Kaibigan Kasi Kita (One Shot)

5.2K 194 29
                                    

Written by: deeksee/ @DixieJSalgado

All Rights Reserved 2013.

No Plagiarism please.

--------------------------------

KAIBIGAN KASI KITA.

It's hard to pretend to be friends with someone special

when everytime you look at that person,

all you see is everything you want to have.

***

"Ang cute cute mo talaga friend! Ang cute ng mata mo, ng ilong mo, ng tenga mo, lahaaaaaat!"

"Ikaw din friend eh! Syempre mana ka sa akin."

"Tse! Joke lang lahat yun eh. Di mo naman agad nakuha. May papabili ako sayo!"

Naandito ako ngayon sa bus at pinapanood ko yung isang babae at lalaki na nagkukulitan. Siguro mag-bestfriends sila, sobrang close nila eh. Pwede rin naman na mag-jowa. Ayy hindi! Friend ang tawag eh. magkaibigan nga siguro. Bigla ko tuloy namiss yung bestfriend ko. Oyy wag kayo, ang tagal ko nang hindi nakikita yun ah. 

Naalala ko tuloy nung second year ako. Wala akong masyadong kaibigan kasi hindi ako friendly. Yung mga classmate ko lang ang mga kaibigan ko pero may kakilala naman ako sa ibang sections. Nahihiya nga lang akong kausapin sila kasi gusto ko, ako yung una nilang i-approach.

Hanggang sa makilala ko si Paul. Ang isa sa mga naglakas loob na kaibiganin ako. Section C siya samantalang ako Section A. Nakilala ko siya through text. Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha yung number ko eh. Hindi ko siya kilala sa personal kahit na magka-school kami. Pero, ako kilala niya. Baka stalker?!

"Chloe, may naghihintay sayo sa labas. Ayun siya oh. Kanina pa yan dyan." Sabi nung classmate ko. Nakita kita. Tinignan kita maigi. Pero hindi kita kilala. 

"Hi Chloe..." Sabi mo pagkalabas ko ng room namin.

"Hi. Do I know you?" and smile. Mahiyain lang ako pero hindi naman ako mataray o masungit sa iba.

"I'm Paul." At itinaas mo ang kamay mo with your phone. Natuwa ako kasi sa wakas nakilala na kita. Ang gwapo mo rin pala. Maputi ka, matangkad, matangos ang ilong. American boy ba.

Nginitian lang kita since hindi naman tayo ganun kaclose at sa tet langtayo nagkaka-usap. "Lunch break niyo na ba? Tara sabay na tayo." Ewan ko ba, pero hindi ako natakot sayo at agad na lang sumama papuntang Canteen. Feeling ko nga safe ako kapag kasama kita.

Tumayo ka agad para um-order. Natuwa ako kasi libre mo. Haha! Hindi, syempre, first time kaya to. Na may manlibre sa akin ng lunch na lalaki.

Pagbalik mo, ewan ko ba sa sarili ko at bigla ko itong naitanong. "Paul, bakit mo 'to ginagawa?"

Kaibigan Kasi Kita (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon