKIT? KASI MAHAL KITA CAIUS. MAHAL NA MAHAL KITA! SIMULA NOON, HANGGANG NGAYON. BAKIT NGA BA ANG MANHID-MANHID MO. NAKAKINIS KA!"

Pero imbis na sagutin mo ako, umalis ka at iniwan ako na luhaan. Oo ang tagal nating hindi nagusap, hindi nagkakwentuhan. Hanggang isang araw lumapit ka sa akin.

"Ven, paturo naman oh."

"Ha? Ano ba yun?" Bakit naman to bigla-bigla lalapit sa akin?

"Pwede turuan mo akong magkorean."

Sinunod ko yung utos mo. Kahit halos mabulol ako sa pagsasaulo para masabi lang sayo at maituro lang sayo yung mga salitang Korean. nagkwe-kwento ka tungkol sa isang babae. Mukhang masaya ka na kasama mo sya. Ganyan ka na ba talaga kamanhid at hindi mo naalala yung dati? Unang araw ng pasukan, inapi ako ni Princess, pero balewala ko lang yun. Hanggang sa ipinagtanggol ako ng isang babae.

"I am Savrein Yoo, half Korean. Got a problem on that?"

Nagulat ako sa sinabi nya. Sya, korean? natakot ako bigla. Paano ba naman kasi maganda sya, matalino, mukhang mayaman. Walang binatbat sa isang katulad ko, na imposibleng matipuhan  ng mga magulang ni Caius. Diba nga sabi nila 'Isang hamak na anak lang ako ng isang trabahador'

Hidni ko alam kung bakit hanggang ngayon, ANG MANHID MO CAIUS. Nakalimutan mo ba, na iniwan mo akong mag-isa matapos akong umamin sayo?

Natapos ko ang kanta ko at nakatulala sa akin ang lahat. Tiningnan ko si Caius, nakatungo lang sya, samantalang si Sav naman ay nagulat.

“To whom do you dedicate that song?” tanong ni Miss.

“To Ms. Savrein Yoo” sagot ko. Pasensya na Sav. Pero MAHAL ko eh.

Lahat ng tao nakatingin sa kanya. Nagulat sila parehas ni Jannah. 

“Why to Ms. Yoo?”

“Mahal ko po si Caius.”

Masisi nyo ba ako kung bakit ko ginagawa lahat ng to?

-------------------------------------

Teaser:

"So pwede tayo na?" -Caius

"Hmmmm, Pwede." -Sav

Meet My Manila Girl シღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon